CHAPTER 19

41 7 0
                                    

CHAPTER 19

ROHAN'S POV

Nagising ako sa alarm ng aking cellphone. Tamad na tamad akong kinapa ang cellphone kong nagv-vibrate at malakas na tumutugtog sa tagiliran ko. Damn! Nadaganan ko yata ito kagabi.

Nang makuha, pinatay ko muna ito at saka pumikit muli. Inaantok pa ako. Alas singko na ako natulog sa kakagawa ng statement na nadadagdagan ni Ale kapag nagkita ulit kami.

Ngayong araw ang uwi ni Ale. Kinausap niya ang kapatid ni Alocracia. Hindi ko alam kung anon a ang estado ng kanyang pagtatanong-tanong. Wala siyang paramdama mula noong umalis siya. Hindi naman ako kinakabahan, mukhang ayos kag siya.

Pumikit uli ako para matulog. Ala una pa naman ng hapon ang punta ko sa station kaya walang problema.

I heard knocks on my door. Tamad na tamad ako ng naglalakad palapit sa pinto at binuksan ito, Parang gusto nang sirain ang pinto ko sa bigat ng kanyang pagkatok.

"What the! Hoy, Detective Lee, puyat na puyat?" bungad niya nang buksan ko ang pinto. Here comes the noisy detective.

"Hmm. Kailan ka pa dumating?" tanong ko sa kanya at saka tinalikuran siya. Ramdam ko na sumunod siya sa akin at naupo sa sofa.

"Kanina lang nine," sagot niya. Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa itaas ng pintuan ng kwarto ko. It's already eleven.

Tumango-tango lang ako at saka dumiretso sa banyo para maghilamos. Hindi naman niya na rin ako kinausap batid niya sigurong kailangan kong maglinis ng katawan dahil kagigising ko lang.

Nagbabasa siya ng kung ano mula sa nakuha niya sa mesa ko.

"Ale, maliligo lang ako. Sabay na tayong pumunta ng station,"

"Sige, Oo nga pala sabi ni Tita dito daw ako mananghalian," wika niya kaya napalingon ako sa kanya. Walang problema. Hindi na ibang tao si Ale dito sa bahay dahil minsan na siyang tumira dito noon.

Diretso na akong naligo at nang matapos ay nagbihis. Nang matapos ay niyaya ko na sa ibaba si Ale. Tamang-tama lang ay kakain na rin. Nakahanda na ang mga pagkain sa mesa at mukhang ipapatawag na rin kami ni Mama dahil kausap nito ang isang katulong.

Pagkababa ko ay humalik ako sa pisngi ni Mama. Humalik rin sa kabilang pisngi ni Mama si Ale kaya naman tiningnan ko siya nang masama.

"Mabuti naman, Ale napadaan ka rito, saktong-sakto ako pa naman nagluto ng ulam ngayon," nakangiting sabi ni Mama habang inabot ang plato sa amin ni Ale. Tahimik lang akong sumandok habang nakikinig sa kanila. Kapag ganito ang set-up ay parang ako ang bisita at si Ale ang anak.

Hindi rin nagtagal ay kinausap na ako ni Mama at nagkuwentuhan na kami. Sinisipa ko si Ale kapag nakakabanggit ng tungkol sa mga kasong hawak namin at hinawakan namin. Hindi man ipakita ni Mama, alam kong naapektuhan siya sa tuwing pinag-uusapan ang ganitong bagay.

Nang matapos kaming kumain ay agad na pumunta ako sa garahe. Matagal na ring hindi ito nabubuksan dahil wala na ang sasakyan ni Papa dito.

"Hoy, Detective Lee. Wag mong kunin ang bike mo. Ayaw kong magpadyak," sigaw niya sa may gate.

Ayaw ko sana itong sakyan ngayon dahil baka naninibago ako sa pagmamaneho. Walang magagawa. Ang loko nag-commute pala kanina. Ang buong akala ko ay dala niya ang kaniyang sasakyan.

Napangiti ako ng paunti-unti nang makita ako ang sasakyang pinag-ipunan ko. Naramdaman kong lumapit sa akin si Ale ngunit nanatiling nakatalikod ako sa kanya.

"Whoa, totoo ba ito?" Hindi makapaniwalang sabi niya. "Sa wakas hindi mo na ako driver," masayang sabi niya at umakbay pa sa akin.

"Ale," sigaw ko at hinagis ang susi sa ere. Agad naman niyang nasambot ito at napangiwi. Natawa na lang ako sa itsura niya. Ibabato na rin niya sana sa akin ang susi pero agad na akong pumunta sa gilid ng sasakyan ko.

Who Killed Anya? - [COMPLETED]Where stories live. Discover now