KABANATA III (Helianthus)

33 2 0
                                    

Umaalingasaw ang masangsang na amoy mula sa dugo ng halimaw na si Frank na bumabalik na sa pagiging tao ang anyo sa paningin ni Fort, at ng misteryosong lalaki na tumulong sa kan'ya. Tila babaliktad ang sikmura ng Ginoong manggagamot ng masamsam ng kan'yang ilong ang amoy na tila naaagnas na bangkay, sampong beses ang alingasaw kaysa sa ordinaryong bangkay ng namatay na tao. Nasaksihan rin nila ang paglitaw ng mga white maggots sa paligid ni Frank at ang pagdami nila, na unti-unting bumabalot sa katawan nito. Nakasusuka man sa paningin ng iba ay sanay na si Fort na makakita ng ganoon. May ilang beses na niyang nasaksihan ang ganoong eksena. Ang mga uod mula sa karit-an. Sila ang sundo ng mga taong pinili ang sobra-sobrang kapangyarihan.

Subalit bago pa man tuluyang lamunin ng mga uod ang buong katawan ni Frank ay nagmulat ito ng kan'yang mga mata na nagbigay ng alarma sa misteryosong lalaki, na mabilis na itinutok ang kan'yang espada sa kan'yang mukha. Ngunit gumuhit ang awa sa mukha ng misteryosong Ginoo ng makita ang pagpatak ng luha sa mga mata ni Frank, isang purong luha, mula sa kan'yang puso, na siyang nagdikta sa kamay ng hindi kilalang lalaki na bawiin ang kan'yang espada.
"Pinilit kong magbagong buhay, pero wala akong pagpipilian. Papatayin rin niya ako. Patawarin mo ako Fort," ang pagsisiwalat niya na nagpaluhod kay Fort sa harapan niya.
"Bakit hindi mo kaagad sinabi?" ang pasigaw na tanong ni Fort na namumula ang mga mata dahil sa mga luhang pinipigilan niya. Nararamdaman rin ni Frank ang bigat sa kan'yang mga salita, na siyang nagpataas ng sulok ng labi niya. Sa isip niya'y noon pa man ay mabuting tao ang isang Fort Galen.
"Mas malakas na siya ngayon. May bagong gamot silang natuklasan. At hindi siya titigil hangga't hindi nila tayo nauubos. Iisa-isahin na niya tayo," ang paglalahad niya. Gumalaw ang bola ng mga mata ni Fort pakaliwa. Alam niyang ang taong iyon ang tinutukoy ni Frank.

"Mag-iingat ka, at... inaasahan ko ang pagtatagumpay mo bilang isang magaling na Healer Knight. Naniniwala ako sa'yo Fort Galen," ang dagdag pa ni Frank ng may ngiti sa kan'yang labi. Isang ngiti na nagsasabing ipinapaubaya na niya ang lahat kay Fort.

Marami pang tanong sa isipan ni Fort pero mas naging mabilis ang pagkilos ng mga puting uod na siyang sapilitan na ring pinasok ang bibig ni Frank bago tuluyang sakupin ang kan'yang buong mukha.
"Frank!" ang bulalas ni Fort sa garalgal na tinig na halos gumasgas sa kan'yang lalamunan. Ngunit wala na siyang magagawa, tuluyan na siyang kinuha ng mga underworld maggots. Ni kahit na anong bakas ay walang natira.

Wala na si Frank... Isang buhay na naman ang naging alay. Para saan? Para sa hindi malamang hinaharap.

Isinilid na ng misteryosong lalaki ang kan'yang espada sa kan'yang kaluban saka tinapunan ng tingin ang lalaking sa tingin niya ay makakatulong sa kan'yang imbestigasyon.
"Fort Galen..." ang nasambit niya sa kan'yang isipan. Pangalang hindi niya makakalimutan.

Lalapitan pa sana niya si Fort ngunit natigilan siya nang marinig niya ang isang melodiya ng plauta na sumasaliw sa banayad na pag-ihip ng hangin. Isang senyales na kailangan na niyang bumalik sa palasyo. Isang tingin pa ang itinapon niya sa Ginoong manggagamot bago niya tuluyang lisanin ang lugar na iyon, sa isiping kailangan pa nilang magkita, pilit man o hindi.

Tulirong naglalakad si Fort sa gitna ng siyudad habang pinagtitinginan ng mga tao na sa tuwing makakasalubong ng ilan ay iniiwasan siya. Bukod sa duguan niyang damit at katawan ay mukha siyang delingkwenteng Ginoo na ang alam lang ay makipagbasag-ulo. Malapit na niyang marating ang inn na kan'yang inupahan ngunit naramdaman na lamang niya ang kung anong malamig na bagay sa kan'yang pulsuhan.
"Iniimbitahan ka namin sa Helianthus, doon ka na lang magpaliwanag," ang sabi ng isang babaeng knight na sa tingin niya ay mas bata ng di hamak sa kan'ya.
"Bakit mo ako pinoposasan? May ginawa ba ako?" ang tanong ni Fort na tila wala pa din sa huwisyo.
"Nakita mo na ba ang hitsura mo sa salamin? Ang hitsura mong 'yan, ang hindi gagawa ng katinuan," ang sagot ng babaeng knight. Ngunit sa hindi malamang dahilan ay napangiti siya.
"Hindi ba't dapat ay sa ospital mo ako dinadala at hindi sa Helianthus?" ang tanong ni Fort.
Pero pinagbantaan siya ng babaeng knight na madadagdagan ang kan'yang kaso kapag hindi ito nakisama. Napanganga si Fort at may kakaibang kinang sa kan'yang mata, kinang ng pagkamangha sa babaeng inaakusahan siya sa kasalukuyang hitsura niya.

THE HEALER KNIGHT [Published under PAPERINK IMPRINTS]Where stories live. Discover now