CHAPTER 18

47 4 1
                                    

CHAPTER 18

ROHAN'S POV

HINDI ko alam kong galit sa akin si Ale or what. Hindi siya maingay ngayong nasa loob siya ng opisina ko. Nakaupo lang siya at nakataas ang paa sa center table ng opisina ko. Nanatili lang rin akong tutok sa laptop ko at inaayos ang mga litrato mula sa video clips. Paminsan-pinsan ay sinusulyapan ko siya.

"You did not inform me about the case that was assigned to you," Finally, he broke the silence in my office.

"I try but I need to confirm some points so that I can merged our case. I'm sorry," waliwanag ko sa kaniya. Tumango lang siya saka tumayo. Lumapit siya sa akin at tiningnan ang ginagawa ko.

"Kung iniisip mong masama ang loob ko, no! Hindi masama ang loob ko. Actually, gusto ko rin dahil iba na ang kutob ko sa kaso na hawak ko. Pakiramdam ko ay konektado s'ya sa kasong hawak mo," aniya.

"That's it!"

"Ano 'yan?" tanong niya at ngumuso para ituro ang ginagawa ko.

"Mamaya ipapaliwanag ko sa 'yo. Mamaya rin ay ipapaliwanag ko sa 'yo lahat kung ano ang dapat nating gawin," wika ko habang nakatutok pa rin sa laptop.

"Let's divide the tasks" Dedterminadong sabi niya at saka tinapik ang balikat ko. Tumango lang ako at nagpatuloy. Bumalik naman siya sa sofa at doon binuklat ang envelope ngunit ibinalik rin kaagad sa dati.

"Bibili lang akong kape," paalam niya. Hindi na lang ako nagsalita dahil agad itong lumabas. Konti na lang matatapos ko na ang presentation ko kay Ale. Hindi ko naman dapat ito ginagawa ngunit gusto ko maging malinaw ang lahat para sa kanya.

Napahilot ako sa aking sintido nang matapos ang ginagawa. Dinala ko ang laptop at ang hawak kong envelope tungkol kay Anya. Inilapag ko ito sa mesa bago sumandal sa sofa at sandaling idinipa ang kamay sa sandalan nito. Pumikit ako upang saglit na makapagpahinga.

"Ang hot," rinig kong sambit niya matapos bumukas ang pinto ng opisina ko.

"Ko?" pikit-mata kong sabi. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya.

"Nitong kape," natatawa niyang sabi. Iminuklat ko na ang aking mata at saka siya tiningnan. Inilapag na niya ang kape sa mesa at inalis ang laptop pati na rin ang mga envelope.

Tumawa ako dahil sa sinabi niya. "Mas hot pa ako sa kape na binili mo," Humagalpak ako ng tawa dahil muntik na niyang maibuga ang iniinom niyang kape.

"Hoy, subukan mong ibuga 'yan magkakagulo talaga rito sa loob ng opisina ko," banta ko sa kaniya. Pigil ang tawa ko nang makita na namumula na ang kanyang mukha dahil sa hindi niya maituloy ang pagbuga. Tiniis niya ang init at pilit na nilunok ang kaniyang iniinom na kape.

Inis na inis sa akin si Ale ako naman ay tawang-tawa sa kanya. Tinapos muna namin ang pagkakape nago ko sinimulan ang pagpapaliwanag ko sa kanya ng mga nakita at nalaman ko.

"Bago ko ipagpatuloy at pagpapaliwanag ko. Ito lang ang gusto kong sabihin sa 'yo. Ale kailangan nating mag-ingat. Ang dalawang officer na nagtangkang alamin ang katotohanan ay natagpuang patay," wika ko. Napalunok ito dahil sa sinabi ko bago tumango.

Nagbago ang isip ko nais kong pati siya ay makapanood ng CCTV Footage na ibinigay sa akin ni Ms. Villafuerte kaya naman ibinigay ko sa kanya ang flashdrive. Ipinakita ko lang sa kanya ang mga litratong nakuha ko at kasama na roon ang mga imahe na makikita sa video clip.

I want his observation about the CCTV Footage, kaya hinayaan ko lang siya na panoorin ito sa aking opisina. Napagpasyahan niya ring dito na muna mag-opisina para hindi kami maghagilap sa isa't isa. Bukas na bukas rin ay ililipat rito sa opisina ko ang maliit niyang mesa at ang ilang mahahalagang dokumento na nasa loob ng kaniyang opisina.

Who Killed Anya? - [COMPLETED]Where stories live. Discover now