CHAPTER 12

58 5 1
                                    

ROHAN'S POV

ANOTHER DAY of checking some papers and cases. There are minor cases that can handle by our police officer. So that, we do not pay attention to do it. Two days ago since the incident happened with Mrs. Laveda and it was frustrating.

Nakatutok lang ako sa aking laptop at may tinitipa. Kasama ko ngayon sa opisina ang trainee ko. Abala naman siya sa kaniyang assignment kaya naman wala kaming imikan. Magsasalita lang siya kung may itatanong siya. Paminsan-minsan ay napapatingin ako sa kaniya para i-check kung ano ang kaniyang ginagawa.

Nakikita ko ang sarili ko sa kaniya sa tuwing may ginagawa. Napakaseryuso at tipong kapag may umabala ay mawawasak ang bungo. Napailing-iling na lamang ako at saka bumalik sa ginagawa.

Nanahimik ang opisina ko nang biglang dumating si Ale. Sabay kaming napatingin ng aking trainee sa kapapasok lang na si Ale.

"So, how's the case?" bungad nito sa akin.

"Solved," matipid kong sagot. Tumingin ako sa kaniya, naroon pa rin ang ngiti niya. Ano ba ang nginingiti-ngiti nito?

Sinulyapan ko ang estudyante ko, nakatingin lang din ito sa akin at nang magtama an gaming paningin ay doon lamang siya napayuko.

"Mr. Delquido, maingay sa silid na ito. You can go if you want," wika ko. Tumingin muli siya sa akin at tumango. Inayos na niya ang gamit niya at saka lumabas ng opisina ko.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Ale at saka napailing-iling.

"You always destructed my student. Pasalamat ka, hindi ako bulabog para guluhin ka at ang estudyante mo," inis na baling ko sa kaniya. Natawa naman siya sa sinabi ko bago umupo sa sofa.

"Ano'ng kailangan mo?" masungit kong tanong sa kaniya. Muli siyang ngumiti at napahawak pa sa baba na tila ba mayroong iniisip.

"Solved na ang kaso mo. It means, p'wede ka na mamayang gabi," nakangisi niyang sabi. Tiningnan ko lang siya ng diretso at saka napailing. Ibinalik ko ang atensyon ko sa ginagawa ko.

"Come on, Bruh. Let's relax. Masyadong madugo ang utak mo mula noong isang araw hanggang kagabi. Mag-relax naman tayo," pagpupumilit niya.

"Oh, look at you, Detective Ale, you've cared about me or you just care me because you want me to go in the party?" Ipinatong ko ang siko ko sa mesa at nangalumbaba.

"Lagi naman akong may pakialam sa 'yo sadyang ayaw ko lang um-attend na hindi ka kasama," aniya. Napangiwi ako sa sinabi niya.

Ang lakas makabakla ng mga linyahan niya.

"Matuto kang wala ako sa tabi mo. Baka kasi kapag nag-asawa ka na andoon pa ako sa kwarto n'yo habang nagse-s—." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla ako nitong binato ng magazine na nasa maliit na table na nasa kaniyang harapan.

"Shut up, Detective Ibanez. Hindi mangyayari 'yon!" inis niyang sabi. Hindi ko na napigilan ang tawa ko dahil sa sinabi niya.

Ipinagpatuloy ko na lamang ang aking ginagawa at hindi na siya dinaldal pa. Hindi naman niya ako pinakialaman at nanahimik na lang. Kailangan niya munang magpalamig ng ulo. Hindi magandang asarin siya ngayon.

"Done! Anong oras ang opening?" tanong ko habang inaayos ang mga nakakalat kong gamit. Napabalikwas naman si Ale sa sinabi ko at napangisi.

"At exactly seven in the evening, Bruh," masigla niyang sabi na parang isang bata na tinupad ang pangako na sasakay sa mary go around.

UMUWI na kami sa kaniya-kaniya naming bahay. May tatlong oras pa naman bago magsimula ang event ni Eurie. Nagpasya muna akong umidlip para makabawi man lang sa pagpupuyat nitong mga nakaraang araw matapos ang insidente.

Who Killed Anya? - [COMPLETED]Where stories live. Discover now