CHAPTER 17

43 7 0
                                    

ROHAN'S POV

KASALUKUYANG nag-iimpake ako ng gamit ko. Ngayong araw rin ay babalik ako sa station dahil sa biglaang tawag ni Sir Lorendo. He needs me personal. Wala na akong magawa kung hindi ang iiwan si Ale rito.

"Ano na naman kaya ang naisip ni Lolo Lorendo mo at agad-agad pinababalik ka?" tanong ni Ale na nakasandal sa pintuan ng aking kuwarto habang naka-krus ang kanyang mga bisig.

"Hindi ko alam. Doon na lang daw n'ya sasabihin," sagot ko sa kanya. Nang matapos mag-impake ay naupo ako sa aking kama. Malakas ang kutob ko na mayroon itong kinalaman sa natanggap ko mensahe kagabi.

"Wag n'yang sabihing papalitan n'ya ang hawak mong kaso. Insulto na 'yon," aniya at tumawa na para bang naasar. Tiningnan ko lang siya.

Naalala ko na naman ang nabasa kong sulat kagabi na nakuha ko sa tapat ng pintuan. Ayaw kong sabihin ito kay Ale hanggat hindi ko nakukumpirma ang kutob ko.

Gusto ko sanang isama si Ale pabalik ngunit alam kong magtataka siya kapag pinilit ko siya. Isa pa, magkaiba kami ng misyon. Magkaiba kami ng dahilan kung bakit kami pumunta rito. Isa lang ang masasabi ko, alam kong sinusundan din siya ng lalaki na nakasalamuha ko kahapon.

"Hoy, Alezandro. Maging alerto ka sa lugar na ito. Maraming mga adik dito at kahit na detective ka wala silang pakialam sa 'yo. Baka nga kapag nalaman pa nila na detective ka ay patayin ka nila," pananakot ko sa kanya.

"Para namang hindi ako tumira rito noon," wika niya.

"Basta mag-ingat ka dito kung may problema man tawagan mo agad ako o 'di kaya'y sa station ka na lang tumawag," bilin ko sa kanya.

"Copy, Detective Lee." Tumayo na ako at isinukbit ang bag sa aking balikat. Sumaludo pa sa akin si Ale at ganoon rin ako sa kanya. Nagpaalam na ako sa kaniya at saka umalis ng bahay.

Masyado nang tirik ang araw kaya naman napagpasyahan kong sumakay na lamang sa tricycle papuntang terminal. Tamang-tama ay papaalis na ang bus papunta sa Camarines Norte.

Buong byahe ay hindi natinag ang atensyon ko sa hawak-hawak kong cellphone. I checked my email, nagbabakasaling may mensahe ang nag-open ng kaso na hawak ko o masasabi kong hawak namin ni Ale pero wala kahit isa.

Panay rin ang tawag ni Sir Lorendo sa akin. Pagkarating ko ng Camarines Norte ay tutuloy ako sa opisina. Iiwan ko muna ang gamit ko at ang tanging dadalhin ko lang sa opisina ni Sir Lorendo ay ang statement ng kaso ni Anya.

Posibleng bawiin niya ang kasong ibinigay niya sa akin. Siya na rin mismo ang nagsabi na ako ang gusto niyang pahawakin sa kaso na ito.

"Good morning, Sir," bati ko sa kanya. Sumaludo ako at ganoon rin siya sa akin. Pinaupo niya ako sa upuan na nasa harapan ng kanyang mesa.

"Sorry Mr. Lee kung minamadali kitang pumunta rito para makausap. May natanggap lang kami na isang sulat tungkol sa kaso na hawak ninyo ni Detective Ale," panimula niya. May kinuha siya sa kanyang drawer at inabot sa akin.

Kinuha ko naman ito at binuksan. Parehas lang ang content na natanggap namin kagabi ang kaibahan lang ay walang logo ang isang ito samantalang ang akin ay mayroon.

"I received the same letter last night, Sir," seryuso kong sabi sa kanya na ikinakunot naman ng kanyang noo. Kinuha ko sa bulsa ang envelope at ipinakita sa kanya.

"Hindi ko talaga alam ang kaso na ito. Natatakot ako para sa inyo. Ayaw ko namang ipahamak kayong dalawa ni Ale pero ito ang request nila," malungkot niya sabi.

"I planned to merged the case if my instinct was confirmed. For now, I will watch the CCTV Footage ten years ago. And if it is, the case will be merged. Detective Ale and I will work as a partner. Please give me time for these cases."

Who Killed Anya? - [COMPLETED]Where stories live. Discover now