CHAPTER 23

40 6 0
                                    

CHAPTER 23

ROHAN'S POV

"Let's start."

Umupo kami nang maayos ni Ale. May kinuha si Gerlyn sa ibabaw noong mesa at ibinigay sa amin. Naka-imprinta ang kulay ginto nilang logo sa itimna balat ng folder. Isa itong libro. Binuklat ko ito para tingnan kung ano ang laman nito.

"We are Black A's. Eight years ago, nabuo ang grupo namin. Boss and Uncle Zhi created the group. They trained us well para sa araw na ito."

"For what?" tanong ni Ale.

"Para sa muling pagbubukas ng kaso na ito. Believe me or not until now hindi pa namin nakikita si Boss. Tanging boses lang niya at likuran ang aming nasisilayan," pahayag ni Gerlyn.

Napatingin kami ni Gerlyn kay Ale na napapalo sa sofa. Bakas sa mukha niya ang pagkainis at maraming katanungan.

"Isang malaking kalokohan ang sinasabi mo. Eight years, eight years imposibleng hindi n'yo pa s'ya nakikita," inis na sabi ni Ale.

"Paumanhin, Detective Ale totoo po ang sinasabi ko," mahinahong sabi ni Gerlyn.

Kung hindi lang babae itong si Gerlyn ay kanina pa ito nanuntk si Ale. Tahimik lang akong nakikinig sa sinasabi ni Gerlyn at paminsan-minsan ay napapatingin sa hawak na libro. Hindi pa tapos magpaliwanag si Gerlyn pero itong si Ale ay nagco-conclude agad at high blood na naman.

"Patapusin mo muna ako, Detective Ale. Gusto lang namin bigyan kayo ng background tungkol sa amin, sa grupo namin," wika ni Gerlyn.

Umupo si Ale sa tabi ko at matalim ang titig nito nang ibaling sa akin ang kanyang tingin. Tinapik ko na lang ang kanyang balikat para pakalmahin siya.

"Let's continue, pero bago ko ipagpatuloy nais ko lang sabihin sa inyo na PATAPUSIN N'YO MUNA AKO," mariin niyang sabi at inirapan si Ale. "Hindi kami ang kalaban dito. Ang Octo Equador," dagdag pa niya.

Napakunot-noo ako dahil sa sinabi niya. Octo Equador – ang grupo na binanggit ni Ariel sa amin noon.

"As I said, our group was created eight years ago. Boss gathered us to be a member of the group called Black A's. The symbols in the logo represents meaningful to our Boss and Uncle Zhi. Since Uncle Zhi died, Boss continue his leadership. Boss take Uncle Zhi part on this group," pahayag pa ni Gerlyn.

"About the logo, that was designed by Boss. The knife symbolizes us, the members. And of course, the justice scale represents a fair justice."
Nakatingin lang ako sa kanya habang naglalakad sa harapan namin at nagpapaliwanag. Madali lang namang maintindihan ang pinupunto niya.

"Hindi naman kayo gangsters?" biglang tanong ni Ale. Napabaling ako sa gawi niya dail sa biglaang pagtatanong niya. Ibinalik ko ang tingin ko kay Gerlyn na natigilan sa tanong ni Ale.

"Yes, we're not. Did you see our company infront?" Ngumiti siya at halatang inaasar niya si Ale sa pamamagitan no'n.

"Galleria De Imperata?" tanong ko.

"Correct, Detective Lee. The company owned by our Boss. The papers are legal. By the way, hindi na namin trabaho iyon tungkol sa mga papel-papel na 'yan kasi may ibang team ang namamahala d'yan under Black A's pa rin," nakangiti niyang sabi. Napatango na lang ako sa sinabi niya.

"We are in justice team, so we are here to support and give you some information or leads about the cases we re-opened. Dela Torre and Alocracia's Case. We found out that, there are investigator who handle these cases was died," aniya.

"Paano kami nakasisiguro na hindi n'yo kami ililigaw sa kasong hawak namin?" tanong ni Ale. Hindi sumagot si Gerlyn. Tinalikuran kami nito at muling may kinuha roon sa mesa. Inabot nito sa amin ang papel na kinuha niya.

Who Killed Anya? - [COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن