CHAPTER 16

47 4 4
                                    

ROHAN'S POV

Bumalik ako sa tinutuluyan namin ni Ale dala-dala ang isa sa pinakamahalagang ebidensya. Mamaya ko na lang ito panonoorin nang magdamag. Wala si Ale rito sa bahay, malamang ay nangangalap na ito ng ibang impormasyon tungkol sa kasong hinahawakan niya.

Binuksan ko ang refrigerator at nakitang kakaunti na lang ang supply. Siguro ay mamamalengke na muna ako at pagkatapos ay maglalaba. Wala namang ibang gagawa nito kung hindi ako lang.

Lumabas ako ng bahay at pumunta sa palengke. Isang linggo na rin akong nandito at mayroon na lamang akong isang linggo. Kinakailangan ko nang makausap ang iba pang sangkot sa kaso na ito.

Habang naglalakad ay pakiramdam ko mayroong nakasunod sa akin. Sa una ay ipinagsawalang bahala ko na lang muna hanggang sa makarating ako sa palengke. Namili ako ng ilang gulay at karne pati na rin ng mga sangkap. Sinamahan ko na rin ng alak. Kailangan ma-relax naman kahit kaunti ang lalamunan namin na nanunuyo na dahil sa kasong muling binuksan matapos ang ilang taon.

Sino kaya ang mga nagpabukas nito? Hanggang ngayon ay wala pa ring update sa akin si Sir Lorendo tungkol sa nagpabukas na kaso na ito. Wala rin namang tumatawag sa akin para makipagkita bukod kay Miss VIllafuerte.

Kasalukuyang kalalabas ko lang ng isang convenience store nang may mapansin akong lalaki na mabilis na inayos ang kanyang sumbrerong itim. Siya iyon. Ang lalaking nakita ko noong namamalengke kami ni Ale.

Kaya niya ba ako sinusundan dahil ako ang punterya niya? Ito na ba ang dalang panganib ng kasong hawak ko? Nice, mukhang ayaw talaga bigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Anya.

Naglakad na ako para sana umuwi ngunit ramdam ko na may sumusunod sa akin. Imbes na diretso ako sa bahay ay mabilis akong naglakad at lumiko sa isang sasakyang nakaparada sa gilid ng kalsada.

Tama nga ako, ako ang sinusundan niya. Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano nalukot ang kanyang mukha dahil nawala ako sa paningin niya. Nakayukong naglakad ako sa gilid ng mga sasakyang nakaparada. Nasa unahan ko na siya at halatang hinahanap niya ako.

Akmang siyang tatakbo nang bigla ko siya dakmain sa likurang bahagi ng kanyang kwelyo. Kinuha ko ang isa niyang kamay at ipinilipit ito sa kanyang likuran. Marahas na isinandal ko siya sa isang kotse. Dumaing siya sa sakit. Para makita ko ang buo niyang mukha ay iniharap ko siya sa akin at doon kwinelyuhan siya.

"Sino ka? Anong kailangan mo sa akin?" mariing tanong ko sa kanya.
Hindi siya sumagot. Nanatili lang siyang kalmado ang kanyang mukha kahit na kapit-kapit ko ang kuwelyo niya. Nagpipilit rin siyang kumuwala sa kapit ko.

"This is an order from our boss," aniya. Hinigpitan ko lalo ang kapit sa kuwelyo niya dahilan para matiik siya.

"Sinong boss mo? Sino?" bulyaw ko sa kaniya.

"You will know soon." Ngumisi siya na parang nakakaloko. Susuntukin ko na sana siya ngunit naunahan niya ako. Sinuntok niya ang tagiliran ko dahilan para maupo ako sa mainit na semento at mamilipit sa sakit.

"Sino ako? Kakampi ako hindi ako kalaban. Sumusunod lang kami sa ipinag-uutos ni Boss," wika niya at saka ako tinalikuran.

Naiwan ako na nakaupo pa rin sa semento. Damn! Naisahan ako no'n, ah. Kinuha ko na ang mga pinalengke ko na iniwan ko sa tabi ng sasakyang pinagtaguan ko kanina.

Sinong boss ba ang sinasabi niya? Napailing-iling na lang ako at tinitigan ang direksyon kung saan siya dumaan. Walanghiya! Dagdag isipin na naman.

Pagkarating ko ng bahay ay nagpahinga na muna ako at inayos ang mga pinamili. Pagkatapos, naglaba na muna ako habang nakasalang ang sinaing. Matapos nang paglalaba ko ay nagpahinga ako sa sala. Naalala kong may nahablot ako sa lalaki kanina. Kinuha ko ito sa bulsa at tiningnan.

Who Killed Anya? - [COMPLETED]Where stories live. Discover now