Chapter 10

88 6 0
                                        

HINDI maipaliwanag ni Gabriel ang nararamdaman sa mga sandaling iyon habang hinihintay niyang lumabas mula sa kuwarto si Dani. Napangiti siya habang ini-imagine ang dalaga, mayamaya, nailapat niya ang palad sa tapat ng kanyang puso.

"Bakit ganon? Parang ang bilis ng pintig ng puso ko?" pabulong na tanong niya sa sarili.

Pakiramdam ni Gabriel sa mga sandaling iyon ay tila hindi na siya makapaghintay na makita ang dalaga. Hindi na siya makapaghintay na dalhin ito sa mga lugar na ni sa panaginip ay hindi nito aakalain na mararating.

Ilang saglit pa ang lumipas, narinig na niyang pumihit ang doorknob kasabay ng pagbukas ng pinto ng silid ni Dani. Paglingon ni Gabriel, agad siyang napatulala ng makita ang dalaga. Ang kaninang mabilis na pintig ng kanyang dibdib ay mas lalong bumilis ng tumambad sa paningin niya kung gaano kaganda si Danielle.

"Hi," tila nahihiyang bati nito sa kanya.

Hindi agad nakasagot si Gabriel habang patuloy siyang nakatulala sa harapan nito. Simple lang ang suot ng dalaga, ngunit lalong tumingkad ang ganda nito. Isang simpleng kulay puti na damit ang suot nito na hanggang tuhod ang haba at at kulay puti na flat sandals. Pagkatapos ay mayroon itong maliit na clip sa buhok. Simple lang din ang make-up nito na siyang bumagay kay Dani.

"Huy," untag ni Dani sa kanya, noon lamang siya natauhan kaya mabilis siyang umiwas ng tingin at tumikhim.

"Okay ka lang ba?" tanong pa nito.

"H-ha? Ah, oo!" nauutal na sagot niya.

"Okay na ba itong ayos ko?" tanong pa nito.

Hindi na napigilan ni Gabriel ang mapangiti saka marahan tumango.

"Sobrang okay," sagot niya.

Muling tumalon ang kanyang puso ng sumilay ang magandang ngiti ni Dani.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong pa nito.

"Basta, akong bahala. Ready ka na ba?"

Sunod-sunod itong tumango.

"Halika na," sagot niya, sabay lahad ng isang palad niya sa harap nito na agad na tinanggap ni Dani.

Napasinghap pa ito ng bigla niyang hilahin palapit sa kanya, kaya napayapos tuloy ito sa beywang niya. Nang akma nitong tatanggalin ang mga kamay ay pinigilan niya si Dani.

"Kumapit ka lang ng mabuti," sagot ni Gabriel.

"B-bakit? Anong gagawin mo?" tila biglang kinabahan nitong tanong.

Ngumiti siya sa dalaga, kasunod ng paglabas ng kanyang pakpak. Marahan siyang natawa ng literal na yumakap ng mahigpit sa kanya si Dani.

"Lilipad tayo?" gulat na tanong nito.

"Dadalhin kita sa mga lugar na hindi mo naisip na mararating mo," sabi pa nito.

Kasunod niyon ay yumakap ang dalawang pakpak niya sa kanilang dalawa at naglaho sila sa loob ng bahay ni Dani.



NAPATILI NG malakas si Dani ng biglang sumulpot sa alapaap. Literal na napayakap siya ng mahigpit kay Gabriel. Nalula siya ng pagtingin niya sa baba ay halos hindi na niya kita ang lupa at sinasalubong na sila ng mga ulap.

"Gabriel! Huwag mo akong bibitiwan!" mangiyak-ngiyak na hiyaw niya, pagkatapos ay sinubsob niya ang mukha sa dibdib nito.

Narinig niyang marahan itong tumawa.

"Tumingin ka sa akin," bulong ni Gabriel.

Sinunod ni Dani ang sinabi nito at sinalubong ang magandang mata ng binata. Naramdaman ni Gabriel ang muling malakas na pagkabog ng kanyang dibdib ng salubungin ng dalaga ang kanyang paningin. Tumingin ito sa kanya na puno ng emosyon ang mga mata nito. Hinapit lalo niya si Dani palapit sa kanya saka hinawakan ng mabuti. Ramdam ni Gabriel ang bahagya pa rin panginginig ng katawan nito.

The Messenger's Trilogy Book 3: A Date With An AngelWhere stories live. Discover now