KABANATA XIX (Halimuyak ng Dugo)

8 1 0
                                    

Napahawak si Persia sa kan'yang leeg kasabay nang malalim na paghinga, matapos makawala sa sapot na bumalot sa kanilang buong katawan.
“Ayos ka lang ba? Ha Persia?” ang tanong ni Bank matapos niyang wasakin ang sapot na bumabalot sa kan'ya.
Ngunit naghahabol pa siya ng kan'yang hininga. Ang makulong sa loob ng sapot na iyon ang pinaka-masamang karanasan niya. Bukod sa hindi siya makagalaw ay halos masusuka siya sa masangsang na amoy na siyang tila sumasakal sa kan'yang leeg.

“Sige lang. Huminga ka ng mahinahon Persia. H'wag kang mag-alala, ligtas na tayo,” ang may pag-aalalang sabi pa ni Bank sa kan'ya.

“Ano nang nangyayari?” ang tanong ni Persia habang inililibot ang kan'yang paningin sa paligid. Naubos na ang mga mutant ngunit tila naging maliit na lamang ang bilang nila sa sandaling oras na nakulong sila sa loob ng sapot.

“Sina Oz at Chen. Iniligtas nila tayo,” ang saad ni Bank nang may ngiti dahil alam niyang magiging maugong sa pahayagan ang naging pagliligtas ng Helianthus Knights sa Arcana at sa mga baguhang Knights, at magagawa pa niyang masaksihan iyon dahil nabubuhay pa siya.

Subalit natigilan na lamang sila nang maramdaman ang kakaibang existence ng dalawang tao, mabigat na existence na nagpayanig sa lugar na kinatatayuan nila. Alam nilang ang existence ng isa ay tinataglay ng kalaban, ngunit hindi nila mawari kung sino ang nagmamay-ari ng isa pang existence. 

Napatingala si Persia at maging ang mga naroroong buhay na saksi, nang maaninag ang pinaghalong berde at kulay gintong kulay na liwanag sa kalangitan.

Inilibot pa ni Persia ang ppppaningin sa paligid. Tila may hinahagilap ang kan'yang mga mata na hindi niya makita. Sandali pa siyang natigilan at muling ibinalik ang kan'yang paningin sa liwanag na namamayagpag sa madilim na kalangitan. Napapangiti ng pilit dahil iisang tao lang ang pumasok sa isipan niyang magtataglay ng ganoong kapangyarihan, walang iba kun'di ang manggagamot na tila bulalakaw na lumapag sa mundo ng mga kabalyero.

“Galen,” ang bulong niya sa sarili. 

Subalit natigilan ang lahat. Nawala ang kanilang atensyon sa matingkad na liwanag sa kalangitan at tumungo sa pagdating ng isang taong maaaring kakampi o kalaban.

Sumilay ang ngiti sa labi ni Padre Hugo at Superior Mother Wilhelmina nang ibaba ng taong iyon ang talukbong ng kan'yang itim na manto. Ngunit kaagad iyong nabura nang maaninag ang mas malalaking mutants na may masangsang na amoy, sa likuran niya.

“Humanda ang lahat. Mukhang nagsisimula pa lamang ang gabing ito,” ang saad ni Padre Hugo. 

“Bakit parang naging seryoso kayo? Gusto lang naman naming makipagsaya sa padiriwang ninyo?” ang saad niya na iniangat pa ang mga kamay na tila ba ipinagmamalaki pa niya ang pagsunod sa kan'ya ng mga higanteng mutants.

“Morris, taksil ka talaga!” ang bulalas ni Miss Emma na nagpalapad ng ngiti ni Morris. Ngiting nagpapanumbalik ng kanilang nakaraan.

“H’wag ka nang magreklamo, mahal kong Emma. Naging masaya ka naman sa piling ko. Nasarapan ka naman hindi ba?” ang nanunuksong nasambit ni Morris na siyang nagpakuyom ng kamao ng Bise Kapitan ng Helianthus.

Aminado siyang naging marupok siya pagdating sa pag-ibig. Naging baliw siya kay Morris. Isang kamalian na hindi na niya mababago pa.

“Wala ka na ngang dignidad, bastos ka pa!” Ang bulalas ni Oz na ikinabigla ni Miss Emma. Hindi niya inaasahan ang pagtatanggol ng dating anak ng Haring adik, para sa kan'ya. Alam niyang may basehan ang lahat ng desisyon ng kan'yang kuya Cody. Puso ang kan'yang naging kumpas sa pagpili ng kan'yang mga tao.

"Siguradong pagsisisihan mo ang kataksilang ginawa mo, hindi lang kay Miss Emma pati na rin sa Emperyo!" ang dagdag pa ni Oz na hindi na nakatiis sa kasangsangan ng bibig ni Morris Dargan. Mas masahol pa ang kasangsangan ng pagkatao niya kaysa sa kasangsangan ng amoy ng mga mutants.

THE HEALER KNIGHT [Published under PAPERINK IMPRINTS]Where stories live. Discover now