CHAPTER 9

59 10 0
                                    

ROHAN'S POV

She keeps on bothering me. Ilang araw nang hindi nagpaparamdam si Anya. Ilang araw na rin na hindi ko siya nakakausap. After what happened in the rooftop hindi ko na alam kung ano na ang nangyayari sa kaniya. Gabi-gabi na rin akong hindi nakakatulog at hindi napapakali dahil hindi siya nagpaparamdam sa akin.

"Anya, kumusta ka na?" bulong ko sa aking silid. Biglang tumunog ang cellphone ko at kasabay noon ay ang sigaw ni Mama.

"Rohan, ang papa mo!" Dali-dali akong napatakbo papunta sa kuwarto nina mama. Umiiyak na si mama habang hawak-hawak ang dibdib ni Papa na mukhang pinapakalma nito ang paghinga ni papa.

"Nasaan ang susi?" tanong ko. Kaagad namang itinuro ni mama ang drawer. Doon ko nakita sa ibabaw ng drawer ang susi ng sasakyan namin.

"Papa, kaya mo pa bang tumayo?" tanong ko rito ngunit wala akong nakuhang sagot mula sa kaniya kaya naman inalalayan ko itong tumayo at marahang isinakay sa likuran ko. Inalalayan naman kami ni mama pababa ng hagdan hanggang sa maisakay ko si papa sa sasakyan.

Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan para makaabot sa hospital. This is the second time na atakihin siya sa puso at ayaw ko nang masundan pa ito.

Nang makarating ay mabilis namang naasikaso si papa sa emergency room and after a few minutes, ipinalipat na siya sa private room.

Umaga na nang makauwi ako sa bahay. Naligo ako at kinuha ang mga gamit ni papa. Two-days pa siguro bago siya makalabas.

Tiningnan ko ang cellphone ko nang umiilaw ito. Laking gulat ko na lang ng mayroon itong thirty missed call from Ale – bestfriend ko at classmate ko. Muli itong umilaw at nagpop-up ang pangalan ni Ale.

"Hello, Ale,"

"Putcha! Bakit ngayon mo lang sinagot?" inis na tanong niya.

"Emergency man, Bruh! Dinala namin si papa kagabi sa hospital. Kauuwi ko nga lang saka naiwan koi tong cellphone ko sa sobrang pagmamadali," paliwanag ko sa kaniya na parang isang girlfriend niya na hindi nakapagpaalam sa kaniya kung saan pupunta. Besides, ayaw ko na rin naman ng maraming tanong.

"Ha? I think this is not the right time. Unahin mo muna si tito," aniya.

"He's fine. Ano ba 'yon at parang balisa ka d'yan?" Hindi siya sumagot at narinig ko na lang na parang bumuga siya ng hangin.

"Hoy, Paknot. Sabihin mo nga, may nangyari ba?" inis kong bulyaw sa kaniya sa kabilang linya.

"Somethings happen to Anya," malumanay niyang sambit.

Natigilan ako saglit sa sinabi niya. Para bang huminto ang mundo ang sabihin ni Ale iyon sa akin. Somethings happen to her? What about her?

"What happened to her?" Finally, words came out to my mouth

"Wala na siya, Rohan," anunsyo nito sa akin.

Ramdam ko ang pagbagsak ng mainit na likido sa aking mata.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Hindi ko rin alam kung bakit. Ramdam ko ang biglaang pagkirot ng aking dibdib. Hindi ko na nakausap pa si Ale. Nanginnginig ang kamay ko nang patayin ko ang kaniyang tawag.

Bumalik ako ng hospital na wala sa huwisyo. Tulala at hindi makausap ng maayos. Maging si mama ay hindi ako makausap. Tumambay muna ako saglit sa labas ng hospital hanggang sa napagpasyahan kong pumunta sa bahay na nirerentahan ni Anya.

Pagkarating ko sa lugar ay may iilang tao pa rin ang tumitingin habang ang ilan naman ay pulis at SOCO. Mayroon ring mga bombero na ngayon ay nagpapahinga matapos ang kanilang trabaho.

Habang tinitingnan ang lugar ay hindi ko maiwasang bumigat ang loob ko. Lumakad ako palapit ngunit kaagad akong hinarang ng pulis at sinabing wag akong lalampas sa yellow tape.

"Sir, ano po ang nangyari dito?" tanong ko sa pulis na humarang sa akin. Hindi ako sinagot ng pulis dahil nilapitan ito ng isang kapwa niya pulis. May sinabi ito ngunit hindi ko narinig.

"Grabe, kawawa naman yang bata na 'yan," ani isang babae.

"Siguro ay sobra na ang problema no'n, hindi na n'ya kinayaw," wika ng isang babae na kasama noong unang nagsalita.

"Nakakaawa naman 'yon. Balita ko ay mayro'ng scandal ang batang 'yon. Kaya siguro nagbigti. Nagpakamatay sa sobrang kahihiyan," dugtong pa ng isang babae.

Napalingon ako sa sinabi ng isang babae. Tiningnan ko sila ng masama kaya naman natigilan sila sa pagtsi-tsismisan nila.

Nagbigti? Nagpakamatay? Kaya niya ba iyong gawin sa kaniyang sarili?

Muli kong tiningnan ang bahay ni Anya. Sunog ang kalahating bahagi ng bahay sa parteng sala at kwarto nito. Napansin ko ang isang lalake na may dalang transparent na plastic. May laman itong lubid.

"Sir, nasa sasakyan na lahat ng evidence. Nakuha rin namin ang cellphone niya. All we need is to check the remaining date in her phone baka sakaling may makuha tayong lead.

"May kapamilya na ban a nag-contact sa station?" tanong ng isang pulis.

"Wala pa. Ayon sa land lady ng paupahan ay nasa Japan ang magulang ng biktima," wika pa naman ng lalaking may hawak-hawak na plastic.

Bumalik ako sa loob ng sasakyan. Hinayaan kong bumagsak ang mga luha ko. Hindi matanggap ng sistema ko ang nangyari kay Anya. May kutob akong hindi niya iyon magagawa dahil alam kong may pangarap pa siya.

Mahigpit kong hinawakan ang manibela ng sasakyan ay doon ibinuhis ang lahat ng pighati na gustong magpakawala magmula nang ianunsyo ni Ale ang tungkol kay Anya.

Tangina! Bakit ba kasi nangyayari ito? Bakit niya kinitil ang sarili niyang buhay? Kung tama ang mga sinabi ni Ale na hindi na kinaya ni Anya ang kahihiyan. Dapat pagbayarin ang mga may gawa nito sa kaniya. Dapat pagbayarin ang mga kaklase niyang pinagsamantalahan siya at higit sa lahat pinagkaisahan siya.

Napatingin ako sa cellphone ko na biglang nag-vibrate.

Hinahanap na ako ni mama. Pinindot ko ang exit ng cellphone ko at laking pagtataka ko nang may pulang dot sa message nito hudyat na mayroon pang text na hindi ko nabubuksan. Binuksan ko muli ang message box ko at hinanap ito.

Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang pangalan nito. Dali-dali kong binuksan ang kaniyang mensahe.

From: Anya

Rohan, I don't know what to do right now. All I know is, I want to thank you. Thank you for all the times you comforted me, for all the times you were right by my side, for all the times you wipe my tears by your corny jokes. Thank you, Rohan. I guess, it will end here. I'm sorry. I'm sorry because sometimes I bothered you, I made you worried always. Don't worry, from now on, I will be fine. Everything will be fine. Just continue your life. Chase your dreams. I know you can do it.

Again, thank you, Rohan. Thank you for everything. Thank you for making me feel having a friend like you. That makes me feel special.

Thank you. Always take care of yourself.

– Anya

Hinayaan ko ang mga luha kong bumagsak sa aking pisngi. Walang humpay ang pag-agos nito. Ang bigat sa pakiramdam. Ang sakit! She's like my little sister to me. She's a special girl.

Pinakawalan ko ang boses ko dahil sobrang sakit sa dibdib na iniipit ang boses habang umiiyak. Wala akong pakialam kung may makarinig sa akin. I almost lost one eight of my life. She means a lot to me.

"Anya, why did you leave me like this? You know how much I wanted to help you. You know I am always here for you but why? Why did you do that?"

Who Killed Anya? - [COMPLETED]Where stories live. Discover now