CHAPTER 10

76 7 1
                                    

ROHAN'S POV

TEN YEARS LATER

I was sitting on my swivel chair while writing some kind of stuff. When the nuisance entered my small office.

"Detective Rohan, how are you?" bungad na bati nito sa akin. Hindi ko man lang siya binigyan ng pansin at ipinagpatuloy lang ang ginagawa ko.

Umupo siya sa sofa at kinuha ang dyaryo.

"Walang kwenta! Bakit ba naglabas agad ang media tungkol sa issue na ito? Ang alam ko ay wala pang inilalabas ang police na statement about sa kaso ni Mr. Gonzua," Angal niya. Napailing-iling na lang ako dahil sa mga angal niya sa mga kaniyang nababasa.

"Detective Ale, you are interrupting me," malumanay kong sabi sa kaniya habang ipinagpapatuloy ko ang aking isinusulat.

"Come on, Bruh. Let's relax," aniya. Mariin kong ibinagsak sa mesa ang ballpen na hawak ko at tiningnan siya ng masama. Nakita ko na natigilan siya sa aking ginawa at bigla na lamang nanahimik.

"Mananahimik ka or I will kick your ass out of here," pagbabanta ko sa kaniya.

"Sorry, Detective Ibanez," aniya na parang pagkabait-bait na bata.

palihim akong napangiti dahil sa kaniyang inasta. Parehas lang kami ng katayuan pero parang ako ang boss niya at may mas mataas na posisyon kung tratuhin niya. I don't know but sobrang kulit niya. Kahit na makulit ay stand out naman ang mga kaso na nahahawakan niya lahat ito ay case solved.

Muli kong hinawakan ang ballpen ko at saka pinirmahan ang papel na sinusulatan ko kanina. Pirma na lang ang kulang pero dahil sa ingay niya ay hindi ko pa nagawa.

I used to work in silence, kulang na nga lang ata pati sa dilim ay doon na lamang ako magtrabaho pero hindi p'wede. Kailangan ko rin ng liwanag. Kaliwanagan, kaliwanagan sa kasong hawak ko.

Tumingin ako sa kaniya. Magmula ng bantaan ko siya ay nanahimik na lamang siya sa isang tabi at hindi na nangulit pa. Tutok na tutok lang siya sa kaniyang cellphone. Nakakunot ang kaniyang noo. Kinuha ko na lang ang cellphone ko at ang wallet ko. Inayos ko na rin ang suot kong polo at isinuot ang black suit ko.

"Let's go," wika ko at kinuha ang mga papel na pinirmahan ko.

"Where are we going, Detective Ibanez?" tanong niya sa akin. Nakakunot pa rin ang kaniyang noo ngunit sa mga oras na ito ay mababakas ang inis sa kaniyang itsura. Ito ang ayaw ko sa kay Ale, ang bilis mapalit ng mood.

"We're going to celebrate our third year anniversary for being a good detective in the town. Like you said, Let's relax," wika ko. Napaawang ang kaniyang bibig dahil sa sinabi ko.

"Oo nga pala 'no? Tatlong taon na tayong detective," aniya. Mukhang nakalimutan niya ang isa sa mga importanteng petsa sa buhay namin.

"Tsk! Detective Ale, ang sarap mong patayin," bulyaw ko sa kaniya. Binuksan ko ang pinto at tuluyan na siyang iniwan. Rinig na rinig ko ang kaniyang pagtawa nang makalabas siya sa opisina ko.

Naramdamamn ko namang nasa likuran ko na siya at sumusumod sa akin na parang bang anak ko. Humarap ako sa kaniya.

"Pupunta lang ako sa opisina ni Chief Lorendo, ipapasa ko lang ang kailangan niya at kailangan ng trainee na hawak ko," paalam ko sa kaniya. Tumango lang siya at sumenyas sa labas. Tumango na lang rin ako at saka tinahak ang pasilyo papunta sa opisina ni Chief Lorendo.

Hindi na ako kumatok sa pintuan dahil alam kong inaasahan niya akong pumunta sa kaniya ngayong umaga.

Nagulat ako na naroon si Senior Police Officer Oliva at halatang may pinagtatalunan ang dalawa. Huminga ako nang malalim dahil alam kong may mali rin ako. Pabigla-bigla na lang akong pumapasok at hindi man lang ini-respeto ang pinag-uuspan nila.

Who Killed Anya? - [COMPLETED]Where stories live. Discover now