Chapter 26

77 10 0
                                        

NAALIMPUNGATAN si Dani ng maramdaman nito ang may humahalik sa kamay niya. Agad siyang napangiti ng bumungad ang guwapong mukha ni Gabriel. It's been one year since they got married, pero pakiramdam niya ay parang kahapon lang sila kinasal. Marahil ay dahil umalis agad ito matapos nilang ikasal.

"Pakiramdam ko kahapon lang tayo kinasal," sabi pa niya.

Tumungo si Gabriel at hinalikan siya. "Good morning," bati nito sa kanya.

"Good Morning," sagot ni Dani.

"Pasensiya ka na, ha? Umalis ako agad pagkatapos ng kasal natin, tapos ang tagal ko pang nawala," anito.

Marahan siyang tumungo. "No, huwag kang humingi ng pasensiya, kasama iyon sa kailangan natin harapin," sagot niya.

"Salamat sa pag-intindi," anito.

Bigla siyang natawa ng may biglang naalala.

"Bakit ka tumatawa?"

Tinakpan niya ng kumot ang mukha, napatili siya ng biglang sumilip doon sa ilalim si Gabriel. Napahagikgik siya ng pumaibabaw na naman ito sa kanya.

"Sabihin mo sa akin, bakit ka tumatawa?" tanong ulit nito.

"Sandali, hindi mo na nababasa ang nasa isip ko?" nagtatakang tanong niya.

"Dani, noong bumalik ako. Wala na ang lahat ng kapangyarihan ko, sinuko ko na, lahat ng kakayahan ko ay wala na sa akin. Puwede na akong masaktan at mamatay gaya ng ordinaryong tao," sagot nito.

"Ah..." usal niya.

"Kaya sabihin mo na, bakit ka tumatawa?" tanong na naman ni Gabriel.

Napangiti na naman siya. "Ah, kaya pala... wala lang... naalala ko lang 'yong kagabi. First time kitang nakita napagod ng husto," sagot niya.

Nakagat niya ang ibabang labi ng hawakan ni Gabriel ang magkabilang kamay niya at i-lock iyon ng mga kamay nito sa ibabaw ng kama. Pagkatapos ay bumaba ito at hinalikan siya. Agad naman siyang tumugon, and she kissed him back passionately but sweetly.

"Last night was amazing, Gabriel. I didn't know an Angel can make love like that," paanas na wika niya.

"Sa dami ng naging misyon ko dito sa lupa, marami na akong natutunan, marami na akong nalaman sa mga ginagawa ng tao. Kasama na iyon," habol ang hininga na sagot nito.

Napaigtad si Dani ng maramdaman na naman niya ito sa loob.

"Sandali lang... kailangan na natin bumangon..." pigil niya, pero sa bawat galaw ni Gabriel ay parang nawawala siya sa sarili.

Pinatahimik siya nito sa pamamagitan ng halik. "Mamaya na, pagkatapos nito..."

They made love all night last night, alas-singko na yata ng madaling araw ng makaramdam siya ng pagod at nakatulog. Ngunit bago siya makatulog, naikuwento ni Gabriel kung ano ang nangyari sa kanya sa langit.

Dahil sa panghihina nito pagkagaling dito sa mundo. Kinailangan ni Gabriel na magpahinga at mag-ipon ng lakas at matagal ang hihintayin bago bumalik ang lakas ng isang anghel na nakipagniig sa isang tao. Kailangan nito ng sapat na kapangyarihan at lakas para makayanan ang proseso para maging tao. Kung hindi ay maglalaho siya doon sa langit.

Kaya walang nagawa ito kung hindi ang maghintay. Kinuwento ni Gabriel sa kanya kung paano ito halos mamatay sa lungkot at pangungulila. Dahil sa mas pinili nitong maging tao. Hindi na ito pinayagan na bumaba sa lupa. Sa bawat araw na dumaan, napuno daw ng takot ang dibdib nito dahil baka wala na itong balikan. Pero gaya ng pananalig niya, humawak si Gabriel sa pangako nila sa isa't isa na magkakasama din sila, at ngayon ang araw na iyon.

The Messenger's Trilogy Book 3: A Date With An AngelTempat di mana cerita hidup. Terokai sekarang