KABANATA XVI (Hinirang)

8 1 0
                                    

Umalingawngaw ang maingay na tunog ng dambuhalang kampana sa buong bahay samabahan, kasabay ng panggugulo ng hindi inaasahang mga bisita.

“Akalain mong mayroonng pagdiriwang rito ngungit nakaligtaan n’yo yata akong padalhan ng imbitasyon,” ang saad ng isang tinig na siyang umiikot sa bawat sulok ng bahay sambahan.

Napatingala ang mga knights sa itaas  kung saan makikitang nawasak na rin ang bubong ng bahay sambahan. 

Mula roon ay marahang bumababa ang isang bulto ng kung sino. Ngunit nagulat na lamang ang karamihan nang tamaan ito ng liwanag at masilayan nila ang nakadidiring katawan ng lalaki o mas tamang sabihing mutant. Isang tao na may imahe ng tao, ngunit may katawan ng gagamba.

“Hindi kailanman magiging imbitado rito ang kampon ng demonyo!” ang naging tugon ni Mother Superior Wilhelmina sa mutant na kaharap nila.
Napahagikhik ang mutant sa naging tugon ng Madre. Tila kinikiliti siya sa mga salitang binitawan nito.
“Kampon ng demonyo? Sino nga ba ang tunay na kampon?” ang tanong niya na mabilis na dinuruan ng sapot ang isang baguhang knights at mabilis na dinagit gamit ang kan’yang  bihag.
“Kayong mga tao na banal-banalan at nangakong ililigtas ang sanlibutan o kaming mga taong umasa sa mga pangako ninyong puno ng kasinungalingan?” ang may diin nitong saad sa bawat salitang kan’yang binibitawan.
“Kung batid namin ang inyong paghihirap ay kaagad na makakatanggap kayo ng tulong. Ngunit hindi ito sakop ng aming mga kakayahan. Kaya’t kung inyong gugustuhin, ay tutulungan namin kayo!” ang saad ni Father Hugo.
“Huli na ang lahat. Sa tingin ba ninyo ay magiging tao pa ang isang tulad ko?” ang tanong niya na sa tingin ng lahat ay mas nagalit pa.

Naging tahimik ang lahat ngunit nagsusumigaw ang takot sa buong paligid. Kilabot naman ang kumakayap sa kanilang katawan sa bawat maliliit na gagambang nakikita nilang halos pinalilibutan na sila.
“Maaari pa. Kung maniniwala at magtitiwala ka,” ang sigaw ng namumukod-tanging tinig na sumagot sa kan’yang katanungan.
Naningkit ang mapupulang mga mata niya at nagtagis ang kan’yang mga bagang.
“Fort Galen!” ang bulalas niya. Mahahalata ang galit sa kan’yang tinig para sa binatang manggagamot. Isang dahilan upang mawala siya sa pokus at mawala sa kan’yang paningin ang plano ng isang Pari na marahang lumalapit sa isang itim na baul.

Napahakbang ng tatlong hakbang si Fort habang nakatingala sa kan’ya.
“Lee,” Ang nasambit ni Fort sa paos na tinig. Tila pinipigil niya ang kan’yang mga luhang pumatak. Tila bibigay ang kan’yang mga tuhod anumang oras nang mapagtantong iyon ay ang isa sa mga kasamahan niya sa Underworld Prison.
“Buti’t nakikilala mo pa ako Fort? Mabuti at nakikilala mo pa ang mukhang ito!” ang sigaw ng mutant na si Lee kasunod ng pagsabog ng kan’yang malawak na sapot patungo kay Fort Galen.

Ngunit kahit matanda na si Father Hugo ay mabilis niyang inilabas ang kan’yang tarot card at hinugot ang kan’yang mahiwagang latigo na mabilis niyang iwinasiwas upang kontrahin ang sapot ng gagambang mutant.

“Tumigil ka na sa panggugulo sa banal na lugar na ito. H’wag mong hayaang dumanak ang dugo dahil sa iyong walang patutunguhang hangarin,” ang saad ni Padre Hugo na siyang nagpasilay ng mapait na ngiti sa labi ni Lee.

“Wala akong pakialam kung kaninong dugo ang dadanak sa lugar na ito. Mas mabuti nang sundin si Hellebore, kaysa maniwala sa mga huwad na pangako,” ang sagot ni Lee na tila sumampal kay Fort.

Ang inakala ni Fort na kalayaan na nakamtan nila, ay siya lamang ang nakaranas. Naging huwad ang kalayaang ipinangako niya, dahil hindi iyon naging matagumpay para sa kanila.

Matapos niyang makalaya ay hindi na niya inalam pa ang naging lagay ng mga kaibigan. Ikinulong niya ang sarili sa Alaris upang makalimot. Kinalimutan niya ang kan’yang mga kaibigan. Kinalimutan niya ang nakaraan niya na naging dahilan upang maging mas matatag siya.
“Hayaan mong bumawi ako. Sa pagkakataong ito ay ililigtas ko kayo. Pakiusap Lee,” ang nasambit ni Fort habang nakatitig sa mapupulang mga mata ni Lee.

THE HEALER KNIGHT [Published under PAPERINK IMPRINTS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon