CHAPTER 2

104 12 0
                                    

ANYA'S POV

Mula nang lumabas ang resulta ng examination namin noong Prelim ay nararamdaman kong mayroong nag-iba. Hindi ko alam kung ano at bakit? Nanahimik na lang ako at ipinagpatuloy ang dapat ipagtuloy. Ilang araw na lang at nalalapit na ang aming pagtatanghal. Puspusan na ang amig pag-eensayo at desperadong makuha ang titulo ng pagkapanalo.

"Tapos na ang costumes," sigaw ko nang makapasok ako sa loob ng room. Bitbit ko ang isang sako ng puno ng costume habang si Eustace naman ay ang isang eco bag na naglalaman ng head dress. Lahat sila ay nabaling sa direksyon namin ni Eustace. Ang iba ay lumapit at nagtanong kung ano ang dala namin samantalang kasasab ko palang kanina na costume ito.

Ang iba naman ay tumingin lang sa amin saglit at tsaka ibinalik ang atensyon sa kanilang cellphone habang nakataas pa ang mga paa sa armchair. Kinuha ni Eustace kanyang kwaderno at isa-isa nang dinistribute habanag ako ang tagahanap sa loob ng sako.

Mabuti na lang at wala ang instructor namin dahil kung nandito iyon ay paniguradong gagalitan kami noon at ipagpapaliban muna. Kailangan na talaga itong maibigay dahil ang sukat nito ay baka nagbago sa katawan nila.

"Wow! Ang ganda naman n'yan, Eustace. Sino ang gumawa?" tanong ni President Dimsan na kararating lang.

"Si Anya po, Pres," sagot ni Eustace.

"Ah, okay," aniya at saka tiningnan lang ako bago rumampa papunta sa isang mesa kung saan nakaupo sina Xyriel.

"Hello, classmates. Ang ganda ko, 'di ba?" aniya sa pambabaeng tono. Napailing na lang ako roon at muli kong itinuon ang atensyon ko sa aking ginagawa.

"Anya, mayr'on ka na ba sa Arts Appreciation na Painting? Anong subject mo?" tanong ni Eustace habang isinasalansan ang mga head dress at ibinibigay paisa-isa sa may-ari nito.

"Wala pa. Alam mo nam an kung ano ang inuna k,'di ba?"

"Nako, buti na lang nakaisip akong tulungan ka sa paggawa nito kung hindi ko siguro naisip baka hanggang sa event gumagawa ka pa nito," wika niya at natawa pa ito habang napapailing-iling.

"Oo nga e, nakakainis naman kasi sila. Akala ko pa naman magtutulong-tulong dahil para sa block din naman natin ito pero nagkamali ako. Puro salita lang sila, hindi marunong tumupad sa sinasabi. Sa tuwing humihingi ako ng tulong at sinasabi ko kung p'wede akong tulungan, wala namang nag-aasikaso," malungkot kong sabi at tsaka iniabot kay Nica ang costume niya.

"Si Eurie? Bakit hindi ka nagpatulong?" tanong pa niya. Natawa na lang ako nang maalala ko kung ano ang ginawa ni Eurie sa bahay.

"Nagpatulong ako, kaso hindi s'ya matipid sa gamit. Ang daming mali kaya ang ending nag-cellphone lang s'ya sa bahay," natatawa kong sagot.

Pakiramdam ko ay naulit ang lahat ng naranasan ko noong high school na ako lahat ang gumagawa. Hindi naman lahat dahil kahit papaano ay may tatlong tao na willing tumulong sa akin kaya hindi ko ramdam ang pagod ko. Samantalang rito, para na akong kandila na unti-unting natutunaw dahil sa pagod.

Hindi ko rin lubos na maisip kung bakit ginagawa ko ito para sa kanila. Kahit na hindi na ako matulog ay okay lang sa akin basta ba ay mayroon kaming matinong entry, matinong costume at matinong project.

"Ako na d'yan, Anya. Magpahinga ka na, mukhang wala ka pang tulog. Hikab ka nang hikab d'yan," wika naman ni Eustace ngunit tinanggihan ko ito dahil malapit na rin namang matapos. Natapos namin ni Eustace ang pag-distribute ng costume. Ang iba ay isinukat na ito at nagpicture-picture na. Pinakiusap ko sila na huwag muna ipo-post ang mga larawan.

Tumingin ako sa orasan ko. May isang oras pa para umidlip at para sa susunod na subject. Kumuha ako ng upuan at inilagay sa isang kanto ng room. Kahit siguro maingay ay makakatulog ako. Antok na antok talaga ako ngayon wala talaga akong tulog dahil tinapos ko ang head dress na natitira sa akin.

Who Killed Anya? - [COMPLETED]Where stories live. Discover now