CHAPTER 1

249 17 0
                                    

ANYA'S POV

Pasukan na at bago sa akin ang lahat. Bagong instructor, bagong kaibigan at bagong pakikisama. Sa unang araw ng klase ay hindi mawala ang kaba sa aking sarili. I was one of those introverts in the world.

The hell! Hindi ko lagi maiwasang mag-isip ng kung ano-ano. I preferred to be alone. I preferred a silent place. Paaralan at bahay lang ako. Hindi ko hilig ang makipaghalubiho sa karamihan.

Hindi ako sanay sa large group of people. And sometimes I hate being like this. One thing I know is, hindi masamang mag-isa. Habang tumatagal na expose ako sa labas at may nakakasalamuha akong tao na pilit na dikit nang dikit sa akin ay para bang hindi kinakaya ng sistema ko.

College na ako ngayon at ito nakatingin sa aking mga paa habang naghihintay na bumukas ang room kung saan doon ang unang subject namin.

I heard someone called my name. "Anya," Itinaas ko ang aking paningin at hinanap kung sino ang tumawag sa akin. May kung anong tuwa ang humaplos sa aking puso. I didn't expect she was here. Ano kayang course ang kinuha niya?

Nakangiting lumapit sa akin si Eurie--my bestfriend since grade 7. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil pakiramdam ko ay nawala ang kaba sa aking dibdib na kanina ko pa nararamdaman buhat nang umalis ako sa bahay.

"Ey, you didn'tt inform me that you will be studying here," wika ko at napailing-iling Tinapik niya ang aking balikat at saka ngumiti sa akin.

Tumawa siya. "Change of plan. Sorry hindi ko na nasabi sa 'yo at saka gusto rin namang sorpresahin ka," aniya at tinaas-taasan pa ako ng kilay.

Grabe! Hanggang saan kaya aabot ang katarayan nito? Baka hindi matapos ang school year may nakaaway na siya sa room. Tsk. I do not understand myself kung bakit siya ang naging bestfriend ko. Hindi ko ma-imagine na matagal na kaming magkaibigan.

"Anong course ang kinuha mo, Eurie?" tanong ko sa kaniya. Muli siyang ngumiti sa akin at saka sumagot.

"Katulad ng course mo, kaya magkasama pa rin tayo."

Muli siyang tumawa. "Gulat ka 'no?" Napangiti na lang muli ako sa isiping magkasama na naman kaming dalawa at mukhang apat na taon pa kaming magkakasama.

Binuksan na ang room na papasukan namin. Nang mabuksan ito, sunod-sunod na pumasok rito. Sa una ay naging magkatabi kami ni Eurie. Ang daldal niya at ang gala niya agad. Lahat ng bago kong classmate ay napapatawa niya dahil sa kadaldalan niya at kabaliwan niya. The way na magpapakilala siya ay talaga namang matatawa ang lahat dahil sa pagiging hyper nito. Natahimik lang siya noong pumasok na ang instructor namin na balita pa namin ay terror instructor ito ng school.

Tahimik ang lahat habang nagsasalita ang instructor namin. Tahimik lang rin ako na nagmamasid sa mukha ng ibang classmate ko at sa tingin ko ay kinikilala ko sila

Yes! Ang katulad kong introvert ay madalas na judgmental but agad rin naman itong nawawala at nababawasan sa oras na makasalamuha na namin ang tao na aming tinitingnan. Sa unang araw ng pasukan ay puro pagpapakilala lang ang aming ginawa sa lahat ng subject.

Medyo nakakaumay na rin. Ang ibang instructor ay may kaniya-kaniyang pakulo kung paano kami magpapakilala. Ang iba ay sasayaw, ang iba ay kakanta o 'di naman kaya'y patula ang istilo. Sobrang nakakahiya ng mga araw na iyon ngunit nakita ko namang cute siya dahil medyo nawawala ang pagkailang ng bawat isa lalo na't ang iba sa amin ay hindi talaga magkakakilala at galing pa sa iba't ibang school.

"Hi classmates, Ako nga pala si Stephanie Anya Dela Torre, nineteen years old. Sana maka-close ko kayo kahit ganito ako," wika ko at saka umupo. Ang iba ay nagsalita at ang iba ay ngumiti lang habang si Eurie naman ay pumalakpak na para bang isang proud na proud na nanay. Nang makabalik ako sa aking upuan, pasimple kong kinurot ang kaniyang tagiliran.

Who Killed Anya? - [COMPLETED]Where stories live. Discover now