CHAPTER 3

87 9 5
                                    

ANYA'S POV

Hindi ko akalaing magkakaganito ang schedule ko. Hirap na hirap ako mag-adjust at parang parating hinahabol ng sampung kabayo ang sarili ko at wala akong magawa kundi ang magmadali.

Hindi madaling pagsabay-sabayin ang Practice sa Arts, pagre-review para sa Midterm Examination tapos kasabay pa noon ang iba't ibang proyekto sa ibang subject. Hindi ko na alam, hindi ko na alam kung kailan ko pa bang matulog, kung saan ako kukuha ng pera pangtustos sa mga bayarin. Hindi pa naman nagpapadala si Mama.

Monday to Wednesday mayroon akong apat na subject sa umaga at tatlo sa hapon, pakatapos pa noon ay ang pag-practice namin ni Rohan – siya ang napili sa Senior habang ako naman sa Junior. Third year college na siya at isa pala siya roon sa mga nakakita sa akin noong natutulog ako sa room.

Hindi madali ang sitwasyon ko ngayon. Sabay-sabay talaga e. Uuwi ako ng alas syete tapos gagawa pa ng ibang reports. Fck! Buti na lang kahit papaano ay hinahatid ako ni Rohan, noong una ay hindi ko sinasabi ang address ko pero dahil makulit siya sinundan niya ako nang hindi ko alam hanggang sa paulit-ulit na.

"Anya, pa-check naman nitong report ko, oh. Ipapasa ko lang 'yan kay Madam Aida," wika ni President Dimsan. Ibinaba ko ang ballpen ko at kinuha ang papel na inaabot niya. Sa pagkakaalam ko ay narrative report ito noong report.

"Edit mo na rin. Magaling ka baga d'yan," dagdag pa niya na ikinatigil ko.
Walanghiya! Nakita naman niya na ang dami kong ginagawa. Dumaragda pa siya. Hindi na ako nakapag-apila dahil tumalikod agad siya at nakipagdaldalan. Napasabunot na lang ako sa sarili ko dahil sa inis.

Ginawa ko ay ini-scan ko muna ang gawa niya, hinanap ko ang mga salita na wrong spelling at ang mga punctuation marks. Napailing na lang ako, sumasakit ulo ko. Hindi ko alam kung sa pagkaka-print o sadyang pinapahirapan niya ako. Tss! Malapit na talaga akong mapuno sa kaniya, ah.

Matapos kong pulahan ang papel niya ay ibinalik ko sa kanya at sinabing ayusin na muna ang may mga pula. Wala rin naman akong nagawa kundi ang basahin na rin iyon. Nandon na rin naman. Hayss!

Natapos ang afternoon class ko at saka dumiretso sa drawing room. Naroon na si Rohan at nagmi-mix ng acrylic.

"Kanina ka pa, Kuya?" tanong ko sa kaniya.

"Oo, kanina pang alas kwatro," aniya at saka ngumiti sa akin. Sana lahat maluwag ang schedule.

"Sana all maluwag ang schedule," sabi ko na ikinatawa niya. Itinabi niya ang acrylic paint na pinaghahalo-halo niya at tsaka bumaling sa akin.

"Iba talaga kapag junior, busy. By the way, hintayin kita hanggang sa matapos ka sa obra mo ngayong araw tapos ihahatid ulit kita," aniya. Ngumiti naman ako at saka ibinaba ang mga dala kong papel at bag. Kinuha ko ang apron ko at isinuot ito sa aking katawan.

"Nako! Kuya, sabi ko sa 'yo noon. Hindi mo naman kailangang ihatid ako nang ihatid, malaki na ako," wika ko at kumuha ng canvas pati na rin ang brush at mga pintura.

"Kaya nga malaki ka na, malaki rin ang posibilidad na mapahamak ka sa daan. Grabe pati ang daan sa inyo, iilan lang ang poste ng ilaw. Tsk! Wag mo nga akong matawag-tawag na kuya d'yan. Lakas makatanda!" Napakamot pa siya sa kaniyang batok at saka tumawa.

Natawa na lang ako sa kaniya at saka tumango. Mahigit isang linggo na rin na nakakasama ko si Rohan. Hindi na rin masama na nagkaroon ako ng kakilala sa higher year.

"Ano ang subject natin ngayon?"

"Love," tipid niyang sagot at tsaka tumayo. May kinuha siya na kung ano sa gilid ng room at napagtanto ko itong gawa niya.

"What? Love talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Bitter ako, 'no." dagdag ko pa na ikinatawa niya. Pumunta sa tabi ko habang dala-dala niya ang gawa niya. Manghang-mangha ako sa gawa niya. Iyong kulay niya parang kulay sa mga Urban country, iyong may mga graffiti art. Luminous color ang gamit niya.

Who Killed Anya? - [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora