"HOY BESTY! Natutulog ka ba?" narinig niyang untag ni Luisa.
Bigla siyang napadilat saka agad na lumingon sa paligid. Pagtingin niya sa gilid ay nakita ni Dani na nakakunot-noo ang kaibigan habang nakatingin sa kanya.
"Luisa?" naiiyak na wika niya.
"Okay ka lang ba? Pagod ka na yata eh," sabi pa nito.
Bigla niya itong niyakap ng mahigpit. Alam ni Dani na nagtataka ito sa kinilos niya.
"Aba Danielle, ayos ka lang ba? Una, natutulog ka habang naglalakad. Ngayon ay bigla ka naman yayakap, ano bang nangyayari sa'yo?" nagtatakang tanong nito.
Naluluha na kumalas siya sa pagkakayap dito saka ngumiti. "Wala, masaya lang talaga ako," sabi pa niya saka hinimas ang tiyan niya.
Ngumiti ito saka napailing. "Nakakainggit ka talaga, maghahanap na rin ako ng jowa," biro pa nito.
Tinignan muli ni Dani ang pregnancy test na hawak. Yes, according to the doctor. She's eight weeks preganant, iyon daw marahil ang dahilan kaya nahilo at nawalan siya ng malay kahapon. Ang pananakit ng dibdib at kung bakit nahihirapan siyang huminga ay dala marahil ng pagod. Isipin pa lang ni Dani ang magiging reaksiyon ni Gabriel ay nado-doble na ang sayang nararamdaman niya.
Tama ang Mama niya, bumalik siya sa araw kung saan nangyari ang pagbaril sa kanya. Napalingon siya kay Luisa ng huminto ito.
"Ay teka lang, wait lang besty. Hintayin mo ako dito, magpapa-load lang ako. Nagtext 'yong boss ko," wika ni Luisa.
"Sige, dito lang ako," sagot niya. Tumakbo si Luisa sa kalapit na tindahan habang siya ay naroon sa di kalayuan. Nilabas niya ang cellphone para i-text si Gabriel, excited na siyang makita ito ulit. Bigla siyang natigilan ng maalala ang lahat, paglingon ni Dani ay agad niyang nakita si Alex na nasa hindi kalayuan.
Imbes na si Gabriel ang tawagan ay ang numero ng police department ang tinawagan niya. Ni-report ito ni Dani at sinabing ginugulo na naman siya ni Alex at ngayon nga ay nakasunod sa kanya. Eksaktong pagbaba niya ng tawag ay lumapit na ito sa kanya.
"Alex," aniya.
Natigilan ang lalaki, tila nagulat ito na nakilala niya agad ito samantalang medyo malayo pa ang distansiya ni Alex sa kanya.
"Pa-paano mo nalaman na—"
"Alam ko na ang balak mo," sabi pa niya.
Mula sa suot nitong jacket saka tinutok nito iyon sa kanya. Naulit ang lahat ng pangyayari ng gabing iyon, maging ang naging palitan nila ng mga salita.
"Dani!" sigaw ni Luisa.
Lalapit sana ito pero pinigilan niya. "Huwag kang lalapit, Luisa!"
"Pero Dani..."
"Huwag kang lalapit! Baka madamay ka pa, tawagin mo si Gabriel," sagot niya.
"Hindi! Hindi kita iiwan dito!" umiiyak na giit nito.
"I'll be fine. Basta, tawagin mo si Gabriel!"
"Bago ka pa makarating sa Gabriel na iyon, patay na ang kaibigan mo!" galit na sigaw ni Alex.
"Anong ginagawa mo dito?! Hindi ka pa ba nadala sa sinapit mo noon pinasok mo ang bahay ko? Tigilan mo na ang panggugulo sa buhay ko!" matapang na sigaw niya.
"Sinira mo ang buhay ko! Wala naman akong ibang gusto noon kung hindi ang hangaan ka, ang mapansin mo, pero ang damot mo!"
"Hindi na paghanga ang ginawa mo, Alex. Harassment na 'yon!"

ANDA SEDANG MEMBACA
The Messenger's Trilogy Book 3: A Date With An Angel
Fantasi"Sapat ng patunay na bumalik ka mula sa langit para ipagpatuloy ang buhay kasama ako." Teaser: Ako si Gabriel, ang anghel na may taglay na kapangyarihan para magpagaling. Minsan sa buhay ko, naranasan ko ng umibig sa isang kaibigan kong anghel. Pe...