Chapter 50

582K 21.7K 34.8K
                                    


Last Chapter

Warning: R-18

"Umuna ka na mamaya," Leon told me while he was getting ready for work.

Mula sa librong binabasa ay nailipat ko ang tingin sa kanya. He was facing the mirror, brushing his hair.

"We'll not go together?"

Lumingon siya sa akin, marahil ay napansin ang pagtatampo sa boses ko.

"We can't. Mala-late ka kapag sa 'kin ka sumabay. My class ends at 4, and you have to be at the venue at 1, right?"

Napanguso ako. "Then I'll tell Shaira I'll be late. Hindi naman ako kailangang-kailangan do'n. We can even go at 4. 'Yon naman talaga ang oras ng start."

He shook his head as he furrowed his brow.

"You promised the officers of the org that you'd help the committees supervise the decorations, Amari," striktong saad niya. "Magkikita naman tayo ro'n. Susunod din ako agad after class."

I put my head down and dropped the book on my lap.

Ngayon ang grand reunion ng batch namin at pinlano ko na sa utak ko na sabay kaming pupunta roon ni Leon. I wanted to make fun of Shaira and Thaddeus who didn't know we had gotten back together. Kung hindi lang siya nagkaroon ng biglaang trabaho sa VDMH ay hindi niya na sana kailangang i-reschedule ang pasok niya sa graduate school. The original schedule was this morning. Sabay sana kaming makakapunta sa venue ng 1.

"Hey."

I sighed. I knew I was being shallow. Walang dahilan para magtampo ako dahil wala namang matibay na rason para magsabay kami. Isa pa, hindi niya naman kasalanan na marami siyang ginagawa. Kung alam ko lang ay hindi na sana ako nag-volunteer na mag-assist sa decorations dahil may kinuha rin namang event organizer.

"Galit ka sa 'kin?" tanong ni Leon. Ni hindi ko namalayang nasa gilid na siya ng inuupuan kong couch.

I shook my head before grabbing the book on my lap.

"Ingat ka," walang tinging saad ko sa kanya.

Naglakad siya papunta sa harap ko at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.

"I love you," he whispered.

I pouted even more. I was acting like a spoiled brat, and he responded well to it. Nakakahiya ang kababawan ko.

"I'll see you later. Text me when you leave, okay?"

Isang beses akong tumango. Marahan naman siyang napatawa bago ginulo ang buhok ko.

"Someone's being clingy."

I gritted my teeth. "I'm not clingy, Leon."

Muli siyang tumawa kaya lalo akong napasimangot. He was clearly having fun while I was sulking! I knew I was shallow, but he shouldn't have mocked me for it! Gusto ko lang namang sabay kaming magpunta sa venue para makita nina Shaira at Thaddeus na kami na ulit . . . at para mapuri kami ng mga ka-batch namin na . . . na matibay ang relasyon namin!

Sure, we could just tell or show everyone that we were still together, but I pictured us walking into the school gym holding hands! Alam kong hindi namin kailangang ianunsyo ang relasyon namin . . . pero ewan ko ba! I wanted people to tell me I was a lucky girl! I wanted everyone to know that the batch valedictorian was still in love with me after all these years!

"Aalis na 'ko. I already cooked your lunch. Make sure to eat before you leave."

"Yeah, sure . . ."

"Are you serious?"

Mistakes We Can't Laugh About (Loser #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon