FINAL CHAPTER

42 1 0
                                    

FINAL CHAPTER

ROHAN'S POV

MATAPOS maibigay ko ay pumunta na ako ng opisina ko. Pakiramdam ko ay naninibago ako sa aking silid. Bigla kong naalala ang papel kanina. Kinuha koi to sa aking buksa at marahang binukat.

01000001 01001110 01011001 01000001 00100000 01001001 01010011 00100000 01000001 01001100 01001001 01010110 01000101 00100000 01001111 01010101 01010010 00100000 01000010 01001111 01010011 01010011

Mabilis akong lumabas sa opisina. Kinuha ko ang cellphone ko at i-dinial ang numero ni Gerlyn. Nakadalawang tawag na ako ngunit hindi niya pa rin ito sinasagot. In the third time, she answered my call.

"Hello, Detective Lee," aniya sa kabilang linya.

"Where are you?" Ddretso kong tanong sa kanyan. Matagal bago niya ako sinagot.

"Nasa Black A's room ako. Bakit?" Humugot ako ng hangin at pinigilan ang inis. "Pupunta ako ngayon d'yan," paalam ko sa kanya.

"Okay. See you here, Detective. By the way, I need to end the call. Kausap ko si Boss ngayon," kalmadong sabi niya at saka ito pinatay.

Hindi na ako nagdalawang isip pa. Sumakay na ako sa sasakyan ko at pinaharurot ang sasakyan papunta ng Galleria De Imperata.

Hindi ko lubusang maisip ang lahat. Paulit-ulit na iniisip ko ang papel na ibinigay sa akin ni Ale noong gabi ng engkwentro.

Nang makarating ako sa kompanya ay agad na dumiretso ako sa elevator at bumaba sa negative two. Madali na ako ritong nakakapasok dahil sa ID na i-scan lang. Dire-diretso akong nagtungo sa A's Room at doon ko nakita ang mga tao na nakatutok lang sa mga monitor at sa kabilang silid ay sina Gerlyn at Boss A na mukhang may dini-discuss.

Walang permisong pumasok ako rito at abalahin ang ginagawa nila. Pigil ang inis na nararamdaman ko. Napatayo si Gerlyn nang lumapit ako kay Boss A at tiningnan lang ito.

"Detective Lee, gumalang ka kay Boss A," utos ni Gerlyn pero nanatili lang akong nakipagtitigan kay Boss A. "Boss A, kailangan nating mag-usap. Ngayon na," mariin kong bigkas.

"Detective Lee, I'm warning you. Ano bang kalokohan ito?" Tumayo na si Gerlyn para sawayin ako at tangkang hilahin para mailayo kay Boss A. Dahan-dahang tumayo si Boss A at nanatili lang rin ang tingin sa akin. Dumating ang ilang A's member na ngayon ay nakapalibot na sa amin.

"Kung walang kwenta ang pag-uusapan natin wag mo nang tangkain pang mangulit," seryusong sabi niya.

Hinawakan ko bigla ang kamay niya para hilahin siya pero pwersahan niya itong binawi at nabitawan ko. Humakbang ang mga Black A's sa paligid namin ngunit natigilan rin sila dahil sa isang kumpas ni Boss A.

"Ano ba ang dapat nating pag-usapan at kailangan mo pang gawin ito sa akin? Remember, I'm the Boss here, not you."

Tiningnan ko siya nang direstso sa kanyang mga mata. "Kailangan nating mag-usap tungkol sa kaso mo. Tungkol sa 'yo," mariin kong sabi sa kanya. Kita ko ang pagkabigla niya. Iginala niya ang kanyang mga mata at muling ibinalik sa akin.

"Maari na kayong umalis." Tukoy niya sa mga Black A's na nandito sa loob. Tiningnan niya si Gerlyn.

Yumuko naman ito bago sumunod sa grupo na pumasok sa loob.

"Now tell me, what about me? What about themy case?" Bakas ang pagtitimpi sa kanyang mga mata. Hindi niya ito inalis sa akin habang naghihintay ng sagot ko.

"Let's talk here," dagdag pa niya. Umiling ako at saka muling hinablot ang kanyang braso. Sa pagkakataong ito hindi ko na hahayaang makawala pa siya sa pagkakapit ko. Kinaladkad ko siya palabas ng A's room.

Who Killed Anya? - [COMPLETED]Where stories live. Discover now