CHAPTER 15

60 5 0
                                    

ROHAN'S POV

BUMIYAHE ako nang mahigit tatlong oras para mapuntahan ang lugar kung saan ako naglalagi noon. Ang lugar na dati kong paborito ipinta dahil sa kakaibang ganda nito.

Hanggang sa hindi inaasahang dumating ang isang araw na nagkaroon ng karumaldumal na pangyayari na labis kong dinamdam at hanggang ngayon ay dala-dala ko pa rin ang sakit at galit na dulot ng maling akusasyon sa isang tao na walang ginawa kung hindi ang maging mabuti sa kaniyang kapwa.

Maghahanap muna ako ng matutuluyan sa ngayon. Nag-file na rin ako ng report at request para sa field investigation na ito. Pagkababa ko sa bus ay tila ba nanlumo ako sa aking nakita. Sampung taon na ang nakalipas magmula nang iiwan ko ang lugar na ito.

Kapansin-pansin ang malaking pagbabago sa paligid. Marami ng mga gusali at magulo ang kalsada dahil sa kaliwa't kanan na sasakyan at mga naglalakad na tao.

Sa tingin ko ay malilibot ko naman ang lugar na ito dahil mahigit dalawang linggo akong mamamalagi rito. Ayaw kong magsayang ng oras. Wala akong sasayanging oras. The moment I stepped the asphalt, I know this is the real battle. The startline where my battle to seek justice begin.

Naghanap-hanap ako ng mauupahan sa paligid. Hindi naman ako nahirapan dahil marami ang nandito at tamang-tama sa budget. Mas pinili ko ang medyo hindi marami ang tao at medyo malayo sa kalsada upang hindi ako ganoon mabulabog sa tuwing may ginagawa ako.

Nang makausap ko ang may-ari ng paupahan, kaagad na ibinigay nito sa akin ang susi. Binuksan ko ang bahay at iginala ang aking paningin. Hindi na masama ang paupahan ba nakuha ko dahil kumpleto na ito sa gamit.

Pumasok ako sa isang silid kung saan iyon lamang ang puwede kong buksan. Dalawa ang kuwarto ng bahay at puwedeng-puwede pa ang isa. Nakiusap ako sa may-ari na kung maari ay huwag nang paupahan pa ang isa at magiging doble na lamang ang bayad ko sa kaniya pagpatak ng katapusan.

Inilapag ko ang aking dala-dalang bag sa ibabaw ng kama at saka kinuha ang cellphone at wallet ko. Kailangan kong mamalengke para sa munting kusina ng bahay na ito at para rin hindi na ako palabas-labas sa tuwing magugutom ako.

Ini-lock ko ang kuwarto at lumabas ng bahay. Nagulat ako nan makita ang isang pamilyar na lalaki. Nakikiusap ito na mangupahan pero dahil sa pinag-usapan namin ng may-ari ay hindi niya na ito ibinigay pa.

Dahan-dahan akong lumapit dito at pekeng umubo dahilan para lingunin ako ni Ale.

"Oh, Bruh!" gulat na bungad niya. Maging ako man ay nagulat na nandito siya. "Naandito ka rin?" tanong pa niya. Marahan akong tumango at sinulyapan ang may-ari ng paupahan.

"Magkakilala kayo?" tanong ng babae sa akin.

"Opo," sagot ni Ale.

Tumango-tango naman ang Ginang. "Sandali lang, ha," wika nito at saka kami tinaluikuran.

Lumapit sa akin si Ale at hinampas nang hindi naman kalakasan ang balikat ko.

"Bruh, nandito ka rin pala? Sandali, kanino bang kaso hawak mo?" Tiningnan ko lang siya at hindi sumagot. "Bruh!" pangungulit pa niya.

"Bruh, baka gusto mo iisang bahay na lang tayo? Hati na lang tayo sa bayarin," aniya.

"Basta wag kang maingay," sabi ko sa kanya. Parang bata naman siyang tumango.

Kaagad na kinausap ko ang ginang na ibigay na lamang ang kuwarto dahil magkakilala naman kami ni Ale. Hindi naman ganoon kahirap pakiusapan ang ginang. Kaagad rin itong pumpayag at ibinigay ang susi ng kabilang kay Ale.

Natuloy akong mamalengke kasama si Ale para bilhin ang supply na kakailanganin namin. Narito kami sa parte ng palengke kung saan nagbebenta ng mga karne. Si Ale na ang bumili nito habang ako naman ay ilang canned goods at sangkap sa pagluluto.

Who Killed Anya? - [COMPLETED]Место, где живут истории. Откройте их для себя