KABANATA XXIV (Himlay)

11 1 0
                                    

Ginto, pilak, at tanso ang kulay ng hindi mabilang na kalesa na siyang umuukupa sa himpapawid. Sabay-sabay na kumukumpas ang mga paa ng kabayo sa ere at tila ba nagkakarera upang makarating ng mabilis sa kanilang patutunguhan.

Akala ng lahat ay matatapos na ang kanilang laban sa paglilinis ng mga mutant sa bawat territoryo. Ngunit nagkamali sila. Hindi nila akalaing maiisipan nilang lumipat at manggulo sa karatig bayan.

Halos madukal ang lupa sa paglapag ng isang kulay gintong kalesa sa bayan ng Alaris.

Magulo; marahas; pagkawasak, ang kapaligirang nasilayan ng matatapang na kabalyero ng Ragnar.

Maraming dugo ang nagkalat sa iba't ibang parte ng siyudad. Ganoon din ang lamang loob at ilang parte ng katawan ng mga taong naging biktima ng mga mutants.

"Mga halang ang kaluluwa!" ang garalgal na nasambit ng isang ginoo na may puting balbas, nang makita ang kalunos-lunos na sinapit ng mga tao sa maliit na bansang Alaris.

Umihip ang amoy ng kalawang at unti-unting nabalot ng hamog ang lugar hanggang sa maging ganap na magdilim ang paligid. Umalingawngaw ang isang nakakatakot na paghalakhak ng aninong may bulto ng isang demonyo. May dalawang pares ng mahaba at malaking sungay at matitilos na ngipin.

"Mga hangal kayong mga tao!" ang wika ni Hellebore na tila ba nakararamdam ng awa.

"Hayop ka Hellebore! Wala kang awa sa mga tao," ang saad ni Kapitan Cody.

"Nagkakamali ka Bolton," ani Hellebore na ume-echo ang boses sa buong paligid.

"Ibinigay ko lang ang kagustuhan ng mga tao, at iyon ay ang kapangyarihan na ninanais nila. Tinulungan ko lamang sila," ang dagdag pa niya.

"Hindi sa ganitong paraan Hellebore!" ang saad ni Fort Galen na marahang bumababa sa isang gintong karawahe. Kasunod niya ang isang babae na may tuwid na buhok at maayos na pananamit. Nakahahalina ang kan'yang maamong mukha at mala-perlas ang kan'yang balat.

"Hellebore," ang nawika ng babaeng halos hindi na makilala, simula nang bigyang-lunas ni Fort ang kan'yang mga sugat, paliguan, at bihisan.

"Helleina," ang nawika ni Hellebore nang makita ang kan'yang tinatangi. Ang babaeng naging dahilan upang simulan niya ang eksperimento, upang muli siyang buhayin mula sa kan'yang pagkakahimlay sa mahabang panahon. Ang dahilan kung bakit naghanap siya ng mga taong kakasangkapanin niya sa Project Hellebore. Mga taong may taglay na talino upang mapagtagumpayan ang proyekto. Marami siyang ginamit na tao at maraming nasirang buhay ng dahil sa paghahangad niya na buhayin si Helleina.

"Hindi ako si Helleina. Ako na ngayon si Olivia," aniya na natigilan pa sa huling salita na kan'yang nasambit kasabay ng munting pag-iling.

"Hindi. Kahit ako, hindi ko na rin kilala ang sarili ko. Hindi na rin kita kilala, dahil isa ka nang ganap na demonyo. Hindi na ikaw ang minahal kong si Elgor," ang dagdag ni Helleina habang pilit na hinahagilap sa katiting na ala-ala sa kan'yang isipan ang maamong mukha ni Hellebore, noong ito ay tao pa.

Subalit tila lalong nagdilim ang mukha ni Hellebore na nagpalit ng anyo. Naging solido ang kan'yang malahalimaw at nakadidiring katawan, katulad ng isang wendigo. Naging mas masangsang rin ang kan'yang amoy kaysa noong unang beses silang magharap.

"Naging lapastangan ka na Helleina. Sayang lang ang oras at panahon na iginugol ko sa'yo," ang galit na sigaw ni Hellebore na tila nagpawala ng kulay ng balat ni Helleina. Alam niyang malaking kabiguan kay Elgor ang kan'yang pagkampi sa mga kabalyero ng Ragnar. Alam niyang magagalit ito dahil mas pinili niyang kalabanin siya...

"Huwad ang pag-ibig mo Helleina. Traydor ka!" ang naibulalas ni Hellebore kasunod ng pagpapakawala niya ng kulay itim na awra na nagpalabas ng mas maraming mutant na siyang nagpaalerto sa lahat.

THE HEALER KNIGHT [Published under PAPERINK IMPRINTS]Where stories live. Discover now