Chapter 9

87 7 0
                                        

"SORRY NA, ito naman oh? Hindi na mabiro," sabi pa ni Gabriel habang patuloy na sinusundan si Dani.

Sinulyapan lang siya nito saka inirapan habang patuloy sa paglalakad.

"Huy Dani,"

"Sabi ng huwag mo akong kausapin eh! Ayoko na naman pagkamalan na baliw!" pagsusuplada nito sa isip.

"Hindi na nga mauulit. Nagbibiro lang naman ako kanina," paliwanag niya.

Bumuntong-hininga lang ang dalaga saka nakahalukipkip na binilisan ang lakad. Pero mabilis niya itong nahabol, nang makalapit at bigla siyang umakbay dito. Natigilan si Dani saka tila natulalang lumingon sa kanya. Sinalubong naman ni Gabriel ng magandang ngiti ito, baka sakaling patawarin na siya nito.

"Ano? Bati na tayo?" tanong pa niya.

Pero gaya kanina ay hindi pa rin siya pinansin nito. Sa halip ay iniwan na naman siya ni Dani kaya hinabol na naman niya ito. Nang makalapit, hinawakan na ni Gabriel ang kamay ng dalaga, dahilan para mapahinto ito. Kapwa sila natigilan dahil sa ginawa niya, at pareho silang napatingin sa kamay nilang magkadaop. Nang salubungin nila ng tingin ang isa't isa, muling naramdaman ni Gabriel ang kakaibang bilis ng kanyang puso.

"Bakit ba ganito ang nararamdaman ko nitong mga nakaraan araw?" tanong niya sa kanyang isipan.

"Sorry na, huwag ka nang magalit sa akin. Hindi ko naman gustong mapahiya ka, gusto lang talaga kitang biruin," seryosong sabi niya saka lalong hinigpitan ang hawak sa kamay nito.

Nang mga sandaling iyon. Pakiramdam ni Gabriel ay ayaw niyang bitiwan pa ito, nagkaroon siya ng kagustuhan na hawakan ang kamay ni Dani sa matagal na pagkakataon.

"Oo nga naman, iha. Patawarin mo na itong nobyo mo, mukhang mahal na mahal ka naman," sabad ng isang matandang babae na nagtitinda ng mga kendi sa tabi ng daan.

Napalingon silang dalawa dito.

"Nakikita n'yo po siya?" nagtatakang tanong nito.

"Ay oo naman! Iyan bang gandang lalaki na iyan ay hindi ko makikita," natatawang sagot ng matanda.

"Ah... sige po..." sagot ni Dani.

"Ano? Narinig mo? Patawarin mo na daw ako sabi ni Nanay," sabi pa niya.

Bumuntong-hininga si Dani saka tumingin sa kanya pagkatapos ay marahan itong tumango. "Huwag mo nang uulitin ha?" nauutal pang sagot nito.

Matapos marinig iyon ay muling gumuhit ang ngiti sa kanyang labi. Marahan pa niyang nahawakan ang isang pisngi nito.

"Pangako!" sagot niya.

Parang may humaplos sa puso ni Gabriel ng sumilay sa wakas ang magandang ngiti ni Danielle.

"Bago tayo umuwi, puwede bang kumain muna tayo? Nagugutom na ako," sabi pa nito.

"Sige," pagpayag niya.

Pumunta sila sa isang mall na nasa hindi kalayuan para doon kumain. Pagpasok nila sa loob ng restaurant, napansin ni Gabriel na natigilan si Dani habang nakatingin sa malaking glass wall.

"Danielle, okay ka lang ba?" tanong pa niya.

Nang lumingon ang dalaga, bakas sa mukha nito ang takot.

"Ayokong maupo sa tabi ng glass wall," sagot nito.

"Sige," pagpayag niya.

Nang makaupo sila ay agad siyang humingi ng isang basong tubig sa waiter at binigay iyon kay Dani.

"Uminom ka muna," aniya.

Sinunod naman siya nito, pagkatapos ay saka ito tila nakahinga ng maluwag.

The Messenger's Trilogy Book 3: A Date With An AngelWhere stories live. Discover now