CHAPTER 27

48 4 0
                                    

CHAPTER 27

ROHAN'S POV

MAGULO ang headquarter ngayon dahil sa sunod-sunod na pasok ng mga kaso. Ang ilang head ay abala sa pagpapadala ng mga pulis at paggabay sa mga detectives na katulad namin ni Ale. Labas kami sa nangyayari ngayon dahil may special assignment kami at iyon ang kaso ni Anya Dela Torre at Cess Alocracia.

Nitong mga nakaraang araw ay naging matunog ang pagkakahuli sa ilang mga sindikato. Ngayon ay mukhang ganoon na naman ang kaso kaya naman abala ang ilan sa amin.

"Detective Lee, himala napatambay ka ata rito," bungad ni June na kukuha rin ng tubig sa katabi kong water dispenser. Kanina pa ako rito at nagmamasid sa ilang kilos nila habang humihigop ng kape.

"Nagpapainit lang, malamig kasi," sagot ko. Ngumisi siya at sumandal sa pader.

"Sabi ko naman kasi sa 'yo noon ay maghanap ka na ng magpapainit sa 'yo kapag ganitong malamig ang panahon," wika niya at napailing-iling pa.

"Wala pa sa isip ko 'yan. Tama na muna ako sa kape. Nakakatulong naman." Sabi ko sa kanya na ikinatawa niya. Tinapik nito ang balikat ko at tsaka naglakad pabalik sa desk niya ngunit nakakailang hakbang pa lang siya ay muli siyang humarap sa akin.

"Mukhang mahirap ang kasong hawak n'yo ngayon, ah. Grabe itong si Ale kung anong oras na umuuwi. Madaling araw na nga minsan," aniya na ikinakunot ng noo ko. Hindi na ako nagsalita at napako na naman ako sa pag-iisip tungkol sa sinabi ni June.

Bumalik na ako sa opisina ko. Naabutan ko si Yvo roon na nakaupo at may binabasa. Bumati siya sa akin at muling bumalik sa pagbabasa nang makapabati rin ako sa kanya.

"Yvo, kanina ka pa dito?" tanong ko sa kanya. Ibinaba niya ang librong binabasa niya at tumingin sa akin.

"Yes, Detective Lee. Why?" matikas niyang tanong. Bilib rin ako sa isang ito hindi pa man official na detective ay parang ganoon na siya kung umasta.

"Hindi pa ba nagagawi rito si Detective Ale? Limang araw na s'yang hindi nagre-report dito," sagot ko naman sa kanya.

Nagtataka na talaga ako kay Ale. Limang araw nang wala ni-isang paamalam sa akin ay wala man lang. Ang pagkakaalam ko ay wala naman akong sinabi sa kanya na gagawin n'ya."

"Hindi pa po," sagot niya. Muli niyang kinuha ang libro at nagbasa ng tahimik. Nanatili lang ang tingin ko sa kanya. Hanggang sa ibaba nito muli ang libro at tumitig rin sa akin nang napakaseryuso.

"No'ng nakaraan ay nakasalubong ko s'ya. Mukhang busy ang isang 'yon. Hindi nga ata s'ya papasok noon, eh," ani Yvo na ngayon ay nakatuon na ang atensyon sa librong hawak niya.

Napahawak ako nang mahigpit ballpen ko. Ano bang ginagawa niya? More on papers kami ngayon at wala nang field investigation? Kung mayroon man siyang lead sa mga taong kinalaman sa kasong hawak namin, hindi niya kailangang solohin ito. Ibinigay sa amin ito hindi sa kanya lang.

Sinubukan kong tawagan siya ng ilang beses nitong mga nakaraang araw ngunit walang sumasagot at kung minsan ay out of coverage area.

"Detective Lee," tawag sa akin ni Yvo na nakatayo na sa harapan ng mesa ko. "Pre-occupied? I call you for almost five times and you look at me for the sixth time," ani Yvo. Napailing-iling na lang ako at pilit na inaalis ang inis na aking nararamdaman.

"Sorry, anong kailangan mo?" Iyon na lamang ang nasabi ko sa kanya.

"Magpapaalam lang po ako. Aalis na ako. Babalik ako rito na isa nang katulad mo." Ngumiti siya sa akin at sumaludo. "Sana maging maayos na ang hawak n'yong kaso. Malulutas rin ang lahat, Detective Lee. Walang hindi nahuhulog sa kamay ng batas," dagdag pa niya.

Who Killed Anya? - [COMPLETED]Where stories live. Discover now