CHAPTER 21

48 4 0
                                    

CHAPTER 21

ROHAN'S POV

NAGKAGULO na sa loob ng private visiting room na ito dahil sa nangyari. Ang ilang pulis ay nagkalat para hanapin ang gumawa nito kay Jaypee. Sigurado naman akong hindi pa iyon nakakaalis.

"PO1 Lorio, saan ang control room n'yo?" tanong ko sa kanya. Kanina ko pa napansin ang maliit na kulay pula sa itaas. Tago ito kaya hindi halata at hindi makikita nang taong hindi inililibot ang mata. Nakakasiguro naman ako na hidden camera ito.

Pinasunod niya ako sa kanya. Nang makarating kami ay naka-lock ang silid hanggang sa buksan ito ng isa pang pulis. Nagulat siya ng makita kami. Pinagmasdan ko ang itsura niya at halatang bagong gising siya.
Katulad ng isang pulis kanina ay nakahawak rin ito sa kanyang batok.

"Anong nangyari sa 'yo?" tanong ni Sir Lorio.

"Sir, may biglang bumatok sa akin at bigla na lang nawalan ako ng malay," wika ng pulis na naka-assign dito sa control room.

Napamura ako sa isip ko nang makita ko ang mga monitor. Ni-request ko na tingnan ang footage ng kanilang hidden camera. Pinakita niya naman ito at kasalukuyang naroon na ang SOCO.

"Sir, wala pong ang copy. Ang laki rin po ng gap no'ng time na nawala sa footage," anunsyo ng operator. Napahilot ako sa aking sintido dahil sa kaniyang sinabi.

Napahawak ako sa jacket ko. So, this is the only thing that will help me, us.

Bumalik ako sa silid kung saan pinatay si Jaypee. Naroon pa rin ang katawan nito. Naroon na rin ang mga nag-iimbestiga. Ang baso, ang katawan at ang... napakunot ako ng noo sa katabi ng katawan niya naroon ang isang salita na isinulat niya gamit ang kanyang dugo bilang tinta.

"DMSN" bulong ko.

Wala pa ito noong tawagin ko ang ilang pulis. Siguro ay ginawa niya ito bago ako makabalik sa kanya habang nalalagutan ng hininga.

Nagpakilala ako sa mga nag-iimbestiga at hinayaan naman nila akong lumapit sa bangkay. I took some of pictures in the crime scene. Nagbigay ako ng statement para sa imbestigasyon nila.

I borrowed their laptop to check my recorded video sa gamit ko. I muted the video clip para hindi nila malaman kung ano ang mga itinatanong ko. Still, hindi pa rin alam kung sino ang may kagagawan nito.

Malamang ay mayroong tauhan rito sa loob ng kanilang headquarter na nagmamanman sa lahat ng galaw nitong si Jaypee at dahil nagsalita siya sa akin ay hindi na ito nagdalawang isip na patayin ito sa pamamagitan ng paglagay ng lason sa tubig.

"Detective Lee, buti ay hindi ka uminom sa tubig. We found the same chemical na parehas sa baso ng biktima," sabi noong isang pulis.

Tumango na lang ako dahil may tinitipa ako sa aking cellphone.

"Detective Lee," tawag sa akin ni Ale. Humahangos pa ito nang makalapit sa akin.

"Oh?"

"Ano'ng nangyari rito? Ano'ng nangyari sa interview mo?" tanong pa niya sa akin.

Hindi ako sumagot sa kaniyang tanong. This is not the right place to talk about that. Naniniwala ako sa sinabi ni Jaypee. Masyadong malakas ang kapit nito at kahit saan ay may mga mata ito. Inaya ko na lang siyang kumain sa labas.

"Sa tingin ko ay nadagdagan ang panganib sa atin," tatawa-tawang sabi ni Ale. Tama siya. Ngayong may alam na ako, hindi lang ako ang susundan nila kung hindi pati na rin si Ale.

"I found the remaining two. I know where they live here," dagdag pa niya. Napaangat ako ng tingin dahil sa kaniyang sinabi.

Naalala ko na naman kung ano ang sinabi ni Jaypee. Inutusan lang sila, malamang ay may alam rin ang dalawa na ito.

Who Killed Anya? - [COMPLETED]Where stories live. Discover now