Cheetos

618 9 10
                                    

Remind ko lang po this is purely fiction, any events that happened irl ay sa totoong buhay lang naganap. Dejk. What happens in this story stays in this story. Kung may mahuli ako surebol ipakulam kita kay Cordelia Goode. Wuv you all 🥰

-----------------------------

Bus station:

"Risa, dun kana umupo sa harap kami na dito ni Trilly labs honeybunch ko." Sabi ni Teds. May lakad kami kasi ngayon.. sa Baguio. "Ew kadiri." Biro ni Trilly.

"Bwisit kayo, Sila Leila?"

"Andun, na daw sila kagabi pa, sumama kasi sila sa isang circle nila, rinig ko may dalawang maganda daw." Sabi ni Trilly. Ah kaya pala nag-aya mag outing yung mga yun. "Uy, switch seats na tayo. Tabi na kayo ni Yapi." Sabi ni Teds. Kating-kati ma solo si Trilly.

"Bahala ka jan Teds, magdusa ka." Sabi ko. Tinatamad na ako tumayo eh gusto ko na matulog eh 5 a.m na. Nagdabog ang hayup. "Oo na, eto na. Umupo kana parang kang bata." Tumayo ako at napunta kay Pia. "Oh, ba't ka nakasimangot?" Tanong nito. "Si Teds kasi, inaantok na ako pinapatayo pa ako sa upuan."

Natawa lamang si Pia. Umupo na ako sa gilid niya isinandal ko yung ulo ko sa bintana at pinikit ang mga mata kasi shuta inaantok na ako.

Few hours later

"Ate, ate, gising." Unti-unting namulat ang mga mata ko. "Hmm?"

"Malapit na tayo ate." Sabi ni Yapi. Napaayos ako ng upo at tumingin sa labas. I wish I could share this view with someone special.

 I wish I could share this view with someone special

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(Anong app gamit nyo pa share naman fleeese UWU 🥺)

Couple minutes later we arrived na us sa terminal. "San daw tayo deretso?" Tanong ko kila Trilly total sila naman nakipagusap kay Leila. "Sa impyerno mhie." Sagot ni Teds. Pinakyuhan ko amp. Dasurb.

"Sa hotel daw, nag send na dito si Lei ng location. Kuha na tayo taxi." Nauna na si Trilly sa may taxi sumunod naman kaming tatlo.

Yapi took her phone out at nagstart mag video. Para sa vlog niya ata. "Malayo pa naman diba matutulog na muna ako. Goodnight." Sabi ko at isinandal ko ang ulo kay Yapi.

"Ako den." Rinig kong sabi ni Teds at nakaramdam akong bigat sa balikat ko. Di ko na inaway nag-iipon ako ng energy para mamaya.

"Bigat!" Sabi ni Yapi kaya tinulak niya kami kaso nauntog ulo ni Teddy sa may bintana. "Gago AHAHAHA, buti di mo nasira tigas pa naman ng ulo mo." Sabi ni Trilly.

"Bwisit kayo, ikaw Yapi di man lang dinahan-dahan." Sabi ni Teddy habang minamasahe yung ulo.

Di na ako umawat kasi inaantok na talaga ako kaya ginamit ko na lang yung bag ko.

Few minutes later

"Gising na mga bakla." Rinig kong boses ni Trilly. Nakaramdam ako ng bigat sa likod ko. Inayos ko ang pag-upo kaya nagising rin yung dalawa na nakapatong yung ulo sa likod ko. "Salamat ho kuya." Sabi namin at binayaran si manong driver. Kinuha na namin yung gamit namin at dumiretso sa loob ng hotel.

"Andito na ang mga vadeyng." Pagbati ni Leila nung sinalubong niya kami sa lobby. "Anyways ito yung keycard, Risa Yapi, samin ka, kayong dalawa may sariling room." Sabi niya sabay bigay ng card kila Trilly. "Loh, ba't kaming dalawa lang?" Tanong ni Teds.

"Asus, parang ayaw isolo si Trilly." Biro ni Yaps. "Ayaw nyo yun? May dalawa pa kayong kasama, papunta palang. Nauna kaming tatlo dito eh." Sabi ni Leila.

"Hali na magkatabi lang naman room natin, pahinga muna kayo kasi ikutin natin buong Baguio. Papasukin natin lahat ng bahay dito." Dagdag ni Lei habang hinihila kami ni Yapi.

Sumakay kaming lima sa elevator at dumiretso sa room. Kumatok si Lei sa room namin habang yung dalawa pumasok na sa sariling room nila. Ilang sandali pa nagbukas ang pinto.

Ang ganda niya ah. Tinignan ko si Yapi nakatulala. Siniko ko si Yapi kasi nakanganga na. "Huy, matutunaw kahit lamig dito maawa ka naman." Bulong ko sakanya.

"Pinks, ito si Risa, tas yung kapatid niya si Pia." Si Leila na mismo nagpakilala. "Its a pleasure meeting you." Sabi ko tinignan ko ulit si Pia. Tanggal angas ng isa eh. "H-hello." Sabat nito.

"Hello, dali pasok kayo, Si ate Lens andun." Sabi niya. Lens? Nu klaseng pangalan yon contact lense?

"Lenae, eto na mga kaibigan koooo." Sabi ni Lei. Pumasok kami at may babaeng nakatalikod sa amin, medj matangkad ako sakanya. May kausap sa telepono. "I'll call you later." Sabi nito. Shet mhie and boses.

Humarap ito sa amin at tila'y mundo ko'y napigil. "Pakisarado po ng bunganga, baka di lang langaw makapasok jan." Bulong ni Yapi. Bwisit naman to nakarma tuloy ako.

"Hi, I'm Leonor, you can call me Leni. I see you guys have met Pinky." Na f.feel ko na umaakyat ang dugo ko sa esophagus mga mars. "Hello po, nice to meet you. I'm Pia but you can call me Yapi."

This time tumingin siya sakin.

Anong sasabihin ko? Hi, I'm yours.

"Pardon?" Sabi nito. GAGO SINABI KO BA TALAGA YON?

"Uh, sorry, I'm Theresia, you call me Risa." Sabi ko. Nagtatagalog ba to? Tabang juiceko kakahiya.

"Its a pleasure meeting you two. I'm sure pagod pa kayo sa biyahe. Pahinga na muna kayo." Sabi niya. Ang hot niya pala magsalita ng filipino. Lumalala ang pagiging bakla ko.

"May pa I'm yours, I'm yours kapang nalalaman." Bulong ni Leila. Gago.

"Leni tas Risa isang kama, Yapi and Pinky kayo den, ako sa foam sa sahig. Hirap talaga pag walang connection." Sabi ni Leila.

"May wifi naman dito ah?" Tanong ni Leni babes ko dejk. Haluh ang cute di niya gets sinabi ni Leila. "Alam ko ibang connection sinasabi ko Maria, tsaka wag na kayo magreklamo sa sleeping buddy desisyonavilitism ako." Sabi niya.

Teka Maria? First name o second name? Mamaya ko na tatanungin napaulit-ulit sa utak ko kasi yung sinabi ko kanina. "Ok lang sayo?" I asked her. Kasi kung ako sobrang ok. She smiled. Her dimples showing. Lalong nababakla na talaga ako sa babaeng to. Love at first sight talaga to.

Naunang akong pumwesto sa kama. "Matutulog na ako goodnight." Sabi ko at pinikit ang mga mata ko. "Kanina pa yan natutulog." Rinig kong sabi ni Yapi. "Hayaan mo na Yapi, pagod lang ata ate mo." Sabi ni Leni bago ako nakatulog.

Time skip. (Tinatamad na ako mhie nawala agad ideya ko dito pero sige na.)

May narinig akong kumakain. Nagutom tuloy ako, naalala ko di pa pala ako kumain ng lunch. Binuksan ko mga mata ko at bumungad ang magandang mukha ni Leni. Gusto ko maranasan to araw-araw ehe.

Kumakain siya ng cheetos puffs habang nakatapat sa kaniyang laptop. Napansin niya ata na gumalaw ako kaya tumingin ito kaagad sakin. "Mhm, gising ka na. Baka gutom ka na? Gusto mo cheetos?, sa labas daw kasi tayo kakain sabi ni Lei."

"T.thank you." Grabe naman effect ng babaeng to di ako makapagsalita ng maayos. Tumayo ako at dumiretso sa kanya. Hinila niya ang isang upuan sa gilid niya at sinesenyas ako na umupo. Sumunod naman ako.

"Anong pinapanuod mo?" Tanong ko habang kumukuha ng cheetos. "Ah, crash landing, k-drama, mahilig kaba sa mga ganito?" She asked.

"Di masyado medyo busy kasi sa office pero pag may time pinapanuod naman." Somehow I felt comfortable na. Na intimidate ako kanina but her aura is so comforting.

Tumahimik na kaming dalawa, tanging laptop niya lang at cheetos ang gumagawa ng ingay. Maya't maya isinandal nito ang ulo sa balikat ko. Nanlaki ang mga mata ko.

Leni maawa ka naman. "Aba, nag netflix date pala kayong dalawa ha?" Boses ni Pinky ba? Napaayos naman ng upo si Leni. Ano ba yan saglit lang. "Gising na ba sila?" Tanong ni Leni pabalik kay Pinky habang chinecheck yung dalawa na unti-unti na rin nagigising.

Ipinause ko muna yung pinapanuod namin. " Mag- ayos na kayo, lalabas na tayo." Sabi ni Lei.

Part 2 ko na BWHAHAHAHAAHA

BardagulanWhere stories live. Discover now