NAGTATAKANG lumingon si Dani sa paligid, nang paglabas niya ng umaga na iyon mula sa kuwarto ay walang Gabriel na bumungad sa kanya. Simula ng dumating ito sa doon sa bahay niya, nasanay na siya na kahit paano na paglabas niya ay ang nakangiting binata agad ang makikita.
"Nasaan na naman 'yon?" tanong pa niya.
Napakamot sa batok si Dani. "Parang nawiwili yata ang isang 'yon na umalis ng hindi nagpapaalam ah," puna niya.
Napatango-tango na lang siya ng mapansin na malinis na naman ang buong bahay. Hindi lang niya sigurado kung ito mismo ang naglilinis o ginagamitan ng kapangyarihan nito. Pero kahit alin sa dalawa, laking pasalamat pa rin niya.
"Ah baka nasa labas lang 'yon," sabi pa niya saka agad na lumabas ng bakuran.
Pero pagdating doon ay wala pa rin siyang Gabriel na nadatnan. Lumingon siya paligid baka lumilipad-lipad lang ito sa paligid, pero wala kahit ang anino nito. Nawala sa binata ang isip niya ng dumaan si Luisa.
"Hoy babae!" angil nito sa kanya.
Kunot-noo niyang sinundan ito ng tingin hanggang sa makapasok ito sa loob ng bakuran niya.
"Bakit parang ang init ng ulo mo?" tanong pa niya.
"Nagtatampo kasi ako sa'yo," sagot ni Luisa.
"Bakit naman? Anong ginawa ko?"
"May hindi ka sinasabi sa akin,"
Napakamot siya sa pisngi habang nag-iisip.
"Wala akong maalala na hindi ko sinabi sa'yo," depensa niya.
Lumapit ito ng husto sa kanya saka bumulong.
"Sino 'yong nababalitaan ko na Gabriel na sinasabi ng mga tsismosang kapitbahay natin dito?" tanong pa ni Luisa.
Natawa siya, saka pabirong hinampas ang kaibigan sa braso.
"Akala ko naman kung ano! Ang drama mo eh, may patampo-tampo ka pang nalalaman," sabi niya.
"Eh sino nga 'yon? Bakit hindi mo sinasabi sa akin?"
Pero bago siya nakasagot, natigilan si Dani ng makita ang duyan na nasa ilalim ng puno ng mangga. Wala sa loob na napangiti siya saka nilapitan iyon, hinawakan pa niya ang duyan at sinubukan hilahin para i-check kung matibay ang pagkakakabit niyon.
"Hoy, ano na?" untag nito sa kanya.
Naupo siya doon, saka tiningnan ang kaibigan.
"Si Gabriel, ninang nga niya si Mama. Lumuwas siya dito para maghanap ng trabaho, galing siya sa probinsya. Kaya habang wala pa siyang mahanap, dito muna siya sa bahay nakatira, okay?"
Humalukipkip si Luisa. "Bakit sabi nila boyfriend mo daw? Sabi pa nga nagli-live in kayo,"
Napailing na lang si Dani. "Don't tell me naniniwala ka? Kilala mo naman ako," sagot niya.
Bumuntong-hininga si Luisa saka tumingin sa kanya.
"Pero girl, balita ko ang guwapo daw? Kaya nagtatampo ako sa'yo eh, ang guwapo pero hindi mo pinapakilala," sabi pa nito.
Natawa si Dani. "Kasalanan ko ba kung hindi ka nagpupunta dito? Busy ka sa trabaho mo, anong magagawa ko?"
"Basta, ipakilala mo ako sa kanya ha? As soon as possible!"

YOU ARE READING
The Messenger's Trilogy Book 3: A Date With An Angel
Fantasy"Sapat ng patunay na bumalik ka mula sa langit para ipagpatuloy ang buhay kasama ako." Teaser: Ako si Gabriel, ang anghel na may taglay na kapangyarihan para magpagaling. Minsan sa buhay ko, naranasan ko ng umibig sa isang kaibigan kong anghel. Pe...