Chapter 16

327K 18.3K 16.7K
                                    


Chapter 16

After giving my self-destructive thoughts a great deal of attention over the weekend, I woke up on Monday morning with a strong desire to apologize to Leon.

"Wow, ang bango ng niluluto mo, ah? Ano 'yan?" tanong ni Mill habang sinisilip ang ginagawa ko.

"Not for you . . ." mahinang saad ko.

"Spam at sinangag?"

Sinubukan niyang kumurot sa spam pero tinapik ko lang ang kamay niya.

"Hindi nga para sa 'yo!"

Sumimangot siya. "Isa lang, eh!"

"Nagtira ako ng para sa inyo. Ikaw na ang magluto," agap ko. "Dadalhin ko 'yan sa school."

"Girl, ako na ang nagsasabi sa 'yo. Mas makakatipid ka kung bibili ka ng pagkain sa school kaysa gan'yang magluluto ka. Ang mahal-mahal ng spam!"

I know . . . but it's for Leon. I should take the initiative to apologize to him.

Ayoko nang tumagal ang away namin. Ako ang may kasalanan kaya dapat lang na ako ang maunang lumapit.

Iniisip ko pa lang na magpapatuloy ang pag-iwas niya sa akin ay lumulubog na sa sakit ang puso ko.

I couldn't imagine living another day feeding my guilt . . . and not being with him. I was wrong. I really shouldn't have made him the recipient of my emotional pain.

Dahil kung gusto ko pa siyang makasama, hindi dapat ako gumawa ng bagay na makapagtutulak palayo sa kanya.

"I'm craving, bakit ba?" sagot ko na lang bago inginuso kay Mill ang natirang sinangag. "Sige na. Mag-umagahan ka na. Hindi ko alam na maaga kang magigising kaya hindi ko agad niluto lahat ng spam. Hindi naman kasi masarap kapag malamig na."

She tousled her hair as she fixed her gaze intently on me as if reading my thoughts.

"Ba't maga ang mata mo?" biglang tanong niya.

Pilit kong ikinunot ang noo para hindi niya pagsuspetyahan na umiyak ako.

"Ang dami kong inaral kagabi," I replied. "Sa puyat siguro."

She shook her head, not buying my answer. "Sino'ng nagpaiyak sa 'yo?"

Iniiwas ko ang tingin sa kanya at nag-focus sa pag-aayos ng pagkain na dadalhin ko kay Leon. She was my friend ever since I was young. Of course, she would know.

"Si Jin? Ginugulo ka pa?" pangungulit niya. "Putangina talaga 'yang ex mong 'yan, ha? Kailangan niya pa ba niyang ma-ospital para manahimik?"

Umiling ako. "I have no issues with him anymore, Mill. Matagal na kaming hindi nag-uusap."

"Eh, bakit nga maga 'yan?! Buong weekend kang tahimik. Ano'ng iniisip mo?" she asked firmly. "'Yan ka na naman. Hindi ka na naman nagsasabi. Hihintayin mo pang ma-tanga ka bago ka magsalita."

Huminga ako nang malalim nang marinig ang pag-aalala sa tinig niya.

"Ako ang may kasalanan nito, Mill . . . 'wag mong masyadong isipin. I brought this to myself, okay?" I said casually.

Hindi siya sumagot kaya ganoon na lang ang gulat ko nang bigla niyang kinuha ang kaliwang kamay ko at mabilis na tiningnan ang pulso ko.

"Ano?" I asked as I tried to get my hand out of hers.

Kung titignan niya ito nang mas matagal . . . sigurado akong makikita niya ang ilang mga sugat na ginawa ko noon.

"You know I'll beat whoever tries to hurt you three, right?" she asked, staring deeply at my wrist.

Mistakes We Can't Laugh About (Loser #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon