CHAPTER 22

50 4 0
                                    

CHAPTER 22

ROHAN'S POV

ITINUON namin ni Ale ang atensyon namin sa paggawa ng statement report mula sa pahayag na ibinigay ni Ariel. Hindi namin sinayang ang pagkakataon na nasa kamay namin siya.

"Are you ready, Detective Ale?" tanong ko kay Ale sa kabilang linya.

Nasa bahay pa ako at nagbibihis. Ngayon ang araw ng pakikipagkita namin sa kung sino mang Boss na iyon. Isinuksok ko ang baril sa likuran ko. Isinuot ko rin ang black leather jacket ko. Kinuha ko sa drawer ko ang voice recorder at clip recoder na mukhang butones lang din ang laki.

These are my favorite equipment. I called it my little spy.

Napagpasyahan kong na sunduin na lang si Ale at iiwan na lang ang sasakyan ko sa JP Company. Nag-text na rin sila na susunduin nila kami roon.

Nagpaalam lang ako kay Mama at saka sinundo si Ale sa kanilang bahay.

"Ako magd-drive," pag-presenta niya. Umiling ako at sinenyasan siyang pumasok na.

Alas dyes pa ang usapan ng pagsundo pero maaga kaming pupunta sa JP Company.

"Alam mo nakakahilo talaga itong kaso na ito. Parang bituka. Ang daming pasikut-sikot," reklamo niya.

"Hindi ko akalain na aabot sa ganito ang lahats" Sambit ko. Hindi ko talaga mawari kung bakit ang simpleng si Anya Dela Torre ay magkakaroon ng ganitong komplikadong kaso.

"Ang kasong ito ay tulad ng isang bituka, maraming pasikot-sikot. Tayo at ang mga taong sangkot rito ay tulad ng pagkain na umiikot sa nakakahilong kaso pero bandang huli matitira ang may kagagawan at lalabas ang katotohanan." Seryuso kong sabi sa kanya. Kita ko sa gilid ng aking paningin na tumango-tango lang siya at napangiti pa.

"Sigurado ka ba sa mga taong 'yon?" tanong pa niya. Huminto ako nang makita ang kulay pula sa traffic light. Napabuntonghininga ako bago siya lumingon.

"Hindi ko rin naman maiwasang hindi magduda, Ale. Sa nakikita ko ay nakakatulong rin naman sila kahit papaano. Paano natin malalaman kung hindi natin susubukan? Paano tayo makasisiguro kung hindi natin susubukang makausap sila?"

Muli ay napatango siya at nanahimik. Muli kong pinaandar ang sasakyan hanggang sa makarating kami sa parking area ng JP Company.

Naghintay lang kami sa labas ng kompanya. Malikot ang mata ko at tahimik na nagmamasid. Habang si Ale ay nagmumura sa tabi ko dahil sa paglalaro.

After fifteen minutes of observing. I saw a black van stopped in front of us. Siniko ko si Ale dahilan para mapatigil ito. Mula sa van ay may lumabas na babae at lalaki. They look like a PSG of the President. Diretso itong pumunta sa amin.

"Good morning, Detectives," bati ng babae sa amin.

Tiningnan ko si Ale. Nakatulala ito sa babae. Well, sino nga ba naman ang hindi mamamangha sa ganda niya? Short hair and light makeup lang. Siniko ko muli si Ale habang ang lalaki naman ay tumikhim.

Napadako ang mata ko sa collar nila may badge rin ito katulad noong nakuha ko sa isang lalaki.

"Boss is waiting to both of you," nakangiting sabi pa nito.

"Shall we?" wika naman ng lalaki at tumabi para bigyan kami ng daan. Nauna kaming pumasok ni Ale sa van. May isa pa silang kasama. Iyong driver. Napatitig ako sa salamin at nagtama ang paningin naming dalawa. Pamilyar ang mata niya.

Katabi ko si Ale na hindi mapakali at napapatingin sa harapan kung saan katabi ng driver iyong babae.

"Stop it, Ale," mariing bulong ko sa kanya. Napasandal ako nang huminto ito at inilabas na lang ang cellphone.

Who Killed Anya? - [COMPLETED]Where stories live. Discover now