Chapter 39

389K 18K 14.3K
                                    


Chapter 39

In the following days, I continued digging deeper into Mr. Mendoza's research firm. Ganoon din sa pag-aaral ng mga makabagong medical technology at psychological discoveries. It was the best strategy to get his attention and approval. He wanted my knowledge? Then he could use it for all I care.

Hindi nawala sa isip ko ang sinasabi ni Psyche pero ayokong magtiwala agad sa kanya. Good thing I didn't act on impulse. Baka mamaya ay sinusubukan niya lang ang loyalty ko sa matanda. 

But then, I couldn't brush off the possibility that she was indeed working with Leon. Wala naman kasing ibang dahilan para mag-usap pa sila. Not unless Leon liked her . . . which I doubt.

Ako lang ang mahal ni Leon, well, at least, for now.

"Sorry, medyo nagtagal 'yong process ng transcripts mo," I told Nathaniel. "Ilang araw din palang busy ang accounting at student affairs dahil nag-aasikaso na ng clearance ang mga estudyante."

"Ayos lang, ate. Hindi mo naman kasalanan 'yon. Ako na nga 'tong nagpapatulong." Tumawa siya. "Saka, medyo busy rin sa tindahan. Maraming nire-request ang mga suki namin na meryenda. Nag-aaral kami ni Nash gumawa ng mga kakanin. Eh, ayun . . . medyo mahirap pala."

It sparked something in me.

"Tulungan ko kayo?"

Napakurap ako nang agad na mapagtantong hindi na pala puwede 'yon. I had to be careful . . . and it was obvious that Leon didn't want to see me. Kailangan kong putulin ang kahit na anong ugnayan namin. Ayoko namang dumating sa puntong miski ang presensya ko ay kainisan niya na.

"I mean . . . meron namang recipe and procedures sa internet," bawi ko.

Ngumiti lang siya at yumuko. Nagbuntong-hininga ako bago pinasadahan ng tingin ang mga dumadaang estudyante sa harap namin.

We were sitting on a bench outside the registrar's office because we had just filed his application and were getting ready to enroll. Pagkatapos nito, kaya niya nang asikasuhin ang pagpapasa ng requirements nang mag-isa. May mga to-follow pa rin kasing minor documents.

"Ate . . ." tawag niya.

"Hmm?"

Huminga siya nang malalim, para bang mayroong malaking tinik sa dibdib niya. Hindi siya nagsalita agad kaya binalingan ko siya.

"Ano 'yon?" tanong ko. "May problema ba?"

Tumingin siya sa akin at bahagyang pinagsalubong ang mga kilay.

"Wala na ba talaga kayo ni . . . Kuya?"

Umawang ang labi ko sa tanong niya. I bowed my head and looked down at my hands, hoping he wouldn't see my reaction.

"Bakit ba lagi mo na lang bini-bring up si Leon?" I joked. "Sabing nagmo-move on, eh." Tumawa pa ako.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

"Sayang kasi. Pinag-uusapan namin ni Nash . . ." he said softly. "Ikaw sana ang gusto naming mapangasawa ni Kuya."

My heart clenched with pain and a bit of happiness. Pain because it was almost impossible and happiness because I was considered.

"No'ng umuwi si Kuya rito, tinanong ka namin sa kanya. Tapos sabi niya lang, wala na kayo . . . at 'wag na namin kayong problemahin," aniya pa. "Hindi ka na niya ulit nabanggit. Kahit no'ng nakalaya kami. Alam ko lang na mahal ka pa niya no'ng nakita ko 'yong picture n'yo sa treehouse."

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at marahang ngumiti.

"Nakita ko rin 'yon . . ." saad ko. "Ewan ko ba sa kapatid mo. Ang dami ko nang nasabi at nagawang hindi maganda sa kanya pero minahal niya pa rin ako." I lifted my hand and pat his head gently, imitating the way Leon used to calm me. "He loved me in the same manner he loved you. He overlooked my shortcomings and mistakes . . . kaya maging mabait kayo sa kanya. 'Wag n'yo na akong gayahin, okay?"

Mistakes We Can't Laugh About (Loser #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon