Epilogue

750K 26.6K 52.9K
                                    




Epilogue

TW: Sensitive language and content. Please be guided.

"Anak, iniwan na tayo ng tatay mo."

Iyon ang naabutan ko nang umuwi ako mula sa paglalako ng paninda ni Nanay. Her head was bowed, and she had a piece of paper in her hand. Bakas ang luha sa mga mata niya habang ang ilang panindang ibebenta namin bukas ay nakakalat lang sa mesa. Halatang hindi pa nagagalaw.

I was 11, and ever since I learned what was going on with my family, I knew that I wouldn't live my life like other kids my age. Mula sa may kayang pamilya si Nanay, pero nang itanan siya ni Tatay ay kinamuhian siya ng ama't ina. I'd never met my grandparents. I just knew that something bad happened to them and that they left Nanay a piece of land so she could start a new life . . . kahit pa may pagtatampo sila rito.

"L-Leon, paano tayo?" Kita ko ang pagbagsak ng luha sa mga mata niya. "Kukunin daw sa 'kin 'yong lupa ni Papa. Ginawang collateral ng tatay mo. Hindi pa fully paid 'yong lupang binabayaran natin sa dulo. Wala na tayong pagkukuhanan ng pera. Pati 'yong ipon ko para sa pag-aaral n'yo, tinangay niya. Wala nang natira . . ." Umiling siya. "Anak, wala nang natira kay nanay."

Inilagay ko ang basket ng pinagbentahan sa isang upuan at lumapit sa kanya.

"Nandito pa ako, nay." Binuksan ko ang plastic kung saan nakalagay ang mga lulutuing kakanin. "Hindi ko po kayo iiwan."

At an early age, I knew that life wouldn't be easy for me. Nakita ko ang lahat ng paghihirap ni Nanay para maitaguyod ang pamilya namin, at hindi ko kayang tumunganga lang habang pinanonood siyang isakripisyo ang buong buhay niya.

Without my father, I was no longer a slave to abuse or fear, but this newfound freedom came with a heavy burden of responsibility.

Bilang panganay, sa akin nailipat ang mga obligasyon niya sa amin. Pagkagaling sa eskwela ay diretso na ako sa paglalako ng mga itinitinda ni Nanay. Inobserbahan ko rin kung paano niya gawin ang mga 'yon para kapag pagod siya ay ako na lang ang kikilos. Sa gabi ay tinuturuan ko pa ang mga kapatid ko sa assignments nila. Saka lang ako puwedeng tumutok sa pag-aaral kapag natapos ko na ang lahat.

"Sorry, pa. Sorry . . ."

Nang makita kong nakatanaw si Nanay sa lupaing dati ay kanya, puno ng luha at pagkabigo ang mukha, ay ipinangako ko sa sarili na darating ang araw na aanihin niya lahat ng itinanim niyang paghihirap.

For that reason, I realized I couldn't afford to get distracted . . . and while I thought I was doing it well, the freshman year of college rolled around.

Saktong kasasarado ko lang ng libro ay naghari sa silid namin ang klaro at dominanteng boses ng isang babae.

"Is this the room for BS Psychology 1-A?"

Her perfect diction caught my attention. Kahit pasigaw ang pagtatanong ay masarap sa pandinig ang tono ng boses niya. And so, I silently glanced at the door of the room, not expecting anything.

Maraming tao ang nandoon kaya hindi ko alam kung sino sa kanila ang nagsalita. I could hear my classmates murmuring about something, but I didn't really care. I already had a few acquaintances and old classmates here. I knew I could get by without conversing much.

Mag-iiwas na sana ako ng tingin sa pinto nang muling magsalita ang babae.

"Excuse me!"

I stalled a bit. Her voice sounded beautiful. Hindi matinis. Hindi rin masakit sa tainga. It was clear, a little deep, and assertive.

I waited for her to show up at the door, but when she did . . . I was taken aback.

"BS Psychology 1-A?"

Mistakes We Can't Laugh About (Loser #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon