Chapter 20

75 7 0
                                        

"GABRIEL..."

Napaangat ng ulo ni Gabriel, kasabay ng biglang pagkabog ng malakas ng kanyang dibdib. Sa paglipas ng bawat segundo ay lalong lumalakas ang kaba niya.

"Si Dani," aniya.

Lumingon sa kanya si Rachel.

"Bakit? May problema ba?" tanong nito habang naghahanda ng pagkain.

Tumayo si Gabriel saka napalingon sa labas.

"Si Dani, naririnig ko siya," sagot niya.

Agad siyang tumalikod saka nagmamadaling naglakad patungo sa pinto. Napahinto siya ng humarang si Rachel sa daraanan niya. Matapos nilang magtalo ni Dani kanina, sa unang pagkakataon, umagos ang luha mula sa mata niya. Minsan na siyang nakaramdam ng kalungkutan noong piliin ni Rachel ang maging tao. Pero ang kakaibang sakit na iyon sa kanyang dibdib, kanina lang naramdaman ni Gabriel iyon. Ayon kay Rachel, kapag nagmamahal ka, kasama sa nararamdaman ng mga tao ang sakit.

Labis siyang nasaktan, hindi niya akalain na kayang sabihin ni Dani ang mga iyon sa kanya. Kaya nang makaalis si Dani, minabuti na lang niya na umalis. Pupunta dapat siya kay Michael, pero naroon pa pala si Rachel. Niyaya siya nitong doon muna sa bahay nito. Dahil magulo ang isip niya kaya pumayag siya, pero kahit kasama niya ito, walang ibang nasa kanyang isip kung hindi si Dani. Buong araw siyang nag-aalala, gusto niyang sundan ito pero kailangan niyang pagbigyan ang dalaga.

"Pinaalis ka na niya, di ba? Bakit mo pa siya pupuntahan?" tanong ni Rachel.

"Kailangan ako ni Dani, nararamdaman ko nasa panganib siya!" giit niya.

"Hindi mo na siya puwedeng balikan, Gabriel!"

"Puwede ko siyang balikan kung kailan ko gusto! Siya pa rin ang misyon ko at kahit na ipagtabuyan niya ako, tungkulin ko pa rin na bantayan siya!"

"Ang tungkulin mo o dahil hindi mo siya kayang iwan dahil mahal mo siya!"

Hindi nakakibo si Gabriel.

"Gabriel, kapag bumalik ka sa kanya. Baka hindi mo na mapigilan ang damdamin mo. Baka mamaya lumabas sa bibig mo na—"

"Na mahal ko siya? Na mahal ko si Dani? Na nagmamahal ako ng ordinaryong tao?" putol niya sa sinasabi nito.

"Gabriel!" saway nito.

Napahawak sa dibdib niya ng bigla siyang mahirapan huminga. Pakiramdam niya ay parang may nabawasan sa kapangyarihan niya.

"Tingnan mo na ang ginawa mo?! Alam mo na iyan ang mangyayari sa'yo!"

Makailang beses huminga ng malalim si Gabriel. Napangiwi siya ng lalong sumakit ang dibdib niya kaya napasigaw siya.

"Gabriel," umiiyak na wika ni Rachel, saka agad siyang inalalayan.

"Tulungan... tulungan n'yo ko..." wika ng tinig ni Dani sa kanyang isip.

"Dani... hintayin mo... ako..." sabi pa niya.

"Please, huwag ka ng bumalik doon..." pakiusap ni Rachel.

Tiningnan niya ito saka ngumiti. "Mahal na mahal ko si Dani, kung ano man ang mangyari sa akin kapalit ng pagmamahal ko na ito para sa kanya. Hinding-hindi ko iyon pagsisisihan, dahil nagmahal ako ng isang taong may mabuting kalooban, isang babaeng nagdala sa akin sa mundo kung saan hindi ko akalain na mas magiging masaya ako. Siya na ang mundo ko ngayon, Rachel. Ayokong mawala si Dani sa buhay ko," sagot niya.

The Messenger's Trilogy Book 3: A Date With An AngelWhere stories live. Discover now