TATLONG BUWAN na ang nakakalipas simula ng maipasa ni Dani ang nobela niya kay Sir Mac. Pina-revise pa sa kanya ng kaunti ang nobela niya bago pa iyon na-approve. Sinabi pa nito na ipa-priority ang kuwento niya at babalitaan na lang siya kung kailan ang release nito.
Lunes, apat na araw bago ang release ng libro niya sa bookstores nang makatanggap pa siya ng tawag galing kay Sir Mac. Binalita nito sa kanya na ilalabas na nga ang libro, simula noon ay hindi na siya natahimik. Napuno na siya ng takot at pangamba. Matagal na rin ang lumipas mula noon huling may na-release siyang libro. Pakiramdam niya ay tuluyan na siyang nakalimutan ng mga tao.
Hanggang sa dumating na nga araw ng release ng libro niya. Humugot ng malalim na hininga si Dani habang walang tigil ang paglalakad niya sa sala habang panay ang sulyap niya sa laptop at cellphone. Muntik na siyang mapasigaw ng pagharap at biglang sumulpot si Gabriel kaya napaatras tuloy siya.
"Nanggugulat ka na naman ah!" asik niya dito.
Marahan lang natawa ang binata. "Bakit ka ba hindi mapakali? Nag-aalala ka sa libro mo?"
Huminga na naman siya ng malalim. "Eh siyempre, isang taon mahigit ako nahinto sa pagsusulat dahil sa nangyari sa akin. Hindi ko alam kung tatanggapin pa ba ako ng mga readers ko noon. Siyempre, alam nila ang nangyari noon," sabi pa niya.
Hinawakan siya ni Gabriel sa magkabilang balikat saka ginawaran siya ng magandang ngiti.
"Hindi ka dapat kabahan, dahil nakakasiguro ako, magugustuhan ng mga tao ang kuwento mo," wika nito.
Napangiti si Dani, sa isang iglap ay nawala ang kaba niya. Nagtaka siya ng tumingin ito sa cellphone niya at kinuha iyon saka inabot sa kanya.
"Ihanda mo na ang sarili mo, tatawag na sa'yo ang boss mo," sabi ni Gabriel.
Bago pa siya makasagot ay nag-ring nga ang phone niya. Napapitlag pa siya sa gulat.
"Ang galing," manghang sabi niya.
Ilang buwan nang nananatili doon si Gabriel. Kahit na madalas niyang nakikita ang kung paano ito magpakita ng paggamit ng kapangyarihan. May mga pagkakataon na hindi pa rin niya maiwasan na mamangha gaya ngayon.
"Sagutin mo na, may good news siya sa'yo," anito.
Sinunod niya ang sinabi ni Gabriel. Pagpindot niya ng answer button, isang masiglang tinig ni Sir Mac ang bumungad sa kanya.
"Hello, Sir,"
"Dani, good news!"
"Ano po ang nangyari, Sir?"
"Amazing! Kaninang umaga lang nilabas sa bookstores ang libro mo. Pahapon pa lang pero ubos na agad ang first batch copies na pinadala natin, and take note! Marami pa ang naghahanap," sagot nito.
Napaawang ang labi niya at natakpan iyon sa gulat sa narinig.
"Totoo po ba 'yang sinabi mo?"
"Totoo ito, Dani! Totoong-totoo! Ngayon ako nakakasiguro na na-miss ka ng mga readers mo. Nakarating din sa amin ang balita na may mga tao na na-curious sa libro dahil sa nangyari sa'yo noon. On a brighter side, aminin natin na nakatulong iyon," paliwanag ni Sir Mac.
Naluha si Dani sa sobrang tuwa. Bilang isang manunulat, isang kasiyahan para sa kanya na magustuhan ng mga tao ang libro niya, bonus na lang kapag bumenta iyon.
"Ihanda mo ang sarili mo, Dani. Siguradong dadagsain ka ng mga tao sa booksigning mo," sabi pa ni Sir Mac.
"Si-sige po," sagot niya.

ANDA SEDANG MEMBACA
The Messenger's Trilogy Book 3: A Date With An Angel
Fantasi"Sapat ng patunay na bumalik ka mula sa langit para ipagpatuloy ang buhay kasama ako." Teaser: Ako si Gabriel, ang anghel na may taglay na kapangyarihan para magpagaling. Minsan sa buhay ko, naranasan ko ng umibig sa isang kaibigan kong anghel. Pe...