KABANATA XVII (Alab)

10 1 0
                                    

GUMUGUHIT sa lalamunan ni Fort Galen ang pwersadong sigaw niya. Ngunit walang nag-akasayang huminto sa pakikipaglaban. Walang tumigil upang pakinggan ang kan'yang saloobin. Bingi ang lahat nang dahil sa kanilang pansariling hangarin.

Nakarinig pa siya nang mahinang paghagikhik mula sa Silangang bahagi niya. Si Lee iyon, dala-dala ang walang buhay na batang Pari na nagtangkang paslangin siya. Napupuluputan ng kan'yang sapot na tila humihigop ng kan'yang kabataan.

"Sa tingin mo ba ay makikinig sila sa'yo?" ang tanong ni Lee na bumalik na sa pagiging anyong tao ngunit hitsurang naaagnas ang katawan. Katulad rin nina Frank, at maging sina Lennus at Lors ay gayundin ang sinapit ng kan'yang katawan. Ang chronic exposure niya sa itim na salamangka at ang pagiging experimental subject nila ang naging dahilan kung bakit sila ay nagmistulang mga buhay na bangkay.
"Bingi ang mga tao Fort. Pansariling interes lamang ang kanilang sinusunod at pinakikinggan," ang dagdag pa ni Lee.

"May pag-asa pang maibalik kayo sa dati. Ginagawa na ang lunas," ang tugon ni Fort na matatanaw ang maliwanag na pag-asa sa kan'yang mga mata.
"Sinong gumagawa?" ang tanong ni Lee na naging matiim ang pagtitig sa mga mata ni Fort, na biglang natigilan nang maalala ang babala ng kaibigan.
"Lihim ang paggawa ko ng lunas. Walang dapat na makaalam nito, bukod sa ating dalawa," ang laging paalala ng kaibigang si Rafael kapag nagkakausap sila.

"Hindi na mahalaga kung sino. Basta magtiwala ka lang sa'kin Lee," ang sagot ni Fort sa dating kasamahan. Subalit mapait na ngiti ang naging tugon ng isang dating kaibigan.
"Magtiwala? Paano ko ibibigay ang tiwala ko, kung ako mismo ay hindi mo rin magawang pagkatiwalaan?" ang tanong ni Lee na may panlalamig ang tinig, na tumatagos sa puso ni Fort.
"Hindi mo naiintindihan Lee-" Ngunit hindi na nagawang ipagpatuloy ni Fort ang sasabihin nang sumabat si Lee sa nais pa niyang ipabatid sa kan'ya.

"At sa tingin mo ba talaga ay magtitiwala pa ako sa katulad mo, Fort? Matagal mo nang sinira ang tiwalang ibinigay ko sa'yo. Nasagad mo na ang tiwalang hinihingi mo," ang saad ni Lee nang may paninindigan sa kan'yang mga salita.

Nanlumo si Fort sa mga salitang binitawan ng kaibigan. Alam niya sa sarili niyang binigo niya ang lahat.
"Itigil mo na ang paghahangad na iligtas kami. Matagal na kaming lugmok sa kadiliman. Hindi na kami maaaring makabalik sa liwanag na hinahangad mo noon. Huli na Fort," ang naturan ni Lee na panatag nang hindi na makababalik pa sa buhay na inaasam niya noon. Ang buhay na binigyang kulay ni Fort kahit nasa loob sila ng selda.
Napahilamos ng kamay si Fort sa kan'yang mukha. Bahagyang nagtagis kan'yang mga bagang at umigting ang panga. Pilit itinatanggi ng kan'yang isipan na hindi pa huli ang lahat at may pag-asa pa.
"Anong gusto mong gawin ko? Hayaan kayo? Alam kong may kaya pa akong gawin... Bigyan n'yo lang ako ng pagkakataon, Lee," ang pagpupumilit ni Fort. Nagbabaka-sakali na pakinggan siya ng kaibigan. Umaasa pa rin ang Ginoong manggagamot na makikinig ito.
"Maglaban tayo. Labanan mo ako gamit ang iyong sandata na ipinagkaloob ng Arcana. Iyon lang ang maaari mong gawin," ang tugon ni Lee na hindi niya lubos maintindihan. Nais sumabog ng kan'yang puso dahil wala siyang kakayahang kumbinsihin ang kaibigan.
"Hindi kita maintindihan. Hindi natin kailangang maglaban. Hindi kita lalabanan," ang naguguluhang tugon ng Ginoong manggagamot.
"Isa lang ang pwedeng mabuhay sa atin. Iisa lang kailangang matira sa Malaya Trese!" ang pagbubunyag ni Lee ng katotohanang hindi pa niya lubos na naiintindihan.

Marahil ay kasinungalingan o katotohanan na maaaring maganap sa hinaharap...

Walang pag-aalinlangang nagpalabas ng itim na usok si Lee kung saan hinugot niya ang isang itim na espada na tila naglalabas ng itim na miasma.

Gumalaw ang lupa na naging dahilan upang sandaling matigilan ang mga kabalyero ng Ragnar na patuloy sa pakikipaglaban. Sa pakiwari nila ay sumisikip ang daluyan ng kanilang paghinga sa nakalulunod na itim na usok na bumubukal sa lupa.

Wala pang sandali ay napansin nila ang paglitaw ng hindi mabilang na maliliit na gagamba mula sa lupa na mabilis na kumayap sa kanilang mga katawan at nagpalabas ng sapot na siyang bumalot sa kanilang katawan. Maging ang mga propesyunal na mga kabalyero ay walang nagawa sa mabilis na pangyayari. Lahat ay naging biktima maging ang sinasabing mg baguhang nakakuha ng banal na sandata. Pilit man silang nagpumiglas ay wala silang nagawa laban sa itim na salamangka ni Lee.

"Ang buhay sa kadiliman o kamatayan lang magiging huling hantungan natin Fort," ang saad ni Lee na marahas na itinarak ang kan'yang itim na espada patungo sa direksyon ni Fort Galen.

"Ayoko ng ganito Lee. Hindi natin kailangang maglaban!" ang sigaw ni Fort na pilit iniiwasan ang kan'yang mararahas at hindi pinag-iisipang mga pag-atake.

"Wala kang pamimilian Fort Galen! Lalaban ka o mamatay ang lahat!" ang bulalas ng dating kaibigan. Nagmistulang nabuhusan ng malamig na tubig si Fort. Nasa kamay na naman niya ang buhay ng mga taong hindi niya alam kung karapat-dapat siyang pagkatiwalaan.

Napaatras si Fort na siyang nagpangiti kay Lee. Alam niyang senyales iyon ng karuwagan ni Fort, na kailangan niyang samantalahin. Alam niyang emosyon ang kahinaan nito. Isang dahilan kung bakit sa tingin niya ay hindi pwedeng pagkatiwalaan si Fort, dahil malambot ang kan'yang puso.

Isang nakaambang pag-atake mula kay Lee ang rumehistro sa mga mata ni Fort. Alam niyang katapusan na niya iyon kung sakaling pipiliin niyang maging duwag sa natatanging sitwasyon na iyon...

Tila bumagal ang pagtakbo ng oras para kay Fort. Mabilis na gumuhit sa isipan niya ang mga mukha ng mga taong makakasama pa niya ng matagal sa Helianthus. Ganoon rin ang mga taong naghihintay sa kan'ya sa Alaris.
"Apo, manatili nawa ang alab na tinataglay mo," Isang malinaw na tinig iyon ni Lolo Wong sa kan'yang alaala. Isang paalala bago niya lisanin ang Alaris.
Malinaw na pagkunot ng kilay ang naging unang tugon ni Fort nang marinig niya ang sinabi ng sariling Lolo.
"Alab?" ang tanong niya.
"Ang tinutukoy ko ay ang alab na palagi kong nakikita sa mga mata mo tuwing kausap mo ako, tungkol sa mga misyon at pangarap mo Apo," ang sagot ni Lolo Wong na sinagot niya ng malapad na pagngiti.

"Lo, hindi ko po alam ang sinasabi ninyo. Pero susubukan ko," ang tugon ni Fort.

Nagliliyab ang pakiramdam ni Fort. Dumadagundong sa kan'yang pandinig ang tibok ng sariling puso. Naging mabagal ang takbo ng oras, maging ang pagkilos ni Lee.

Nagliwanag ang tarot card na nasa kanang bahagi niya na kasabay katulad ng isang matingkad na ginto na tila nagmula sa palayok sa dulo ng bahaghari.

"Fort Galen tanggapin mo ang iyong tadhana," ang bulong ng isang tinig mula sa tarot card kung saan marahang lumilitaw ang isang kakaibang espada na may magandang desenyo.

Hugis krus ang espada, may mahaba at kulay gintong talim na tila sa bigat nito ay kakailanganing hawakan ito ng dalawang kamay.
"Ikaw ang pinipili ko upang pangalagaan ang espadang hinahangad ng nakararami, ngunit iilan ang hinihirang na mangalaga," ang saad pa ng hindi kilalang tinig.
"H'wag kang matakot. Batid ko ang nilalaman ng iyong puso. Kaya't ikaw ang pinili ko, dahil taglay mo ang alab ng katapangan Fort Galen, ang matapang na Healer Knight," ang saad pa niya na tila nagpatingkad ng kulay berdeng liwanag sa kan'yang pupilahe, na siyang naging dahilan upang kusang loob na lumabas ang kulay berdeng nimbus ni Fort, at awtomatikong balutan ang kan'yang kamay ng kulay berdeng gwantes na yari sa halamang gamot.

Walang pag-aalinlangan at buong tapang niyang hinugot ang espada mula sa tarot card. Mabilis na dumaloy ang kan'yang kapangyarihan at sila ay naging ganap na isa, sa itinakdang araw na iyon.

Muling nanumbalik ang pagtakbo ng oras at iwinasiwas niya ang kan'yang espada upang kontrahin ang pag-atake ni Lee na halatang nabigla sa lakas na Fort.

Tumilapon ang kan'yang espada at napaluhod siyang pinagmamasdan ang pagsabog ng kulay berde at kulay gintong liwanag na gumuguhit sa kalangitan ng magkayakap, na siyang matatanaw sa iba't ibang parte ng Ragnar.

THE HEALER KNIGHT [Published under PAPERINK IMPRINTS]Where stories live. Discover now