Chapter 23

74 6 0
                                        

"ANG SABI nila, honeymoon daw ang tawag sa unang gabi ng bagong kasal. Iyon na yata ang pinakamasayang gabi ng buhay ko, ang makasama ko si Dani sa mga ganitong pagkakataon. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong klase ng saya, at hindi ko ito ipagpapalit sa kahit na ano," wika ni Gabriel sa kanyang isip.

"Gabriel!" narinig niyang tawag ng asawa, nasa loob ito ng banyo at kasalukuyan naliligo. Papasikat pa lang ang araw ng magising si Dani, matapos nitong maalimpungatan at wala siya sa tabi nito. Hindi naman kasi siya natulog, sa gabi kapag kasalukuyang nahihimbing ang mga tao. Silang mga anghel ay gising at abala sa pagbabantay.

Buong magdamag siyang gising, hindi lang para bantayan si Dani, kundi dahil kaysarap pagmasdan ang magandang mukha ng asawa. Para itong anghel kung matulog, tuloy kapag hindi niya napipigilan ang sarili ay numanakaw siya ng halik mula dito. Hindi na siya nagtataka kung paano nabihag nito ang puso niya na hindi naniniwala na possible at totoo ang pag-iibigan ng tao at anghel. Aaminin ni Gabriel, hindi na niya makita ang sarili na hindi ito kasama.

"Oh?"

"May sinasabi ka ba?" tanong nito.

Napakunot-noo siya. Hindi naman niya sinasatinig ang mga nasa isip.

"Nababasa n'ya nasa isip ko? Imposible, anghel lang ang may kakayahan na gumawa no'n. Maliban na lang kung—"

Hindi na naituloy ni Gabriel ang sinasabi ng biglang sumakit ang dibdib niya na parang siyang sinaksak doon. Unti-unti ay nararamdaman niya ang panghihina ng kapangyarihan, kasabay ng panghihina ng pisikal na pangangatawan niya. Napaluhod si Gabriel sa semento, habang mabilis na habol ang bawat paghinga.

"Gabriel..." narinig niyang tawag ulit ni Dani.

Naluluha na tumingin siya gawi ng pinto ng banyo.

"Huwag ka munang lalabas, Dani," pabulong na wika niya.

Napapikit ng mariin si Gabriel ng tumindi ang sakit na nararamdaman. Pagdilat ay bigla siyang natigilan, matapos mawala sa kanyang paningin ang braso niya. Pagtingin niya sa sarili at unti-unting nawawala ang pisikal na katawan niya. Biglang naalala ni Gabriel ang huling sinabi sa kanya ng Supremo ng magpaalam at sabihin ang napagdesisyunan na pakasalan si Dani.

"Nakakasiguro ka na ba sa desisyon mo, Gabriel?" tanong ni Supremo.

Matapos kausapin ang Tita Cora ni Dani, agad siyang pumunta kay Michael para sabihin ang totoo. Doon habang nag-uusap sila ay muling nagpakita ang Supremo, dito niya sinabi ang totoo tungkol sa nararamdaman niya kay Dani. Humingi siya ng tawad dahil sa paglabag niya sa mahigpit na bilin nito. Buong akala niya ay mapapagalitan o mapaparusahan siya dahil sa pagsuway sa utos. Pero ang nakakapagtaka, hindi nagalit ang Supremo, sa halip ay pumayag ito.

"Opo, mahal na Supremo. Mahal na mahal ko po si Dani, nakahanda akong pagdaanan ang lahat ng proseso, nakahanda po akong bitiwan ang pagiging anghel ko para maging ordinaryong tao at makapiling ko siya. Malaki po ang tiwala ko sa Panginoon na kung ano man ang haharapin naghihintay sa akin dito sa mundo ay malalagpasan ko dahil sa pagmamahal namin sa isa't isa. Nakahanda po akong pakasalan siya bukas na bukas din," paliwanag niya.

Ngumiti sa kanya si Supremo. Nakikita niya sa mga mata nito ang tuwa, pero tila may halong lungkot iyon.

"Pinahanga mo ako, Gabriel. Ikaw ang pinakahuling anghel ang inaasahan ko na gagawa ng isang malaking desisyon gaya nito. Isa lang ang ipapakiusap ko sa'yo. Kung ano man ang mangyayari sa mga susunod na araw, siguraduhin mong matatag ang kalooban mo. Kung ako ang tatanungin mo, tutol ako sa nagmamahalan n'yo, pero nakikita ko na masaya si Dani na kasama ka. Ayokong maging hadlang sa kung ano o sino ang makakapagpasaya sa kanya," sagot nito.

The Messenger's Trilogy Book 3: A Date With An AngelWhere stories live. Discover now