CHAPTER 29

46 6 0
                                    

CHAPTER 29

ROHAN'S POV

LUMIPAS ang araw at nagpatuloy lang ang pagtugis sa mga sindikato. Unti-unti nang nauubos ang kanilang miyembro. Ilang araw na rin akong hindi mapakali dahil hindi ko makontak si Ale.

I also reported to Black A's, alone. Ale's not even answering my phone. I decided to visit Gerlyn in Galleria De Imperata but she doesn't know where he is.

Pinuntahan ko ang bahay nila pero nakasarado lang ito at walang tao.

I was here in my office, thinking and sometimes reading news about the syndicate caught from last week up to now. According to the headquarter office there are person that secretly reported the plan and the places where the transactions will happen. Kaya mabilis na nakakaresponde ang mga pulis dahil mayroon na silang lead at alam na nila kung paano ito mahuhuli.

It's confusing me.

In the middle of my thoughts my phone rang and Ale's name registered on the screen. I cleared my throat before answering his call. "Detective Ale"

"Meet me at the Swelon breakwater. 7 pm," aniya. Kaagad niya ring binaba ang tawag niya. Napamura ako dahil sa ginawa niya.

Lumabas ako ng office para magpahangin. Nangalat ang reporter sa tapat ng station. Mamaya lamang ay magkakaroon ng live conference si Sir Lorendo. Bukas naman ay National Police ang magsasalita tungkol sa mga sindikatong ito.

Sa gilid ng station ako dumaan para hindi makaabala sa mga Press. Palinga-linga ako dahil sa mga sasakyang dumaraan.

"Detective Lee," biglang tawag sa akin ng lalaki kaya naman napalingon ako dito.

Napadapo ang tingin ko sa collar niya na mayroong badge.

"Si Phew ito. Kung wala ka raw schedule mamayang gabi ay pumunta ka sa Black A's room," diretsong sabi niya sa akin.

Napatango-tango lang ako at iniisip kung may gagawin ba ako mamaya o wala.

"That's an order from our Boss," dagdag niya at tumalikod na sa akin. Tatawagin ko pa sana siya pero agad siya lumiko sa isang iskinita.

Napahugot ako ng hangin. Ilang araw ko na rin itong nararamdaman. Nakakapagduda at ang bigat sa dibdib na parang may mangyayaring masama.

Nanatili lang ako sa labas hanggang sa mapagtanto kong hindi nababawasan ang nararamdaman ko. I saw someone smoking from a far. They said smoking can lessen your frustration. I want to smoke but how? I don't even know how to use cigarettes.

Bumalik na ako sa station at mukhang dumoble ang rami ng Press ngayon.

"Octo Equador," dinig kong sigaw ng isa sa mga investigation team. Awtomatiko akong napalingon rito at agad na nilapitan siya.

"Fred, what did you say?"

"Bakit po Detec---" Hindi niya naituloy ang sasabihin niya dahil pinutol ko na ito agad.

"Just answer my question," mariin kong sabi sa kanya. Nabigla siya sa aking inasta. Napalunok ito ng kaniyang laway habang nag-aalangan na na sumagot sa akin.

"Octo Equador, the root of all illegal transactions here in the Philippines. They handling various group of syndicate in and out of the country," maikling paliwanag niya sa akin.

"Kanino n'yo nakuha ang information na 'yan?" tanong ko pa sa kanya. Tumingin siya kay Sir June na nakatingin na pala sa amin. Napabuntonghininga ito bago nagsalita.

"From Agent A. 'Yan ang pakilala n'ya sa tuwing tatawag s'ya sa kapulisan," wika ni Sir June.

Napaisip agad ako kung sino ang Agent A ito. Fred patted my shoulder. Umalis na siya at agad na lumapit kay Sir June. Isa lang naman ang alam kong mahilig sa "A". Black A' s, wala nang iba pa.

Who Killed Anya? - [COMPLETED]Where stories live. Discover now