CHAPTER 24

53 3 0
                                    

CHAPTER 24

ROHAN'S POV

NASA loob ako ng opisina kasama si Yvo. May ilang ihinatid na papeles siya galing opisina ni Mr. Lorendo. Ilang araw na ang nakakalipas nang pumunta kami ni Ale sa Galleria De Imperata. Bihira ko lang siyang makita ngayon dahil sa hawak niyang estudyante. Bukod sa hawak naming kaso ay binigyan pa siya ng isa pang estudyante. Napapaisip tuloy ako kung ginagawa ba niya ang kaniyang trabaho.

"Yvo, napansin mo ba sa headquarter si Detective Ale?" tanong ko kay Yvo na nakaupo sa sofa at may tinitipa sa kanyang laptop. Hinihintay niya ang papeles na dinala niya dahil ibabalik rin niya ito kay Sir Lorendo.

"No, Sir," sagot niya. Hindi na ako nagtanong pa at nagpatuloy sa pagbabasa ngunit hindi ko maiwasang hindi mapaisip.

Nagtataka na ako kay Ale dahil wala siyang paramdam ngayon. Hindi naman siya ganito noon. Binalewala ko muna ang iniisip ko at ipinagpatuloy ang ginagawa ko. May ilang pinapirmahan sa akin si Sir Lorendo. Nang matapos ko na itong pirmahan ay ibinigay ko na rin ito kay Yvo. Binuksan ko ang isang files sa laptop ko. Ito ang recorded video clip noong magbigay ng statement si Ariel.

"Katulad ng sinabi ni Jaypee, maraming galamay at mata ang Octo Equador. Ang alam ko sa kanila ngayon ay nagpapalakad sila ng isang illegal na transaksyon. Shabu, cocaine at iba pa. Noong miyembro pa ako rito ay nangunguha rin sila ng mga babae at ipinapadala sa Japan," wika ni Ariel.

"Kung gano'n bakit ka umalis sa grupo?" tanong ni Ale.

"H-hindi ko kaya ang ipinapagawa nila. Ang totoo n'yan ay hindi pa kami lubos na miyembro ng grupo. May task silang ipapagawa sa 'yo para maging ganap na kasapi ka nila. Ang tawag sa amin na binibigyan ng task ay Separatou. Separate kung sa English," pagpapaliwanag niya. "B-bukod sa gusto nilang ipapatay si Anya noon at gusto rin niyang sunugin ang isang mall sa El Vega. Nagawa kung makasama sa iba pang inutusan nito kaya nagtagumpay ako."

"Ang frat nila ay lalong lumakas at nang makuha nito ang tiwala ng ilang politiko at naging isang ganap na sindikato sila," dagdag pa ni Ariel.

Napasandal si Ale sa pader at napahilot sa sintido. "Ito na ba ang task mo para maging isang ganap na miyembro nila?" tanong ni Ale. Nanlaki ang mga mata ko nang umiling si Ariel. What? Hindi pa rin. So, meaning mas malala pa sa pagsusunog sa isang mall.

"Ano ang ipinagawa nila sa 'yo?" tanong muli ni Ale.

"Ang manghalay ng isang elementary student. Katulad ng ginawa namin kay Anya. Gano'n ang gagawin. May video ito para ibendensya at patunay na ginawa namin ang task," wika pa ni Ariel.

Nasuntok ni Ale sa pisngi si Ariel. Nag-aalab ang mata ni Ale nang hablutin niya ang damit ni Ariel at marahas na inayos ang upuang natumba.

"Mali ang iniisip mo. Hindi ko 'yon ginawa. Oo, gago ako pero hindi ko kayang manghalay ng isang bata. Hindi ko kayang manghalay ng isang inosente at walang kalaban-laban," sigaw niya sa pagmumukha ni Ale.
Napakuyom ako ng kamao.

Matapos kong mapanood iyon ay lumabas ako ng opisina.
Dumaan ako ng headquarter at pinuntahan si Yvo na nakaupo lang sa tabi ng isang estudyante na mukhang tinuturuan niya.

"Yvo, sumama ka sa akin," maawtoridad kong sabi sa kanya. Ramdam ko ang mga matang nakatingin sa akin at ang kanilang pananahimik.

"Saan tayo pupunta, Detective?" tanong niya at agad na tumayo. Kinuha niya ang jacket niya at sumunod sa akin.

"Hotel Norte, kay Ariel." Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Alam kong nakasunod siya sa akin. Maya-maya'y may biglang tumawag sa akin. Pagharap ko ay si Officer Aragon pala.

Who Killed Anya? - [COMPLETED]Where stories live. Discover now