CHAPTER 5

71 9 1
                                    

ANYA'S POV

HINDI ko na matiis ang mga ginagawa nila sa akin pero kahit na ganoon ay pumapasok pa rin ako. Ilang araw na at hindi nila ako tinitigilan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin maayos ang tungkol sa issue ko noong exam kahit na nagpaliwanag na ako. Ang gusto ay papuntahin ko rito ang mga magulang ko para sila ang magmakaawa na bigyan pa ako ng isa pang pagkakataon.
Hanggang ngayon ay iniisip ko ang sinabi s aakin sa opisina.

Hindi naman makatarungan iyon para sa akin. Ayos lang sana kung kakausapin sila at hindi magmamakaawa. Iyon talaga ang sinabi sa akin kanina. Mas pipiliin ko pang huwag na lang mag-aral kaysa pagluhurin ang aking mga magulang dahil sa hindi ko namang ginawa na kasalanan.

Napapahugot na lang ako ng hangin bago pumasok sa loob ng classroom\. Kung noon pakiramdam ko ay parang may nag-iba ngunit ngayon ay kitang-kita na ang pagtrato nila sa akin. Even my bestfriend, it feels like there are ten mountains between us. Lagi siyang umiiwas ng tingin kapag tumitingin ako sa kaniya. Sila Dimsan at Jaypee naman kasama ang grupo niya ay nagpaparinig parati at alam kong sa akin iyon. Hindi ko na lang sila pinansin at nananahimik na lang ako sa isang tabi upang wala nang maging ingay ngunit tila ba hindi sila napapagod dahil tahol sila nang tahol.

Ilang araw na rin ang nadaan na hindi ako nagpapakita kay Sir Smith at Rohan kahit na chinachat ako ng mga ito. Si Rohan, araw-araw ay tinatadtad ako ng text at tawag pero ni isa roon ay wala akong reply at sinagot.

"Bakit ba kasi ito nangyayari sa akin?" mahinang bulong ko. Kasalukuyan akong nakatambay sa rooftop ng faculty building at nilalasap ang hangin. Nitong mga nakaraang araw ay palagi akong naririto habang hindi pa time upang makaiwas at magpalipas ng oras. Dito na rin ako gumagawa ng reports, dito ako pumupunta kapag tanghali para kumain at gumawa ng sketch na hindi ko naman naiilipat sa canvas.

"Bakit ba nila ito ginagawa sa akin? Wala naman akong ginagawang masama sa kanila," wika ko pa.

"Dahil naiinggit sila sa 'yo." Isang lalake ang nagsalita sa tabi ko at pagtingin ko ay si Rohan ito. Ginaya niya ang puwesto ko na nakalagay ang dalawang kamay sa pasamano sa ibabaw ng baluster.

"Hays! Dito lang pala kita makikita, kung saan-saan kita hinahanap nitong mga nakaraang araw." Tiningnan niya ako saglit at saka muling tumingin sa harap niya kung saan makikita ang lawak ng school. The faculty building is located at the edge of the school area.

"K-kanina ka pa?" tanong ko sa kaniya. I knew he'll find me. Sinabi niya iyon sa text niya noong isang araw.

"Yes, makakalapit ba ako sa 'yo ng ganito kung kararating ko lang. Grabe ka kasi, sa sobrang lalim ng iniisip mo hindi mo namamalayang may papalapit na sa'yo," aniya at napailing-iling pa.

"Anong ginagawa mo rito? Umalis ka na, pumasok ka na! Ma-late ka pa baka ako pa ang sisihin mo," pagtataboy ko sa kaniya. Parang wala siyang narinig patuloy lang ang pagmamasid niya.

Ang buhok niya na ginugulo ng malakas na hangin. Ang kilay niya na makapal at ang pilik-mata niya na dinaig pa kaming mga babae sa haba. Ang ilong niya na matangos at mala-korean ang kulay ng kaniyang labi. Kitang-kita rin ang pagkahubig ng adam's apple niya. Napaiwas ako ng tingin nang ibaling niya sa akin ang kaniyang tingin at mukhang natawa pa nang mahuli niya ako. Hindi naman maitatanggi ang pagiging mahitsura niya. Mukha pa lang ebidensya na.

"Kahit pagtabuyan mo ako, hindi ako aalis rito," aniya.

"Gusto kong mapag-isa," mariin kong sabi.

"NO!"

"Rohan,"

Humarap siya sa akin at huminga nang malalim. "I said, no. Paano kung maisipan mong umakyat rito at magpakamatay? Psh! Sa sobrang down mo ngayon hindi malabong mag-isip ka ng kung anong masama. Look at yourself, Anya. Ang putla mo na at nangingitim ang ilalim ng mga mata mo and worst namumugto pa."

Who Killed Anya? - [COMPLETED]Where stories live. Discover now