CHAPTER 11

73 8 1
                                    

ROHAN'S POV

FOUR days ago since we got wasted. Isang araw na pagre-relax katumbas ng ilang araw na tutok sa pagtatrabaho. Kasalukuyang nasa loob ako ng aking opisina at chinicheck ang mga evidence na nakalap ko.

Malapit na, malapit ko nang matukoy kung sino ang may sala. Isang patunay na lang ang hinhintay ako para makumpirma ang may sala.

"I've got you, culprit!" I let a heavy sigh. Isinalansan ko na ang ibang dokumento at inilagay sa isang folder. Hindi pa ako nabigo sa isang kaso. "Kung ang mga pulisya ay malilihis mo, ako hindi," bulong ko.

Napatingin ako sa aking relo. It's already ten o'clock in the morning. Kaya pala nagugutom na ako. Hindi pala ako kumakain ng umagahan. Maaga akong pumunta rito para mahabol si Mr. Lorendo at maipasa ang latest report sa kaso na hawak ko.

Mula rito sa loob ay kita ko ang mga abalang trainee sa labas na kasama ang kani-kanilang instructor. Kitang-kita sa kanilang itsura na pagod na rin sila sa kanilang mga ginagawa. Naalala ko tuloy sa kanila kung ano ako noong nagsisimula pa lang ako. Hard work will lead you into success. Lahat naman nahihirapan sa simula.

Napailing-iling na lang ako at kinuha ang cellphone sa aking bulsa. Nag-check ako ng appointments ko. So far, sa isang araw pa makikipag-meet si Mrs. Laveda. Para sa CCTV footage ng hotel na pinangyarihan ng krimen.

"So, free ako ngayon. Ayos! Mukhang makakatulog na ako ng maayos-ayos," masaya kong sambit.

Inayos ko ang mga gamit ko sa mesa. Nang matapos ay itinaas ko ang mga paa ko sa mesa. Nag-open na muna ako ng facebook account ko ngunit agad akong napabungisngis na wala naman masyadong ganap.

Gustong kong matulog. Tumayo ako at hinanap sa bag ko ang earphone ngunit bigo ako na makita ito. Naalala kong naiwan ko ito sa jacket na hinubad ko kahapon.

Bumalik ako sa pwesto ko kanina at pinatugtog na lang ang aking cellphone. Soundproof naman ang maliit kong opisina kaya hindi ako makakaabala sa mga nagtatrabaho sa labas.

Mayroon naman sofa ang opisina ko, ngunit mas gusto kong makatulog habang nakaupo. Hindi ko ugaling matulog ng diretso kung hindi ko bahay at hindi ko kama ang hinihingaan ko.

Kapipikit ko pa lang nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan ng aking opisina. Binuksan ko ng bahagya ang aking mata. Si Ale lang pala. Paniguradong manggugulo lang na naman ang isang ito.

"Hey! Detective Ibanez. Ang tamad mo ngayon, ah," bungad niya. Sumenyas ako sa kaniya na huwag maingayt ngunit parang sinasadya niya ang dumaldal.

"Ang relax mo ngayon. Tapos ka na sa naka-assign sa 'yo?" tanong niya pa. Napakamot ako sa ulo ko at tamad na umupo ng maayos.

Nakangisi siya ngayon sa akin na parang nagwagi sa isang pustahan. Well, wagi naman talaga siyang asarin ako at hindi patulugin. Pinatay ko ang music ng cellphone ko at seryuso siyang tiningnan.

May kinuha siya na kung ano sa kaniyang likuran at itinaas ito sa ere. Dalawang pink envelopes ito. Kumunot ang noo ko. Nakangisi pa rin siya habang inilapag ang isa nito sa aking harapan.

"Ano na naman ito? Hoy, Ale, ano ito? Baka ginawa mo na naman akong ninong nang hindi ko nalalaman, ha. Umayos ka!" bulyaw ko sa kaniya. Tumawa naman siya ng malakas ngunit huminto rin nang mapansin ang seryuso kong itsura.

"Buksan mo kaya para malaman mo," aniya na sinunod ko naman. Habang binubuksan ito ay hindi ko maiwasang maalala ang kalokohang ginawa niya sa akin last Christmas season.

Bigla na lang kasi may naghanap sa akin sa labas ng station. Paglabas ko, nagtaka ako na mayroong isang ginang na may dala-dalang cute na bata. Mukhang tanga akong nag-isip noon kung may nabuntis ba ako o baka naman kailangan niya lang ng tulong.

Who Killed Anya? - [COMPLETED]Where stories live. Discover now