Chapter 28

72 9 0
                                        

NAPAKUNOT noo si Dani paglabas niya ng kuwarto, matapos niyang maabutan ang isang pumpon ng bulaklak na nakapatong sa ibabaw ng sofa. Agad siyang napangiti saka lumingon sa paligid.

"Gabriel," tawag niya sa asawa.

Hinanap niya ito sa paligid pero wala naman kahit saan.

"Nasaan na kaya 'yon? Baka kaya na ulit niyang mag-teleport," sabi pa niya.

Bigla siyang napahiyaw ng hawakan siya nito sa beywang. Kaya napalo niya ito ng braso.

"Huwag ka nga nanggugulat," saway niya.

Tumawa lang si Gabriel.

"Saan ka sumuot? Akala ko ba wala ka ng kapangyarihan?"

"Wala na nga, nandoon lang ako sa likod ng kurtina nagtatago," sabi pa niya.

Natatawang kinurot niya ito sa tagiliran.

"Aray ko," daing nito.

"Hindi pa rin ako makapaniwala na naririnig kitang umaaray, dati kahit suntukin kita sa braso balewala," sabi pa niya.

Bahagya pang nagulat si Dani ng bigla siya nitong yakapin ng mahigpit.

"Happy Birthday," bulong nito.

Napangiti si Dani saka gumanti ng yakap sa asawa. "Thank you," sagot niya.

Lumayo ito saka kinuha ang bulaklak at binigay sa kanya.

"Pasensiya ka na, hindi na kita mabibigyan sa ngayon ng kasing-ganda ng bulaklak na binigay ko sayo noon. Dito, malalanta ang mga ibibigay ko," anito.

Dani held his face and kiss him.

"It doesn't matter; I appreciate these flowers. Maniwala ka, masaya ako dito malanta man 'to o hindi. Pero mas masaya ako dahil tinupad ng Panginoon ang dasal ko sa kanya. Ang makasama ka," sagot niya.

"Masaya ka ba?" tanong pa ni Gabriel.

Pinakatitigan niya ang mukha ng asawa at kinintalan ito halik sa labi.

"Dalawang buwan na ang nakakalipas simula ng bumalik ka, simula noon, wala akong matandaan na hindi ako naging masaya. Sa sobrang saya ko nga, hindi ko namalayan ang paglipas ng mga araw. Hindi rin namalayan na birthday ko na. May mga nagiging pagtatalo tayo, pero sabi nga ni Tita Cora kasama sa buhay may asawa 'yon. Pero hindi ibig sabihin no'n ay nabawasan na ang nararamdaman ko. Ako na ang pinakamasayang babae nung gabing bumalik ka," sagot niya.

Ngumiti sa kanya si Gabriel. "Mahal na mahal kita, Dani," wika nito.

"Mahal na mahal din kita," sagot niya.

"Mamaya, sabi nila Tita Cora magkakaroon daw tayo ng konting celebration. Sayang, hindi makakaabot sila Michael. Bukas pa daw sila makakauwi ni Lilianne, dadaan daw siya dito," ani Gabriel.

"Sayang naman, may booksigning ako bukas pero uuwi ako agad para maabutan ko siya. May gusto din kasi akong itanong tungkol sa tatay ko," aniya.

"Gusto mo samahan kita?" tanong pa nito.

"Hindi na, ako na ang bahala. Baka dumating sila Michael dito wala siyang maabutan," tanggi niya.

"O sige, tutal marunong naman na akong gumamit nitong cellphone... tawagan mo na lang ako bukas kapag pauwi ka na," sagot ni Gabriel.

"Okay," sang-ayon niya.

The Messenger's Trilogy Book 3: A Date With An AngelWhere stories live. Discover now