CHAPTER 13

56 5 0
                                    

ROHAN'S POV

Naging matunog ang nangyari sa loob ng bar ni Eurie. Kabubukas pa lang nito ay nakasara na kaagd ngayon dahil sa nangyari. Hindi rin makausap ng maayos si Eurie, nananatili itong tulala marahil ay hindi siya makapaniwala sa mga nangyari sa loob ng kaniyang bar at higit sa lahat kaibigan pa niya ang biktima. Kapag kinakausap namin ito ay bigla na lang iiyak at magtatakip ng tainga na para bang may kinatatakutan.

Ibinigay ko na rin ang statement ko sa mga nag-iimbistiga sa nangyari. Hindi ako maaring magkamali. Ang lalaking nakita ko noong gabi ay posibleng may kinalaman sa pagkakapatay kay Feliz.

"Detective Lee, tawag ka ni Sir Lorendo sa kanyang opisina," bungad sa akin ni Ethan. Tumango na lang ako. Inayos ko ang ibabaw ng mesa kong nagkalat ang mga papel bago tuluyang pumunta sa opisina ni Sir Lorendo.

Nang makapasok ako sa kaniyang opisina, bumungad sa akin ang mukha niya na parang stress na stress. Sumaludo ako sa kanya kaya naman tumayo ito at sumaludo rin sa akin.

"Ipinatatawag mo raw po ako, Sir?"

Muli itong umupo at huminga nang malalim. Bukod sa kaniyang tiyan para bang may iba pa siyang dinadalang mabigat. May kung anong inabot siya sa kaniyang drawer at kinuha ito.

"Here," Inabot niya ang isang brown expandex envelope. Kahit nagtataka ay tinanggap ko ito.

"I'm sorry, Detective Lee. You have no position to seek the truth on Miss Feliz case because you have special case that was re-opened yesterday," he paused and look at me.

"That was the case of Anya Dela Torre," wika niya.

Nanlaki ang mata ko nang banggitin niya ang pangalan ni Anya. Kaagad kong binuksan ang inabot niyang envelope at saka binasa ang pangalan ng nasa unahan. Ang buong akala ko ay mali lang ang pagkakarinig ko pero tama ito.

"Ten years ago up until now hindi pa nabibigyan ng hustisya ang kaniyang kaso. Hindi ko nga alam kung bakit binuksan muli ito sa loob ng mahabang panahon." He took a deep sigh and shook his head. "Hindi ko rin alam kung magtatagumpay ka sa kaso na 'yan," mahina niyang sabi ngunit sapat lang para marinig ko.

Nanginginig ang kalamanan ko at pilit na hindi pinapahalata kay Sir Lorendo.

After ten years, hindi ko akalaing mahahawakan ko ang kaso niya. Hindi ko akalaing muling mabubuksan at mapag-uusapan ang pagkamatay niya.

Tumingin ako nang diretso kay Sir Lorendo. "Gagawin ko po ang lahat para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Miss Anya," matikas kong sabi. Nangunot ang kaniyang noo at nagtatakang tiningnan ako nito.

"Pagkamatay? Wala pa naman akong sinasabi na pinatay siya or what? Pero tama ka naman hindi naman hahanapan 'yan ng hustisya kung hindi siya pinatay. By the way, that was a suicide case pero dahil may isang tao ang gustong buksan muli ang kaso, doon kami nagkaroon ng saloobin na muling buksan ito at bigyan siya ng hustisya," dagdag pa niya.

"Sino po ang nag-request na buksan muli ang kaso?" tanong ko.

"Anonymous. I guess, magkikita kayo nyan para ibigay niya ang kanyang statement."

Napabuntonghininga na lang ako sa kaniyang sinabi. Tiningnan ko muli ang hawak na envelope na naglalaman ng ilang ebindensya, at statement na nakalap. Ito na ba? Ito na ba ang matagal ko nang inaasam? Hindi ba't ito ang gusto ko?

Lumabas na ako ng opisina ni Sir Lorendo matapos ang ilang diskusyon namin tungkol sa kaso.

Bumalik na ako sa opisina ko. Naabutan ko si Ale na nasa sofa at nakiki-share ng tabe sa estudyante ko. Nakakunot ang noo nito habang may binabasa na kung ano.

Who Killed Anya? - [COMPLETED]Where stories live. Discover now