CHAPTER 7

64 9 0
                                    

ANYA'S POV

NAGULANTANG ako nang sabihin niya ako at kaagad na tinubuan ng kaba sa dibdib. Pakiramdam ko ay may maling nangyayari sa paligid ko. Dahil sa una pa lang na pagtungtong ko sa campus na ito ngayong araw hindi na maalis sa mga ngiti ng mga tao at mapanghusgang tingin nila sa akin.

Binuksan ko ang Facebook account ko. Sa sobrang dami ng chats and notifications nagla-lag na ang cellphone ko.

Jaypee sent a video

Jaypee

Too late, Suma! HAHAHA

Iyon agad ang bumungad sa akin. I tap the video to play. Nangatog ang tuhod ko nang makita ito.

Bakit parang tuwang-tuwa pa ako sa video at nag-eenjoy habang may lalaki sa harapan ko at patuloy ang paggalaw. Naka-blurr ang mukha ng mga lalaki na ansa video at tanging mukha ko lang ang nakikita rito at ang pinakamalala pa ay wala akong saplot at mababakas na nag-e-enjoy sa ginagawa nila sa akin.

Ang naalala ko lang ay ang panghihina ng katawan ko at ang ginawa nila sa akin. Nabitawan ko ang cellphone ko at napaupo sa sahig.

"H-hindi, hindi! Ang alam ko ay sobra na ang panghihina ko kaya hindi na ako makalaban. Wala na akong lakas para sa ganito pero bakit may ganito akong ginagawa," sigaw ko.

"Maybe they have something injected to you," malumanay na sabi ni Rohan.

Pansin ko ang awa sa kaniyang mga mata at ang galit sa kaniyang dibdib dahil sa bilis ng kaniyang paghinga "

N-napanood mo na rin?" tanong ko. Tumango lang siya at napaiwas muli ng tingin.

What the fck! He saw me naked and wild to these guys. Wala na akong maihaharap na mukha sa karamihan. Paniguradong kalat na ito sa buong campus.

Tumayo ako at napatingin kay Rohan, salubong ang kilay niya habang nakatingin sa akin. Bumagsak ang aking mga luha habang nakatingin sa kaniya. Ilang sandali lang rin ay kaagad na umiwas ako ng tingin at napatingin sa pasamano na palagi naming inuupuan nin Rohan o hindi kaya'y pinagpapatungan ng aming mga braso sa tuwing kami ay nagkukuwentuhan.

Siguro sapat nang basag ang bungo ko kapag tumalon ako rito ngayon. Sapat na ang mga sakit na aking nararamdaman. Wala na rin akong mukhang maihaharap sa karamihan.

Tumakbo ako palapit sa railings ngunit hindi natuloy ang pag-akyat ko rito dahil agad nayakap ni Rohan ang aking bewang at sabay kaming natumba sa sahig.

"Rohan, wag mo na akong pigilan. Please." Iyak ko. Dahan-dahan siyang umupo kasabay ko. "Mandiri ka sa hinahawakan mo ngayon Rohan, pinagpalit-pakitan ako ng tatlong lalaki tapos ito, paniguradong pinagpi-piyestahan na ang video ko. Sigurado rin akong ang iba d'yan ay nagnanasa na sa katawan ko dahil sa napanuod nila." Umurong ako upang makalayo ng bahagya kay Rohan.

Bigla niya akong niyakap kaya nagulat ako. "Ayusin natin ito sa Dean's Office, tutulungan kita." Wika niya lalo akong umiyak dahil sa sinabi niya.

"Hayaan mo na akong magpakamatay Rohan, wala na rin naman patutunguhan ang buhay ko, wala na rin namang silbi puro kahihiyan lang ang dala ko. Wala nang dahilan para mabuhay pa ako. Mabuhay na punong-puno ng kahihiyan sa katawan."

Hinaplos niya lang ang likod ko at hindi umiimik habang yakap-yakap pa rin ako.

"Wala na akong pagkakatiwalaan, wala na!" Dagdag ko pa. Rinig ko ang pagsinghot niya at paghugot niya ng hininga.

Humiwalay siya sa pagkakayap at tiningan ako mata sa mata. " Andito pa ako, pagkatiwalaan mo ako. Iwan ka man ng lahat nandito pa rin ako." Aniya. Namumula ang gilid ng mata niya.

"Even you, Rohan. Hindi ako nagtitiwala sa 'yo ngayon lalo na't napanood mo rin ang video. Wala akong tiwala sa 'yo dahil baka ang kahinaan ko ngayon ay samantalahin mo at gawin rin ang ginawa nila sa akin," sigaw ko sa harap ng mukha niya. Kita ko ang pagbagsak ng luha niya mula sa kaniyang mga mata na nakatitig lang sa akin. Pansin ko rin ang pagpigil niya ng galit.

Habang nakatitig siya ay hindi ko na pinatagal ang pagkakataon. Tumayo na ako at tumakbo pababa.

Magf-file ako ng transfer form, hindi ko na kaya.

Dali-dali akong tumakbo papuntang Dean's Office para kausapin ito. Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan na ako ng ibang estudyante. Marahil ay alam nila ang tungkol sa akin.

Nang makarating ako ay hindi na ako kumatok at diretso na akong pumasok rito.

"Good morning, Dean."

"Good morning, Miss Dela Torre."

Umupo ako sa upuang nasa harap ng table niya.

"What brings you here?"

"I need you to sign my tranfer form. My mom decided to move and I need to be with her," palusot ko.

May kinuha siya sa drawer niya at hinanap ang isang papel. Tiningnan niya ito at napatango-tango. Matagal na itong transfer form ko kung hindi lang ako kasali sa event ay may pirma na ito.

"Hindi pa maayos ang grades mo, Miss. May kulang pang isang subject," aniya.

Napamura ako sa aking isip. Alam ko na sa history yon. Kinausap na ako noon dito ni Sir tungkol sa long quiz ko na nakaligtaan ko dahil sa nakatulog ako.

"Sir, baka p'wede naman pong gawan ng paraan. Gusto ko na pong lumipat ng school para makasama ang mama ko," pagmamakaawa ko. Mukhang wala pang nakakarating na report kay Dean tungkol sa akin.

Ngumisi siya na parang nakakaloko at tiningnan ako. Tumayo siya at umupo siya sa kaharap kong upuan.

"Well, magagawan naman 'yan ng paraan. Kailangan mo na ba talaga ngayon?" tanong niya.

Tumango ako. Habang tumatagal ay umiiba ang awra sa loob ng opisina at hindi ko gusto iyon.

"Kahit ano po, kailangan na po lang po talaga," wika ko. Muli siyang tumango at umatras ng kaunti ang kaniyang inuupuan.

"Pipirmahan ko ang transfer form mo, just do the same thing in the video. I am curious. What does it feel when your angelic student having wild sex with you?" aniya at ngumisi. So, alam na niya. Bigla siyang lumapit sa akin at hinawakan ang aking hita. Sa gulat ko ay hindi agad ako nakagalaw.

"Just two or more rounds?" Pinisil-pisil niya ang hita ko habang paakyat ang kanyiang kamay sa pagkababae ko.

Nakita ko ang gunting sa gilid niya at hinablot ito sabay itinusuok ito sa kaniyang balikat.

"No thanks, Sir. Suck your own dck! Naturingan kang Dean, wala ka man lang gawin para sa estudyante mo. All you want is to spread your cum in your office." Kita ko ang pamumutla niya dahil sa nakatusok na gunting sa kaniya.

Hayop! Atakihin ka sana sa puso.

Lumabas ako sa opisina na para bang walang nangyari. Napagpasyahan ko na lang umuwi at wag na lang pumasok dahil sa ginawa kong iyon, malamang ay lalong magiging matunog ang aking pangalan sa buong campus.

Pagkarating na pagkarating ko ng bahay ay lahat ko isinara at ini-lock upang magmukhang walang tao sa loob. Hinubad ko ang aking saplot at saka pumunta ng banyo at doon muling ibinabad ang sarili sa tubig.

Who Killed Anya? - [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang