CHAPTER 8

73 8 3
                                    

ANYA'S POV

Ilang araw na rin akong hindi pumapasok. Hindi ko kayang makita ang mga taong nambaboy sa akin. Hindi ko kayang makita ang mga taong iba na ang tingin sa akin. Wala na akong kawala sa matatalim nilang mga mata at marurumi nilang isip.

Ilang araw na rin na puro pagguhit na lamang ang aking ginagawa. Ilang araw na ang lumipas ngunit pakiramdam ko ay nakadikit sa aking balat ang lahat ng mikrobyo na nagmula sa mga lalaking pinagsamantahan ako.

Minsan ko na lang din tingnan ang aking Facebook account. Sa totoo lang ay ini-schedule ko na ito for account deletion. Hindi ko na kayang makita ang lahat ng mensahe na ipinadala nila sa akin.

Part two raw at one thousand five hundred? For what? For having sex with just like in the video. They are all stupid!

Bakit hindi man lang nila maisip na hindi ko kayang gawin iyon. Hindi man lang ba nila naisip na may kung anong ipinaamoy at itinurok ang mga lalaking gumawa noon sa akin? Bakit ganoon? Imbes na tulungan kang makuha ang katarungan sa kababuyang ginawa nila sa iyo ay sila pa itong parang mga taga ibang barangay na hindi naman imbitado para pagpiyestahan ka

Bakit man lang hindi nila naisip na hindi ko kayang magawa iyon. Hindi man lang naisip na baka may itinurok sa akin kaya naman ganoon ako ka-wild sa video.

So, what happened to those idiots who did this on me? Mga manyak!

Maraming text ang natanggap ko mula kay Rohan. Tawag rin siya nang tawag ngunit wala akong sinagot kahit na isang tawag mula sa kaniya.

Sigurado rin akong kalat na dito sa lugar namin ang tungkol sa akin lalong-lalo na ang video na ipinangalat. Wala na akong ibang maisip na paraan. Mababaliw na ako sa kaiisip kung paano ako makakalabas sa lugar na ito. Hindi ko na talaga alam ang mga hakbang na dapat kong gawin lalo na't wala si mama sa tabi ko para man lang pagaanin ng loob ko. At sa lagay na ito pakiramdam ko ay alam na ni mama ang nangyayayri sa akin ngayon.

Sa panahon ngayon, malakas ang social media at madali lang rin makapagkalat ng mga impormasyon. Paano pa kaya itong sex video na panigurado akong pinagpipiyestahan na ng lahat.

Isa pa ang aking nasisiguro, malapit na akong paalisin ng land lady sa tinitirhan kong ito. Ilang araw ko na rin siyang hindi pinagbubuksan at nagkukunwaring walang tao. Ilang beses na rin siyang nagbanta na sa susunod na balik niya na hindi pa ako nagpakita at lumabas, ipagigiba na niya ang pintuan ng aking tinutuluyan.

Tama, aayusin ko na lang ang gamit ko at tatakas sa oras na nakapag-ipon na ako ng lakas ng loob bago pa tuluyang pasukin ako ni Aleng Sora.

Kinuha ko ang aking bag at saka isinilid rito ang mahalagang bagay. Iiwan ko na lang ang ibang damit ko na bihira ko namang isuot. Masyadong mabigat kung dadalhin ko pa ang lahat ng mga ito. Baka ito pa ang magpahamak sa akin sa oras na may makapansin sa akin.

After I packed all my things, I continue my sketching. Also, there was a huge words written in the wall of my room using acrylic paint. It is written in black paint and distorted fonts. Thanks to my creative hand, I know and I can write some font style.

Biglang tumunog ang cellphone ko at nakita ko ang pangalan ni mama. Hindi ko sana ito sasagutin ngunit sa tingin ko ito na ang oras na hinihintay ko.

"Anak," bungad niya. Muling bumigat ang dibdib ko at pinigilan ang paghikbi. "Anak, you need to escape," aniya. Nang marinig ko iyon ay tila ba inumpog ako sa pader para matauhan.

"Ma..."

"Escape at exactly twelve Midnight and go to the terminal. Your Tito George will pick you there." After hearing her voice and what she said I felt safe. I need to do this! I need to obey her. I know all she wanted for me is the best and I know... mothers' knows best.

She is the only important thing for me right now, she is my only way to escape this cruel living.

Buo na ang loob ko. Ngayong gabi rin ay tatakas ako. Maghihintay lang ako ng oras. Alas onse ay aalis na ako rito para eksaktong alas dose ay nasa terminal na ako. Wala na akong masasakyan sa mga oras na iyon kaya paniguradong lakad-takbo na lang ang gagawin ko para makarating sa nasabing lugar.

Gusto ko sanang makausap si Rohan. Gusto kong magpasalamat pero sa tingin ko ay hanggang sa text message na lang ko na lang masasabi ang lahat nang iyon at hindi na sa personal. Ayaw kong malaman niya na aalis ako at gusto kong malaman niya na nakaalis na ako kapag wala na ako sa lugar na ito. Masyado siyang naging mabait sa akin at aaminin kong napalapit na siya sa akin.

Nag-send ako ng message kay Rohan. Binalikan ko lahat ang pag-uusap namin. Naiiyak ako sa aking ginagawa. Naging mabuti siya sa akin. Ayaw kong maging malapit pa siya sa katulad kong maruming babae. Nagulat ako nang biglang may kumatok sa pintuan ng bahay kaya naman napabalikwas ako mula sa aking pagkakahiga.

Ilang minuto na rin magmula noong mag-text ako sa kaniya kaya possible siya ang kumakatok s aaking pintuan. Sa tingin ko ay si Rohan ito. Ito na nga ba ang sinasabi ko, dapat hindi ko na talaga siya tinext pa.

Pinunasan ko ang aking luha sa mukha at huminga nang malalim bago ko tuluyang binuksan ang pinto.

Nanlaki ang mata ko nang makilala koi to. "A-anong ginagawa mo rito?" tanong ko rito

Hindi niya ako sinagot at agad na lang niya akong sinakal. Hindi ako makahinga dahil sa kaniyang ginagawa sa akin. Gamit ang natitirang lakas ay sinuntok ko ang kaniyang tagiliran. Napadaing siya sa sakit at lumuwag ang pagkakasakal niya sa akin. Tinadyakan ko siya at hindi naman ako nabigo nang mapahiga siya at mamilipit sa sakit. Pumaibabaw ako sa kaniya at pinagsusuntok ko ang kaniyang mukha.

"You deserve it," aniya nang tigilan ko siyang pagsusuntukin.

"Deserve what? Being gang raped?" inis na bulyaw ko sa kaniya.

Nang makabawi siya ng kaniyang lakas ay siya naman itong pumaibabaw sa akin. Katulad ng ginawa ko sa kaniya kanina ay ginawa niya rin sa akin. Tumayo ako at ganoon rin siya. Nakuha niya ang kutsilyo sa mesa ng maliit kong kusina at itinututok sa akin.

Bumwelo ako at sinipa ang kutsilyo na kaniyang hawak-hawak. Agad naman nahulog ang kutsilyo kaya naman sinipa ko ito palayo sa kaniya. Nang makarating ako sa likod niya ay siniko ko ito dahilan para siya ay mapaluhod.

Nanghihina na ako, hindi ako sanay na nagbibigay ng malakas na pwersa. Tumayo siya nang makabawi ng lakas at bumwelo para tadyakan ako ngunit dahil sa katangahan niya ay nadulas siya sa sahig kaya naman bumulagta siya at hindi kaaga nakatayo dahil sa biglaang pagkadulas nito.

Napatingin ako sa orasan at malapit na ang oras na hinihintay ko. Tiningnan ko lang ang kalaban ko na namimilipit pa rin sa sakit dahil sa pagkakadulas nito. Iniwanan ko ito at saka pumunta ako sa aking silid para kunin ang aking bag para makatakas.

Mula sa aking likuran, ramdam ko ang pagtusok ng malamig na metal sa aking tagiliran at ilang sandali pa ay ramdam ko ang biglaang pagpukpok ng bote sa aking ulo.

Umikot ang paningin ko kasabay ng pagkirot ng aking tagiliran dahil sa saksak ko. Kaagad na bumagsak ako sa sahig. Kitang-kita ko pa kung paano ako iiwan ng kalaban ko.

Napabuga ako ng dugo habang dinadama ang lamig ng sahig at pag-ikot ng paligid.

Who Killed Anya? - [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon