NAPASALAMPAK ng upo si Dani sa sofa ng makauwi sila. Pumikit siya matapos sumandal doon.
"Okay ka lang ba?" tanong ni Gabriel.
Marahan siyang tumango. "Napagod lang ako, saka medyo masakit ang ulo ko," sagot niya.
Napadilat si Dani ng maramdaman niyang nilapat ng binata ang palad nito sa pisngi niya. Ngumiti siya dito, pakiramdam niya ay nawala ang pagod niya. Sa muling pagkakataon, lumakas ang kabog ng dibdib niya habang nakatitig sa magandang mga mata ni Gabriel.
"Umayos ka ng upo," utos nito.
Hindi na siya nag-usisa at sumunod na lang sa sinabi nito. Hinawakan nito ang ulo niya pagkatapos ay naramdaman niya ang biglang pag-init ng palad ni Gabriel. Mayamaya, biglang nawala ang sakit ng ulo mo.
"Masakit pa ang ulo mo?" tanong nito.
"Hindi na," nakangiting sagot niya.
Hinaplos pa nito ang pisngi niya. "Mabuti naman. Sige na, magpahinga ka na," sabi pa nito.
Akma itong tatayo ng humawak siya sa braso nito.
"Sandali lang," pigil niya.
"May masakit pa ba sa'yo?"
Hindi siya agad nagsalita bagkus ay tinitigan muna ang binata.
"Dani," untag nito.
"Sabihin mo nga sa akin, Gabriel. Bakit mo ginagawa ang lahat ng ito?"
"Ang alin?"
"Bakit lagi mo na lang ginagawa ang lahat ng makakapagpasaya sa akin? Bakit parati kang nariyan sa tuwing kailangan kita? Bakit sa tuwing pinaparamdam mo na espesyal ako sa'yo ay masaya ako?" sunud-sunod na tanong niya.
Hindi nakakibo si Gabriel. Sa halip ay umiwas ng tingin.
"Dahil ito ang misyon ko," sagot nito.
"Iyon lang ba talaga 'yon? Bakit iba ang sinasabi ng puso ko?"
"Hindi ko alam ang sinasabi mo."
"Sabihin mo sa akin ang totoo, iyon lang ba talaga iyon sa'yo? Dahil sa misyon mo o mayroon pang higit doon?"
"Matulog ka na, Dani," paiwas na sagot nito.
"Hindi ka makakapagsinungaling sa akin, Gabriel. Una, dahil isa kang anghel. Pangalawa, dahil iba ang sinasabi ng mga kilos mo," aniya.
Sinalubong ni Gabriel ang tingin niya.
"Ang sabi ko matulog ka na,"
Umiling si Dani. "Hindi. Hindi ako aalis hangga't hindi ako naliliwanagan sa nararamdaman ko,"
"Nakikiusap ako, tigilan mo 'to," saway ni Gabriel sa kanya.
Hinawakan ni Dani ang magkabilang pisngi nito. Bumalik sa kanyang isipan ang gabi kung saan naganap ang unang halik nila sa isa't isa. Kahit walang sinabi si Gabriel matapos iyon, ramdam niya sa bawat halik nito, sa bawat galaw ng labi nito. Sa init at higpit ng yakap nito sa kanya. Higit pa sa isang misyon ang lahat ng mayroon sila ni Gabriel. Alam niyang may nararamdaman din ito para sa kanya.
"Dani..."
Inipon niya ang lahat ng lakas ng loob sa kanyang dibdib, pagkatapos ay kinabig ito palapit. Sinalubong niya ito ng isang halik, hinintay niyang itulak siya nito palayo pero hindi kumilos si Gabriel. Pinikit niya ang mga mata, kasabay ng paggalaw ng mga labi niya. Nagdiwang si Danielle ng maramdaman ang pagganti ng halik nito, lalo na ng yakapin siya nito. Ang simpleng halik na iyon ay mas umaalab sa paglipas ng bawat sandali. Mas nagiging mainit at mas lumalalim, ramdam niya sa bawat galaw ng labi nito, tama ang sinasabi ng puso niya. Mahal din siya ni Gabriel. Hanggang sa naramdaman niyang bigla itong huminto. Pagkatapos ay tumayo at tumalikod sa kanya.

YOU ARE READING
The Messenger's Trilogy Book 3: A Date With An Angel
Fantasy"Sapat ng patunay na bumalik ka mula sa langit para ipagpatuloy ang buhay kasama ako." Teaser: Ako si Gabriel, ang anghel na may taglay na kapangyarihan para magpagaling. Minsan sa buhay ko, naranasan ko ng umibig sa isang kaibigan kong anghel. Pe...