Chapter 2

102 9 0
                                        

Five months later...

"SAAN NA ba ako napunta? Naligaw na yata ako! Sabi ni Sir Mac, nandito lang daw 'yong bahay ng kaibigan n'ya! Wala naman akong natatanaw kahit isang bahay!" patuloy ni Dani sa reklamo habang naglalakad sa tila walang katapusan na daan habang nakahilera sa gilid ang naglalakihan mga puno.

Tiningnan niya ang cellphone, lalo siyang nainis ng makitang walang signal doon sa lugar na iyon. Isa pa ay pa-lowbat na siya. Kahit saan siya lumingon ay puro gubat sa magkabilang gilid ang nakikita niya. Simula ng bumalik ang paningin niya, nagkaroon na si Dani ng problema sa pagsusulat. Masyado siyang distracted emotionally kaya hindi siya makapag-concentrate. Sino ba naman matinong tao ang makakapag-concentrate sa mga pinagdaanan niya? Pumunta lang silang mag-ina sa mall para mamasyal at kumain sa restaurant. Ngunit ang sumunod na nangyari ay namatay ang Mama niya sa restaurant na iyon, dahil bumagsak sa dibdib nito, eksakto sa puso ang isang malaking piraso ng bubog. Nabulag siya, ngunit ng makakita ulit ay dumaan siya sa matinding emotional depression. Kahit pilitin ni Dani ang sarili na magsulat ay walang pumasok sa isip niya.

Dahil doon, sinuggest ng editor in chief niya na interviewhin ang kaibigan at asawa nito. Maganda daw ang love story ng mag-asawa at tiyak na makakakuha siya ng inspirasyon at gaganahan siyang magsulat. Dahil nasa desperate moments na siya, pumayag si Dani sa naging suhestiyon nito, na mukhang bad move para sa kanya.

"Bakit ba kasi ako nakapayag-payag sa suggestion niya na pumunta dito at interviewhin ang katiwala ng kaibigan ng parents niya?! Eh puwede naman akong maghanap ng inspirasyon sa mga kapitbahay namin! Hay naku, makauwi na nga lang! May araw pa lang naglalakad na ako, mukhang sisikatan na ulit ako ng araw pero hindi ko pa nakikita ang hinahanap ko," tungayaw na naman niya.

Sa gitna ng paglalakad at walang katapusan pagrereklamo ni Dani. Sa wakas ay nakakita siya ng pag-asa, matapos matanaw ang parating na kotse. Agad siyang tumakbo at sinalubong ang sasakyan. Pero hindi pa siya nakakalayo ay biglang siyang natalisod, nawalan siya ng balanse at sinalo ng lupa ang katawan niya. Halos maiyak siya lalo sa inis.

"Promise, Sir Mac! Isa-suggest ko rin na pumunta ka sa Africa sa gitna ng mga Leon at Tigre! Para kapag nalapa ka, makakuha ka din ng inspirasyon!" galit na tungayaw niya. Imbes na tumayo ay naupo lang siya sa lupa saka nahampas iyon at parang bata na nagmaktol.

"Pambihirang buhay naman 'to! Nakakainis ta—"

Akmang tatayo na si Dani ng may marinig siyang sigaw ng dalawang babae.

"Saan galing 'yon?" tanong pa niya.

Pag-angat niya ng tingin, nakita na lang niya na nakahinto ang kotse at may lalaki ng nakatayo sa harap nito na nakatalikod sa kanya habang sakal nito ang isang babae. Nagtayuan ang lahat ng balahibo sa katawan ni Dani ng marinig ang nakakakilabot na tawa ng isang lalaki. Napakunot noo si Dani ng tila may boses siyang narinig sa kanyang isip.

"Gabriel, ako ng bahala dito," wika ng isang malamyos na tinig ng lalaki.

"Kaninong boses 'yon?" tanong pa niya, nagsimula nang makaramdam ng takot si Dani. Parang may kakaibang nangyayari doon. Hindi niya alam kung lalapit ba siya para tulungan ang mga ito, o kakaripas ng takbo palayo.

Hanggang sa masaksihan niya ang isang pangyayari na ni sa panaginip ay hindi niya inakalang matutunghayan.

Mula sa kalangitan, gumuhit pababa ang isang nakakasilaw na liwanag hanggang sa biglang nayanig ang buong paligid na tila lumindol. Kasunod niyon, mula sa liwanag ay lumabas ang tatlong matangkad na lalaki na may hawak na mahabang espada. Ngunit hindi ordinaryong tao ang kanyang nakita, kung hindi mga anghel.

The Messenger's Trilogy Book 3: A Date With An AngelWhere stories live. Discover now