"GUMISING ka, nakikiusap ako!" umiiyak na wika ni Gabriel habang panay ang tapik niya sa pisngi ni Dani. Ngunit nananatiling nakapikit ang mga mata nito. Hindi na ito gumagalaw, hindi na rin niya nararamdaman ang tibok ng puso nito. Wala na rin ang init sa mga palad nito.
Umiiyak na tumingin siya kay Luisa ng sumugod ito sa lalaking bumaril sa asawa.
"Walanghiya ka! Papatayin din kita!" nahihiterikal na sigaw nito habang sunod-sunod nitong sinampal ang lalaki. Inawat ito ng mga kapitbahay. Nang mga sandaling iyon ay bugbog sarado na ito ng mga kapitbahay at kadarating lang ng pulis at hinuli na ito. Hindi niya nakakalimutan ang mukha ng lalaki iyon, siya ang stalker ni Dani. Ang tagahanga na obsess sa kanyang asawa.
Ngunit wala na siyang panahon para magalit o kamuhian ito. Wala siyang oras para harapin ito, mas importante sa kanya si Dani. Natigilan si Gabriel ng mapansin ang hawak ni Dani sa kabilang kamay. Napatingin siya kay Luisa ng lumapit ulit ito.
"Ano 'to, Luisa?"
Humagulgol ng iyak si Luisa, habang nakasubsob sa wala ng buhay na katawan ni Dani.
"Iyan sana ang sorpresa niya sa'yo. Galing kami sa doctor, dalawang buwan na siyang buntis," sagot nito, sa pagitan ng bawat hikbi.
Lalong umagos ang luha niya, saka nilapat ang kamay sa tiyan nito, pagkatapos ay niyakap ang katawan ni Dani.
"Dani!" umiiyak na sigaw niya.
Mayamaya ay natigilan siya ng mula sa katawan ni Dani ay lumabas ang kaluluwa nito.
"Dani," bulong niya.
Nang tumingin ito sa kanya at umaagos na ang luha sa mga mata nito. Sa kanyang isipan, narinig niya ang tinig ng asawa.
"Gabriel, patawarin mo ako. Kailangan ko ng umalis, I'm sorry kung kailangan kitang iwan," wika ni Dani.
Sunud-sunod siyang umiling. "Hindi, bumalik ka sa akin. Kailangan kita, hindi ko kayang wala ka," pakiusap niya.
Bumaba ito sa lupa at naupo sa harapan niya saka hinaplos ang kanyang pisngi. Pagkatapos ay hinalikan siya sa labi.
"Ikaw ang pinakamamahal ko, Gabriel. Hanggang sa muli," sagot ni Dani. Lalo siyang napaiyak sa narinig mula kay Dani.
Nang umangat ang paa nito sa lupa, sa mismong harapan niya ay nagbago ang anyo nito. Binalot ito ng nakakasilaw na puting liwanag, nang lumamlam ang ilaw na iyon, kulay puti na ang suot na damit ni Dani at may pakpak na ito. Iyon na marahil ang araw na sinasabi ni Michael. Ganap ng anghel si Dani, ngunit kapalit niyon ay kailangan siyang iwan nito. Wala na siyang nagawa kung hindi ang sundan ito ng tingin ng lumipad paakyat sa langit. Habang siya, naiwan doon sa mundo na gaya na ng pangkaraniwang tao, puno ng sakit at bigat ang kalooban dahil sa pagpanaw ng asawa.
"SIGURADO ka bang okay ka lang dito?" tanong pa ni Luisa.
Marahan siyang tumango saka malungkot na ngumiti. Bago lumabas ay niyakap siya ng mahigpit ni Tita Cora. Katatapos lang ng libing ni Dani, mula sa sementeryo ay sinamahan siya sa bahay ng mga malalapit na tao sa buhay nilang mag-asawa. Ayaw pa sana niyang umalis sa puntod nito pero ayaw siyang iwan ng mga kasama. Hanggang sa mga sandaling iyon, parang wala pa rin totoo sa lahat ng pangyayaring iyon. Parang isang masamang panaginip.

STAI LEGGENDO
The Messenger's Trilogy Book 3: A Date With An Angel
Fantasy"Sapat ng patunay na bumalik ka mula sa langit para ipagpatuloy ang buhay kasama ako." Teaser: Ako si Gabriel, ang anghel na may taglay na kapangyarihan para magpagaling. Minsan sa buhay ko, naranasan ko ng umibig sa isang kaibigan kong anghel. Pe...