Chapter 19

411K 18.5K 19.7K
                                    


Chapter 19

Dedicating this chapter to my angel baby, Dei (@deilydose). Thank you for always being so patient with me. I really appreciate how you worked everything out for me. I love you!

***

We wouldn't have stopped kissing if I hadn't realized that we were in a public place. Dahan-dahan kong tinulak ang mga balikat niya at sinalubong ang namumungay niyang mata.

"B-Baka hinahanap na tayo . . ." I said, still intoxicated with the kisses he gave me.

Isang beses pa niyang inilagay ang mga hibla ng buhok ko sa likuran ng tainga ko bago ako pinatayo. Isinuot niya ang salamin at walang kahirap-hirap na tumayo rin. Parang hindi man lang nangalay sa pag-upo ko sa hita niya.

"Magbibihis muna ako," marahang sabi niya.

Tumikhim ako. "Ano ba kasing nangyari d'yan sa sugat mo?"

My heart was pounding in my chest but I made my voice sound like I wasn't nervous at all. Ang mata ko ay nakatutok lang sa dulo ng sando niya, hindi magawang makapag-angat ng tingin sa mukha niya.

I'm afraid he'd make fun of me. Ako ang naunang humalik sa kanya. He must be thinking that I kiss people whenever I feel like it!

"Bumigay 'yong bolster ng kutsilyo. Humiwalay 'yong handle sa blade mismo . . ." sagot niya habang humahakbang palapit sa akin.

He lifted my chin and made our eyes come into contact.

"Selos na selos ako sa inyo ni Paolo na hindi ko napansing may nakaangat na sanga sa pinuputol kong kahoy," aniya. "Ewan. May it be the knife or the wood, I don't know. Hindi ako sigurado kung ano ang eksaktong nangyari dahil nagseselos ako . . ."

I felt my blood rushing through my veins when his eyes grew darker.

"Balik na tayo. We'll talk after we get our heads straight, hmm?" he asked gently, contrasting his look.

Lumunok ako. "Why . . . not now?"

He shook his head as he let out a chuckle.

"Your lips are all I could think of. Baka hindi ako tumigil sa paghalik sa 'yo."

"Leon!" nag-iinit ang mukhang suway ko sa kanya.

Muli siyang tumawa. "Sige na. Pumunta ka na sa mga kagrupo natin. I'll change."

After that, everything was a blur.

Hindi ko alam kung paano kami nakabalik sa mga kagrupo namin. Hindi ko rin alam kung paano ako nakipagsabayan sa tawanan nila na parang hindi ko iniisip ang mga salitang nasabi at halik na napagsaluhan namin.

I'm not sure if anyone noticed us. Buong gabi, kasabay ng pagkanta at palitan ng kwentuhan ay nakatago ang magkahugpong na kamay namin ni Leon. Sa ilalim ng kinuha niyang hoodie nang pabilog nang nakaupo ang lahat, sa ilalim ng mesa kung saan kami naghapunan, at minsan, kapag nakatayo kami, ay sa likuran namin.

Ang grupo pa rin namin ang tinanghal na panalo kahit na may minus points kami dahil sa paggamit ng kutsilyo. It was owned by our game master, who placed it near the lake as a mark in one of our earlier games. Palatandaan daw iyon ng mga facilitator para malaman kung doon ba ang tamang puwesto para sa team building.

"Hindi ka inaantok?" mahinang tanong niya.

Sakay na kami ng bus pabalik sa school. Aside from Leon tailing me around like a puppy, I don't remember anything related to the camp. Hindi rin kasi maalis sa utak ko ang halikan namin. I felt like I would lose my mind any minute.

Mistakes We Can't Laugh About (Loser #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon