Chapter 25

75 8 0
                                        

"ANAK..."

Dumilat siya matapos marinig ang pamilyar at malamyos na tinig na iyon.

"Mama," bulong niya saka mabilis na bumangon.

Nagmamadali siyang lumabas ng kuwarto, agad siyang napangiti ng makita ang maamo at magandang mukha ng ina. Naroon ito sa sofa at nakaupo, nakasuot ito ng kulay puti at hanggang tuhod na damit. Mabilis siyang napaluha dahil sa labis na saya matapos makita ang Mama niya. Tumakbo siya palapit dito saka niyakap ng mahigpit.

"Mama, I miss you so much," umiiyak na wika niya saka tiningnan ang ina.

"Ako rin anak, miss na miss kita," wika nito.

"Mabuti po at dinalaw n'yo na ako," sagot niya.

Imbes na sumagot, lumingon ito sa may bintana, malapit sa computer table niya. Doon nakatayo sa gilid ang isang lalaking anghel at tila may edad na ito. Napakunot noo siya, nakita na niya ito minsan doon sa kasal nila ni Gabriel. Ito ang anghel na nagkasal sa kanila.

"Mama, bakit po kasama n'yo siya?"

"Anak... ihanda mo ang sarili mo..." sa halip ay sagot nito.

"Anong ibig n'yong sabihin?"

Hindi na sumagot pa ang kanyang ina. Sa halip ay ngumiti na lang ito sa kanya. Pagkatapos ay bigla itong naglaho sa harap niya, maging ang kasama nitong anghel.

"Ma? Mama... mama!"

"Mama!" malakas na sigaw niya sabay balikwas ng bangon, habang habol ang hininga.

Napahawak siya sa dibdib sabay lingon sa paligid. Panaginip lang pala. Napapikit si Dani sabay hinga ng malalim. Pinilig niya ang ulo saka muling binagsak ang katawan sa kama.

"Bakit kaya nagpakita si Mama sa panaginip ko?" tanong pa niya sa sarili.

"Siya itong nagsabi na hindi totoo na bumabalik ang kaluluwa ng mga namatay na. Mama, ikaw ba talaga 'yon?"

"Baka namiss ko lang din siya," dugtong niya.

Pagsilip niya sa bintana, noon lang napansin ni Dani na madilim na pala sa labas. Nang tingnan ang oras ay pasado alas-otso na ng gabi, kaya bumangon na siya ulit para kumain ng gabihan.

Pagbukas ni Dani ng pinto ng silid, bigla siyang natigilan matapos mapansin ang isang maliit na bagay na nasa ibabaw ng mesa. Hindi siya sigurado kung silver or gold, pero nakakapagtaka na kuminang iyon na para bang sadyang kinuha nito ang atensiyon niya. Nang lapitan ni Dani iyon, nanlaki ang mata niya matapos damputin at makilala ang bagay na iyon. Hindi siya maaaring magkamali, iyon ang wedding ring nila ni Gabriel.

Nang umalis ang asawa, sinadya nitong huwag hubarin ang singsing para kahit malayo ito ay palagi siyang maalala nito. Nang tingnan niya ang kamay ay nakasuot naman din ang singsing niya. Anong ginagawa ng singsing na iyon doon?

Nangilid ang luha niya, iisa lang ang ibig sabihin niyon...

"Danielle..."



NATULALA si Dani matapos marinig ang pamilyar na baritonong tinig na iyon. Natakpan niya ang bibig habang mabilis na umagos ang luha mula sa kanyang mga mata. Bumilis ang pintig ng puso niya na parang sasabog ano man oras. Panaginip lang ba ito? Dahil ba sobrang nami-miss na ang asawa kaya naririnig niya ang boses nito.

"Dani..."

Muling kumabog ng malakas ang dibdib niya, bakit parang kaylapit nito sa kanya?

"Gabriel?"

Nang hindi makatiis ay saka niya inangat ang ulo sabay lingon sa bandang likuran niya. Muling natulala si Dani, dahil nakatayo sa harapan ang sagot sa kanyang panalangin kanina. Humakbang siya palapit dito, ganon din si Gabriel. Nang makita na niya ito ng malapitan ay lalong bumuhos ang emosyon ni Dani. Agad niyang niyakap ang asawa.

"Bumalik ka..." umiiyak na wika niya.

"Hindi na ako aalis, simula sa araw na ito ay hindi na tayo magkakahiwalay. Magsasama na tayo habang buhay," sagot ni Gabriel.

Napapikit si Dani ng maramdaman ang mahigpit nitong yakap. How she missed those arms around her, how she missed his scent, and how she missed the way he mentioned her name.

"Sabihin mong hindi panaginip lahat ng ito," sabi pa niya habang umiiyak.

Bahagya siyang nilayo ni Gabriel saka marahan hinawakan ang magkabilang pisngi niya. Pagkatapos ay siniil siya ng mariin na halik sa labi. Awtomatikong pumikit siya saka gumanti ng halik. Those lips, and the taste of his kisses.

Mayamaya ay huminto ito. "Kumbinsido ka na ba na hindi ito panaginip?" tanong pa nito.

Niyakap ni Dani ang dalawang braso sa batok ng asawa, pagkatapos ay binuhat siya nito.

"No, prove to me more..." paanas na sagot niya, saka agad na hinalikan si Gabriel.

Hindi nagbibitiw ang mga labi na naglakad si Gabriel, nararamdaman na lang ni Dani na hiniga siya nito sa ibabaw ng mesa. Napaawang ang labi niya ng bumaba ang halik nito sa leeg niya, hanggang sa dibdib.

"I've missed you," bulong niya.

"Ako rin, sobrang miss na miss kita," sagot ni Gabriel, habang patuloy nitong hinuhubad ang damit na suot niya. Nang tingnan ni Dani ang asawa ay wala na rin itong suot. Bumangon siya para matitigan ng husto ang mukha nito.

Umangat ang kamay niya at hinaplos ang mukha nito, pagkatapos ay ang matipunong dibdib nito pababa sa tiyan. Then, she looked at him once again.

"Talaga bang hindi ka na aalis?" tanong pa niya.

Ngumiti ito sa kanya saka marahan umiling. Muli nitong hinawakan ang mga pisngi niya.

"Hindi na, pangako. Kaya dito ka lang sa tabi ko, huwag kang aalis. Ako na ang bahala sa'yo simula ngayon. Bubuo tayo ng pamilya, magkakasama tayo ng mahabang panahon at sabay tayong papanaw sa mundo," sagot nito, pagkatapos ay muli siyang ginawaran ng mas mainit at mas mapusok na halik.

Nang muli siyang buhatin ni Gabriel ay niyapos niya ang dalawang hita sa likod nito saka sila pumasok sa kuwarto. Maingat siyang hiniga nito sa kama at pumaibabaw ito sa kanya. Nagdiwang ang puso ni Dani ng muli niyang maramdaman ang mainit na haplos ni Gabriel sa katawan niya habang tila hindi nagsasawa ang mga labi nito sa labi niya.

"I love you, Gabriel," paanas na wika niya sa pagitan ng mga halik.

"I love you too, Dani."

Sa muling pag-iisa ng kanilang katawan, napuno ng malamyos na tinig nila ang buong silid. Sa bawat pag-angkin nito sa kanya ay ramdam niya ang init ng pagmamahal nito. Makailang beses nilang sinambit ang pangalan ng isa't isa. Pagdating sa huli, sumubsob na lang si Gabriel sa leeg niya habang habol ang hininga.

Nang tingnan nila ang isa't isa ay napangiti na lang sila, napapikit si Dani ng halikan siya ni Gabriel sa noo bago ito bumaba at nahiga sa tabi niya. Then, he embraced her tight.

That moment was magical. Ang gabing iyon kung saan muli na naman sinuko ni Dani ang sarili sa asawa. Tuluyan napawi ang matagal na pangungulila niya, tuluyan natunaw ang takot na baka hindi na bumalik si Gabriel. Ang gabing iyon ang patunay na hindi na niya mararanasan ang mag-isa, dahil araw-araw sa umaga paggising niya. Si Gabriel ang una niyang makikita, ang biyaya na binigay sa kanya ng langit. 

The Messenger's Trilogy Book 3: A Date With An AngelWhere stories live. Discover now