CHAPTER 25

37 4 0
                                    

CHAPTER 25

ROHAN'S POV

BIGLA akong napatingin sa bumukas ng pinto. Bumungad sa akin si Ale. Tahimik ko siyang tiningnan at tinaasan ng kilay. Napakunot ako ng noo ng mapansin na parang wala siyang tulog.

"Good morning," bati niya. Hindi ako umimik at pinanood lang ang paglapit niya sa akin. Inilapag niya ang isang white folder sa table ko. Sinusuri ko ang bawat kilos niya at ang paraan ng pagtingin niya sa akin. Ngayon ay hindi siya makatingin ng maayos sa akin.

Hindi rin siya hyper nang bumungad siya sa opisina ko. I swear there is something happen.

"Where have you been these days? I called you for several times but you are not answering it. Is there something wrong, Alezandro?" sunod-sunod kong tanong sa kanya. HInarap niya akoat tiningnan ako ng diretso.

"Nasa bahay lang ako at kung minsan ay naghahanap ng ibang statement tungkol sa kasong hawak natin. Well, ayon nga pala sa pamilya ni Cess Alocracia ay handa silang magsampa ng kaso sa suspek sa oras na mahanap natin sila," aniya na pawang inilihis ang aking katanungan na hindi niya masagot ng maayos. Napailing-iling na lang ako at kinuha ang folder na inilapag niya kanina sa mesa ko.

"Nabalitaan ko ang nangyari? Ano'ng sinabi ni Ariel?" tanong niya. Napahinto ako sa aking pagbuklat sa mga papel at napatingin sa kanya.

"Some information about Octo Equador," diretso kong sagot sa kaniya. Muli kong ibinalik ang atensyon ko sa papel na hawak ko. It was pictures of Alocracia's body and the statement of Ale with legal results of DNA Test.

"By the way, ayon sa magulang niya ang mga gamit na nakabalik sa kanila ay kulang. Nakalagay rin d'yan sa report ko," pagbasag niya ng katahimikan sa loob ng opisina.

"Wala raw sa kotse ang cellphone ng biktima."

"Probably, nasa suspek," wika ko.

"Wala, pumunta ako kay Ariel kanina. Wala silang kinuha kay Cess na kahit anumang gamit." Napaisip ako sa sinabi ni Ale.

Si Ariel na katulad ni Jaypee na nagtiwalag sa fraternity ay malamang na nanganganib na rin ang kanyang buhay pero hindi ko ito hahayaan. Hindi ko hahayaang mawala na naman ang isa pang alas na hawak namin.

"May posiblilidad na buhay pa si Cess. Posible kayang nasa kamay s'ya ng Octo Equador?" wika ko habang nakatingin kay Ale. Napaangat ng tingin si Ale.

"Maari. Ayon nga kina Ariel at Jaypee ay may pinapagawa sa kanila at isa na roon si Anya. Ang pagsamantalahan si Anya ang misyon nina Jaypee, Ariel at Anthony habang si Cess ay patayin si Anya. Si Cess ang nakita natin sa CCTV Footage sa harapan ng tinutuluyan ni Anya."

Nilaro ko ang ballpen sa kamay ko habang nag-iisip. May punto ang theory ni Ale. Ngayon, ang tanong paano namin malalaman kung buhay pa ba si Cess? Paano namin masisiguro ang nasa isip namin na nasa Octo Equador siya?

Napabuntonghininga ako. May isa pang paraan para malaman namin at masiguro namin ang nasa isip namin. Si Ariel.

Biglang tumunog ang cellphone ko na nakapatong sa ibabaw ng mesa ko. Sabay kaming napatingin rito ni Ale. It's Gerlyn of Black A's. Sinagot ko ito at ni-loudspeaker para marining ni Ale ang pag-uusapan namin.

"Magandang araw, Detective Lee," bati ni Gerlyn sa kabilang linya.

"Magandang araw rin, Miss Gerlyn,"

Nagkatinginan kami ni Ale. Batid kong maging siya ay nagtataka kung bakit tumawag si Gerlyn. Mula noong magkita kami noong June nine ay wala kaming balita sa kanila at ngayon ay tumatawag siya.

"Are you with Detective Ale?" tanong nito. Natawa na lang ako sa pagkagulat ni Ale. Hindi sya siguro sanay na hinahanap siya ng hindi kliyente.

"Yes," matipid kong sagot. "May problema ba? Bakit napatawag ka?"

Who Killed Anya? - [COMPLETED]Where stories live. Discover now