Shat

920 16 7
                                    

"Leniii! Shat tayo dito!" Lumingon ako at nakita ko sila Trilly na nag-iinuman sa gilid. "Thank you pero pass." Nag pout silang lahat haha cute lasing na.

"Risa ikaw nga mag-aya lakas ng amats mo jan eh." Giit ni Chel. " Wag niyo nga pilitin, kung ayaw niya edi ayaw." Sabi ni Risa. Napatawa ako ng tahimik.

Kumuha ako ng upuan at umupo malapit sakanila. " Asus, gusto mo kaya pilitin  crush mo!" This time si Teddy naman. They're teaming up to annoy Risa.

Actually I know that Risa has a crush on me and I have a crush on her too kaso lang obvious si Risa kaya nalaman ko agad.

"Punyeta kayo, Leni oh inaaway nila akooo." Risa gave me her puppy eyes. Parang bata, she's so adorable.

"Kaya mo na yan." Biro ko. Natawa naman ang lahat as Risa crossed her arms. " BOOM BADING DASURB." Sabi ni Trilly. "Manahimik ka Trillanes." Patuloy parin nilang biruin si Risa.

"Oy tama na yan, baka mapalabas kayo dito na wala sa oras." I intervene. Tumahimik silang lahat at sabay tumingin sakin. Napataas naman ang kilay ko. Bigla nalang sila ngumiti sakin pagkatapos tumingin sila sabay kay Risa.

"Ayieeee kenekeleg pekpek neng ebe." Trilly teased. "May stroke ka ba?" Sagot ni Risa. Nabulunan tuloy sina Leila at Kiko. Yumuko naman si Trilly habang natawa sila Chel. Pinigilan kong tumawa.

"Pak dasurb." Sabi ni Sonny M. Napangiti nalang ako sa mga bardagulan nila. "Oy pero pinagtanggol ni bebe labs niya." Sabi naman ni Kiko. Namula naman ang pisngi ni Risa. "Tigil niyo na yan, lasing na kayo may trabaho pa bukas." Sabi ko.

Tumayo naman sila at inayos naman ang lamesa "Eto naman si nanay oh Kj." Sambit ni Risa. Sinubukan nito tumayo pero agad ito natumba. "Ouch." Sagot nito. Agad ako dumiretso sakanya. "Ayan."Sabi ko. Yumakap siya sakin habang tinutulungan kong tumayo. Habang yung iba ay paalis na

"Ang bango mo naman." Sabi niya at tinago ang mukha niya sa leeg ko. Risa juiceko ka. "Halika na, lasing kana." Sabi ko at sinubukan magbitaw sa yakap. "Ha? Halik na?" Sagot nito.

"Hoy wag kayo maglandian. Respeto sa single naman oh." Sabi ni Chel at lumabas na sa ballroom. "Umayos ka Risa, sabi ko tara na." Finally nakabitaw ako para tulungan siyang maglakad. I rest my left arm on her waist as I hold her hand that's resting on my shoulder. Nakayakap parin to sakin pero sideways.

"Mamaya na tayo alis please. Gusto pa kita yakapin eh." Mahinang sabi niya. I remain silent as I help her walk to the parking lot. Mamaya nakaramdam ako ng bigat sa balikat ko. Tinignan ko si Risa nakatulog na. Ano ba yan di pa nga nakaabot sa sasakyan.

Thankfully nakita ko sila Kiko. "Kiko patulong please. Nakatulog na." Sharon and Kiko came to help me carry Risa. "Tulungan niyo ko ha, lasing ako slight eh." Tumango na lamang kami ni Sharon.

Nakahawak sa braso ni Risa si Kiko habang kami ni Sharon nakahawak sa paa. "Ilan ba nainom ni Atty. Risa?" Tanong ni Sharon. "Uhm tatlong san mig light, isang Red horse at.... Mga apat na sunod-sunod na shat ng tequila." Sagot ni Kiko. "Sawi sa love life daw, ligawan mo na kasi Leonor." Dagdag nito.

Ngumiti ako kay Kiko habang binubuhat namin si Risa. Siguro pag hindi niyo kami kilala at nakasalubong mo kaming tatlo mukha kaming nagbubuhat ng patay.

Finally nasa parking lot na kami. Nasa harap lang ng entrance ang sasakyan nami nila Kiko. "Salamat ha, pasensya na." Sabi ko habang inaayos ko si Risa sa upuan. "No problem Atty. Leni, ingat po kayo sa biyahe." Sabi ni Sharon.

"Ingat din kayo," Sabi ko at inayos ang upuan ni Risa. Baka ma stiff neck. Pumunta ako pagkatapos sa driver seat at pinaandar yung sasakayan. Nung nakalabas na kami ng parking nung naaalala ko di ko pala alam kung saan nakatira si Risa, di niya naman sinasabi plus wala pa naman nakapunta sa bahay niya.

I have no choice but to bring her to my condo. "Bili tayo ice cream." Napalingon ako kay Risa nakatulog parin, nananaginip ata. " Leni pangga koo, buy me ice cream." Sabi niya. "Bukas na Risa, wala na tayo mabibilhan na ice cream sa ganitong oras, I promise bibilhan kita tomorrow."

Sabi ko habang nakangiti. Parang nanunuyo lang ako sa bata. " Ok." Mahinang sagot nito.

A few minutes later nakarating na rin kami sa condo. Bumabawa ako ng kotse para tawagin yung guard at kinuha yung mga gamit namin sa backseat. " Pasensya na po kayong manong." Sabi ko habang binubuhat ni manong guard si Risa patungo sa Unit ko. " Walang problema ho maam." Sabi ni manong habang nakangiti.

Binuksan ko na yung unit at pinasalamatan si manong pero binigyan ko muna ng 100 pesos bago ito umalis. Isinara ko na yung pinto pagkatapos. Tinignan ko si Risa na nakahiga sa sofa. 

Kumuha ako ng kumot at unan at ipinwesto ng maayos si Risa ng biglang. "I love you Leni." Bulong nito. Nakangiti akong Pumasok sa kwarto at nagbihis iniwan kong bukas ang kwarto para makaabot yung AC kay Risa.

Next morning

Nagising ako at inayos ang aking higaan. Lumabas ako sa kuwarto at nakitang tulog parin si Risa, hays kahit magulo ang buhok ang ganda parin. Napangiti ako tuloy sa iniisip ko kaya dumiretso ako sa kusina para mag luto.

"Punyeta, ang sakit ng ulo kooo." Rinig kong reklamo ni Risa. Kinuha ko yung gamot at tubig sa counter at pumunta sa sala. "Eto para mawala sakit ng ulo mo." Nagulat naman agad siya. "ANAK NG MAGNANAKAW! Ay Leni sorry." Natawa ako sa sinabi niya.

Binigay ko sa kanya ang gamot at agad niya rin to ininom. "Maupo ka na dun Ris, ihahanda ko lang yung lamesa luto na yung food." Tumango lamang siya habang bumalik ako ng kusina.

Narinig kong gumalaw ang upuan, Risa is already in the kitchen. Kinuha ko mga plato and utensils at inilagay sa lamesa.  "Kain na, mahal." Sabi ko. Gago nadulas or sinadya ko hehe.

Her eyes went wide from what I just said. Shet di ko na mababawi to.

"Ha?"

"Hakdog, sabi ko kain ka na MAHAL." Inemphasize ko pa talaga yung last eh.

Di parin to umimik. "Susubuan kita Ris?" Tanong ko pinipigilan kong tumawa ang cute ng reaction niya. Parang namumulang kamatis na nakanganga.

"Huy wag ka paasa Leni." Sabi niya mukha niyang paiyak na haha. "I like you too Risa. No wait I love you too." There I finally said it. Pero umiyak. Hoy may sinabi ba akong mali?

"Oh, why are you crying mahal?" I hugged her from behind. "Leni naman eh, panindigan mo yang sinasabi mo." She sobs. "Kaya nga may N sa pangalan ko kasi naninindigan diba? Quiet na, bibilhan pa kita ice cream kasi request mo kagabi." I said habang nilagyan ko ng pagkain plato niya.

Suddenly she stopped crying. "Nagrequest ako?" Tumango lamang ako. "Gusto mo nga pa akong yakapin kagabi eh."

"Pwede na kita yakapin araw-araw pangga." She said joyfully. "Finally jowa ko na si Lenae, yes may 1500 akong makukuha kay trilly bwahaha." Aba may pustahan pa talaga. Hays.

-----------------------------

Hello sana nagustuhan niyo 🤩. Dapat sana magbabasa lang ako pero nangangati kamay ko magsulat hehe. And short kwento ni author may nag hack ng isang acc niya tapos nagsend ng link ng lenrisa sa messenger gc na may teacher 🤧. Buti nlng talaga tapos na yung sem ng teacher na yun bagsak ata ako sa genmath nun 😭

BardagulanWhere stories live. Discover now