Chapter 17

72 8 0
                                        

"DANI," tawag ni Gabriel sa dalaga.

Magta-tatlumpung minuto na simula ng malaman nito ang masamang balita. Doon lang din napag-alaman ni Gabriel na isang taon na ang nakakalipas ng pumanaw ang dating matalik na kaibigan ni Dani na si John, ang ordinaryong tao na minahal ni Rachel. Hindi niya akalain na ang lalaking iyon ay ang siya naman naging unang nobyo at minahal noon ni Dani. Si John ang lalaking naging dahilan kung bakit tinalikuran ni Rachel ang pagiging anghel. Ang babaeng minsan sa kanyang buhay ay naging espesyal sa kanya.

"Anong nangyari sa kanya?" umiiyak na tanong ni Dani.

"Namatay siya sa aksidente, naglalakad na siya pauwi nang madamay siya sa isang banggaan ng mga sasakyan. Nawalan ng control ang isa sa mga sasakyan na nabangga at dumiretso iyon sa mismong nilalakaran niya. Dead on arrival siya pagdating sa ospital," umiiyak din na sagot ni Rachel.

Napatingin si Gabriel kay Dani ng takpan nito ang mukha at doon umiyak. Ramdam niya ang sakit na nararamdaman nito dulot ng masamang balitang iyon. Agad niya itong nilapitan saka niyakap. Nakita ni Gabriel kung paano magtaka si Rachel sa kinilos niya.

"I'm sorry, John. Hindi ko alam," humahagulgol na sabi ni Dani.

"Bukod kay John, ikaw lang ang kilala ko na naging malapit sa kanya bukod ang pamilya niya, Dani. Gusto kitang puntahan pero ng panahon na iyon ay nabalitaan ko sa TV ang nangyari sa'yo at sa Mama mo. Ayokong makadagdag sa bigat ng pinagdaraanan mo dahil nakita ko kung gaano kayo kalapit ni John. Pero simula ng maging tao ako, nalimitahan na ang kakayahan ko, wala rin akong maitutulong sa'yo," sabi pa ni Rachel.

"Sorry kung sa ganito mo kailangan malaman ang nangyari sa kanya," dagdag pa nito.

Mayamaya ay napaiyak na naman si Rachel.

"Kung alam ko lang na mawawala din pala siya dito. Sana nagtiis na lang ako, sana natuto na lang akong maghintay sa kanya. Pakiramdam ko, nauwi sa wala ang lahat ng sinakripisyo ko. Kung puwede ko lang ibalik ang nakaraan," bulalas nito.

Matalim na tiningnan ito ni Dani.

"Sa ilang taon na nakasama mo si John, hindi ka ba naging masaya? Hindi ka ba naka-ipon ng magandang alaala kasama siya? Para masabi mo na kahit nawala siya sa'yo ay sapat nang dahilan iyon para ipagpatuloy ang buhay mo dito. Hindi ba anghel ka? Ikaw ang dapat ang unang nakakaalam no'n, ikaw dapat ang unang hindi panghihinaan ng loob. Huwag mong iparamdam sa akin na nagsisisi ka na minahal mo ang kaibigan ko!" galit na sagot nito.

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin, Dani!" depensa ni Rachel.

"Pero iyon ang dating ng sinabi mo," mabilis na sagot nito.

"Tigilan n'yo na 'yan! Walang patutunguhan ang away n'yong dalawa, kaya tumahimik kayo," saway ni Gabriel.

"Umuwi na tayo, Gabriel," yaya sa kanya ni Dani.

Malungkot na tiningnan niya ang dating kaibigan. Nalulungkot siya sa masakit na resulta ng pag-ibig nito. Kung may magagawa lang siya para dito.

"Sige, mauna na kami," paalam niya.

Nakatalikod na siya nang maramdaman niyang hinawakan siya sa kamay ni Rachel.

"Gabriel, sandali lang," habol nito.

Napahinto sila at agad napatingin sa kamay niya na hawak ni Rachel. Kaya pasimple niyang binawi ang kamay.

"Magkikita pa naman tayo, di ba? Puntahan mo ako sa bahay, alam kong mahahanap mo ako. Hihintayin kita, wala akong kaibigan dito. Pero ngayon na nandito ka, kahit paano ay napanatag ang loob ko," sabi pa nito.

The Messenger's Trilogy Book 3: A Date With An AngelWhere stories live. Discover now